♡-Part five

1K 36 0
                                    

Part 5: Hug

Ashley's POV.

Kinabukasan, pumasok narin ako sa paaralan, hindi ko inaasahang alam na nila ang nangyari sakin kaya halos lahat ay kinamusta ako, pero ang ipinagtataka ko lang ay hindi nila alam na si cleo ang nagligtas sakin.

"I'm glad to see that you're fine, Miss Gayle."nakangiting ani ni Ma'am Flora, lecturer ko sa genmath.

Ngumiti rin ako.
"Salamat po ma'am!"

Lumabas narin siya ng classroom kasabay nito ang pagbell, hudyat na lunch break na.

On Cafeteria...

"Ang bilis mo naman yata kumain teh, may kaagaw? May kaagaw?"natatawang puna ni jenny kaya natawa rin ako.

"Pupuntahan ko pa kasi si cleo-"

"Crush mo na siya, no?!"natigilan ako sa tanong niya.

Nabura ang ngiti ko at napaiwas ng tingin.

"Hindi naman siguro imposible 'yun."

Lalo na nang masaksihan ko ang isa niyang side. Parang, nabura lahat. As in lahat ng ginawa niyang mali noon kaya hindi ko maiwasang humanga sakaniya.

Kaya oo na, inaamin ko nang crush ko siya!

"At syempre, ginagawa ko 'to para kay ma'am Therese at para magpasalamat na rin sa tulong niya."

"Wow ha? Push mo yan teh! Support lang ako sayo,"ngumiti ako sakaniya bago pumunta sa counter.

Pagkatapos kong bumili ng kanin, ulam at guyabano juice ay tumungo nako sa opisina niya.

Kumatok muna ako bago pumasok, nagulat ako nang madatnang natutulog siya at nakasubsob ang mukha niya sa mesa.

Dahan dahan kong isinara ang pinto at umupo sa harap niyang upuan.

Napatitig ako sa nakatagilid niyang mukha at kusang napangiti nang maalala kung gaano siya katapang na harapin ang apat na lalaki, hindi ko alam na magaling pala siyang magmartial arts.

Napaatras ako nang bahagya nang bigla siyang magmulat at iniangat ang ulo, tumama agad sakin ang paningin niya.

Paktay! Nagising ko ata siya!

"What are you doing here?"malamig niyang tanong, napayuko naman ako at kinagat ang pang ibabang labi.

"A-ah pres, s-sorry kung nagising kita. Oo nga pala nagdala pala ako ng lunch at juice sayo,"dinapuan niya ng tingin ang bitbit ko nang ilagay ko ito sa mesa niya at tumingin sa mga papeles na nasa lamesa niya.

"Maraming salamat din sa pagligtas sakin at pagdala sa ospital, utang ko sayo ang buhay ko, kung hindi ka dumating baka-"

"You may leave with your food now!"natigilan ako at napatingin sakaniya.

Akala ko pagkatapos nung nangyari ay magiging mabait na siya sakin, ang tanga ko naman para umasang mangyayari yun.

Ngumiti nalang ako at magsasalita na sana nang makita ang pasa niya sa panga, hahawakan ko na sana yun pero agad niyang tinapi ang kamay ko at tumayo.

Tumayo rin ako at agad hinawakan ang mukha niya ng dalawa kong kamay.

"Put your hands down."utos niya pero nanatili ang paningin ko sa pasa niya, hindi naman ito masyadong halata.

"Ang sama talaga nila! Hindi man lang naawa sa mukha mo at sinuntok-"naputol ang sasabihin ko nang marealize na subrang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa at titig na titig pa siya sakin habang nakakunot ang noo.

Mas matangkad siya sakin ng kunti kaya medyo nakaangat ang tingin ko sakaniya, hindi ko maipaliwanag ang kaba na bumalot sa dibdib ko nang magtama ang mga mata namin.

Nakaramdam ako ng pagkailang kaya agad kong binitawan ang mukha niya at tumalikod sakaniya, pakiramdam ko subrang pula na ng pisngi ko sa hiya at kilig... siguro?

Kaya pigil na pigil ang ngiti ko nang harapin ko ulit siya at parang dumoble ang pula ng pisngi ko nang makitang nakatitig parin siya sakin. Normal lang naman yun pero iba talaga ang epekto kapag siya na ang tumitig.

"Tapos kana?"napamaang ako.

"Huh?"

Pinagkrus niya ang dalawang braso habang nakapalumbabang nakatitig parin sakin.
"Tapos kanang kiligin?"awtomatikong nawala ang ngiting pinipigil ko at napanguso nalang.

Tumayo ako ng tuwid at tumikhim.
"Aalis nako, salamat ulit!"ani ko at agad lumayas sa opisina niya.

*****

Nandito ako ngayon sa library, malapit na ang exam kaya review review muna.

Ako muna ang pinagbantay ng librarian kasi niyaya raw siya ng jowa niyang kumain sa labas, vacant ko naman ngayon sa last period at close kami ng librarian kaya pumayag narin ako.

Napahikab ako sa kalagitnaan ng pagbabasa.

"Nakakainis naman oh!"reklamo ko nang hindi ko magets ang nakasulat sa libro.

Ang bilis ko pa namang makalimut kapag inaantok na ko.

Tumayo ako at tumalon talon. Sabi nila nakakawala daw ito ng antok.

Agad akong napahinto ako nang pumasok si cleo. At syempre, hindi ako nito tinapunan ng tingin at agad tumungo sa mga shelves.

Pasimple ko siyang sinundan, nakasilip ako sa pagitan ng mga libro. Naka sideview siya kaya kitang kita ko nang suotin niya ang eyeglass niya.

Oh my ghod!

Teka! Bakit lalo siyang gumwapo?!

Natulala ako at pilit pinoproseso sa utak ko kung bakit naging ganito na'ko bigla!

Ginayuma niya ba ako?

Akala ko happy crush pero bakit naman parang patay na patay na'ko sakaniya?!

"Are you still reviewing? Or busy staring at me?"napatalon ako sa gulat nang bigla siyang magsalita.

Papanong nandito na agad siya sa harapan ko?

Ang bilis naman niyang kumilos!

"Syempre nagrereview!"akmang babalik na'ko sa pwesto ko nang biglang namatay ang ilaw kaya sa takot ay agad akong napatalon at napayakap sakaniya.

Katulad niya ay nagulat rin ako sa ginawa ko!

Pero mas lalo akong nagulat nang... Niyakap niya'ko pabalik!

Hindi ako nakagalaw nang maramdaman ang init ng kaniyang bisig na kumulong sa katawan ko.

Dahil sa katahimikang bumabalot sa paligid ay rinig na rinig ko ang mabigat niyang paghinga at ang hindi maawat na pagkabog ng dibdib ko.

"Can I...."panimula niya, napakapit naman ako sa damit niya."Can I hug you for awhile?"paos niyang tanong, at kahit wala sa sarili ay napatango nalang ako.

Sigurado akong naririnig niya na ang tibok ng puso ko sa subrang lakas at sa oras na ito ay wala akong ibang hinihiling kundi ang 'wag nang matapos ang oras na 'to.

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now