♡-Part nine

1K 28 0
                                    

Part 9: He accepted

Ashley's POV.

“Wow teh, ang ganda ng gising natin ah?”lalong lumawak ang ngiti ko sa pagbungad ni jenny.

Nilagpasan ko siya at nilagay ang bag sa upuan ko bago siya harapin.

“Napa'no 'yan?”kumunot ang noo ko nang ituro niya ang nguso ko. Oo nga pala!

Ngumiti lang ako ng tipid. “Wala 'to, nabangga lang ako sa pintuan kagabi.”

Bigla siyang natawa sa sagot ko. “Ayan, nagdadaydream ka siguro kaya ka nabunggo!”hindi ko nalang siya pinansin.

Masyado talaga yatang maganda ang araw ko, lunes na eh. Ngayon ang exam namin pero hindi manlang ako kinakabahan dahil kahit ilan ang score ko ay okay lang.

At isa pa, makikita ko naman si cleo.

Ewan ko. Basta gusto ko siyang makita kaya maganda ang gising ko ngayon.

******

Nakabusangot ako nang magbell na dahil hindi kami nagtest sa science kaya hindi siya pumasok, si cleo. May emergency raw ang aming lecturer at sigurado akong nalaman agad ito ni cleo kaya hindi na siya pumasok sa room namin.

“Ash!”napalingon ako sa boses na 'yun, kaklase ko palang babae.

Huminto siya sa harapan ko. “Uhm, may gagawin ka pa ba mamaya? Mag 5pm?”napaisip ako sandali sa tanong niya.

Ngumiti ako at umiling. Napangiti siya.
“Good, pwedeng ikaw nalang muna maghanap ng additional information para sa research natin?”pakiusap niya.

Agad naman akong tumango.
“Sige, wala naman akong gagawin eh at para na rin may maitulong ako sa group natin.”tugon ko.

“May pupuntahan kasi ako mamayang uwian, isesend ko nalang sa'yo ang mga kailangan mong hanapin.”tumango ulit ako at ngumiti para ipakitang ayos lang.

Siya si Hanna, ang maganda naming leader sa research. Wala naman akong masyado naitutulong dahil halos tapos na rin 'yun. At lima rin kami sa grupo na puro rin active sa paggawa.

Ngumiti pa ulit siya bago ako talikuran at maglakad na papasok sa cafeteria.

Ako naman, naglakad na papunta sa office ni Cleo para dalhan siya ng lunch. Naging daily routine ko na 'to, dahil sa halos araw-araw kong pagpunta dun.

Kumatok muna 'ko ng tatlong beses at dahan-dahang binuksan ang pinto nang marinig ang hudyat niya mula sa loob.

At syempre hindi naman ako nito tinapunan ng tingin at nanatiling nakatutok ang mata sa libro.

Ganito ba talaga 'pag ssg president? Palaging nagbabasa at may ginagawa.
Tumikhim ako pero hindi pa'rin siya tumingin sakin!

Ano ba?!

Hindi na'ko nakapagpigil pa at deri-deritsong umupo sa upuang kaharap niya at ipinatong ang pagkaing bitbit ko kaya napatingin na siya sa'kin.

“Hi!”bati ko, napanguso ako nang bumuntong hininga siya bago tapunan ng tingin ang pagkain at ibinalik ang mata sa libro.

Hinintay kong magsalita siya pero nabingi lang ako sa subrang tahimik ng opisina niya!

Napairap ako sa hangin dahil sa pagkaburyong. “Nakakabusog ba 'yang pagbabasa mo ng libro?”tanong ko habang ang mata ay nasa kisame.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya pero agad ding ibinalik sa libro.
“Anong makukuha mo sa 'pagdala ng pagkain dito?”natigilan ako sa biglang pagsalita niya.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now