♡-Part twenty two

942 24 0
                                    

Part 22: Their connection

Ashley's POV.

“Ano ba itong nangyayari sa anak natin, palagi nalang nalalagay sa alanganin ang buhay niya!”

“Hijo, wala kabang may napapansin, o mga nakaaway ng anak ko sa paaralan niyo?”

“Hindi naman po nang aaway si Ashley, tito..naaawa na nga po ako sakaniya eh dahil sobrang bait po niyan ng anak niyo.”

Dahan-dahan akong napamulat dahil sa mga tinig na naririnig ko, nanlalabo pa ang paningin ko hanggang sa maaninag ko na ang puting kisame.

Akmang igagalaw ko ang katawan ko nang agad ding mapadaing dahil nakaramdam ako ng sakit at pagkirot sa dibdib ko. May benda pala.

Napatingin silang tatlo sa 'kin at pumunta agad sa pwesto ko.

“Anak!”

“Mabuti at nagising kana!”

“Anak, patawarin mo kami kung sa ikalawang pagkakataon ay wala kaming nagawa para iligtas ka.”

“Ashley teh! Miss na miss kana namin, halos dalawang linggo ka nang nakaratay dyan,”

Sunod sunod nilang sambit, akma na ulit akong babangon nang pigilan nila ako.

“Wag mo munang pilitin, delikado pa.”paalala ni mommy.

Agad akong natahimik nang bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari. Kung saan nagsimula hanggang sa binaril ako ng isang tauhan ni Cheska.

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko at agad umiwas ng tingin sakanila.

Ayos naman na ako ngayon pero si.. Jake? Siya ang sumalo ng bala na dapat ay sa akin. Hindi ko alam ang mararamdaman.

“A-anak, may gusto kabang kainin?”

Umiling lang ako, wala akong gana kumain.

Hinawakan ni mommy ang isa kong kamay habang nakatingin lang samin si daddy at Jenny.

“Anak, magsalita ka naman, nag aalala kami sayo,”

“Medyo okay na po ako,”paos kong tugon bago pinilit na ngumiti.

Nakita kong medyo nakahinga naman sila nang maluwag.

******

Halos tatlong linggo na rin akong nandito sa ospital, maayos na ang pakiramdam ko.Nalaman ko rin kay daddy na dito rin dinala ang kasama ko, si Jake lang naman ang kasama ko bago barilin.

“Uhm, anong room po si Jake Santos?”tanong ko sa nurse dito sa nurse station.

Tinignan niya naman ang rekord at logbook.
“Sorry po ma'am pero wala kaming pasyente na nagngangalang Jake Santos.”

Kumunot ang noo ko, ang sabi ni daddy dito rin siya dinala.
“Baka po namalik-mata lang kayo, tignan niyo po ulit.”suhestiyon ko, tumango naman siya at tinignan ulit ang rekord.

“Sorry po talaga ma'am pero wala po talagang Jake Santos na naconfine dito.”napabuntong hininga nalang ako at tumango.

Babalik nalang sana ako sa kwarto ko nang matanawan si tita Grace, mommy ni Jenny.

Napatingin din siya sakin at napangiti nang makita ako.
“Ashley?”lumapit siya sakin at agad hinawakan ang kamay ko.

“Nabalitaan ko ang nangyari sayo hija, mabuti naman at mukhang maayos kana.”ngumiti lang ako.

“Tita, ano pong ginagawa niyo rito?”taka kong tanong.

“Ah? 'Yung isang anak ko kasi, natamaan ng ligaw na bala.”lalo akong nagtaka sa isinagot niya.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now