♡-Part sixteen

957 29 0
                                    

Part 16: Birthday party

Ashley's POV.

“Ashley! May naghahanap sayo rito sa baba!”sigaw ni mommy mula sa baba kaya agad akong lumabas sa kwarto.

May naririnig akong nag uusap sa kusina kaya dun ako dumeritso. Pagdating ko dun ay muntik na 'kong matisod sa pagkabigla.

Si Ma'am Therese, anong ginagawa niya rito?

Nang makita nila ako ay agad akong lumapit.

“Nandito na pala ang anak ko,”sambit ni Mommy.

“Good evening Ma'am.”nahihiya kong bati sa bisita.

Ngumiti siya at tumayo.
“Ano pong ginagawa niyo rito?”kahit may ideya na 'ko ay nagtanong pa rin ako.

“I wanted to personally fetch you, you know, my son's birthday is tomorrow,”natigilan ako sa sinabe niya, siya talaga ang sumundo sa 'kin?

“Sakto naman dahil wala naman na kayong klase bukas, diba Ash?”nakangiti pang udyok ni mommy, alam niya na ba ang misyon ko?

Tama naman siya, sembreak na namin.
“Sige po ma'am—”

“Just call me tita, wala naman tayo sa paaralan.”putol niya.

Napakamot ako sa ulo ko at awkward na ngumiti.
“Sige po tita, magbibihis lang muna ako.”

Agad na 'kong tumakbo papunta sa kwarto at dali daling nagbihis at nagpaganda.

Pagkatapos ko ay nagpaalam na agad ako kay mommy, wala si daddy dahil may trabaho pa.

******

Pagdating namin sa bahay nila, napanganga ako sa laki at ganda nito.

“Welcome to my house, hija!”masiglang bati ni Ma'am Therese, napangiti naman ako.

Pinark ng driver niya ang sasakyan at magkasama kaming pumasok.

Pagdating sa loob, pumunta muna siya sa kwarto niya at ako, naiwan dito sa sala.

Napakamodern ng mga design ng bahay nila, at may malaki pa silang chandelier sa sala, isang glass table sa gitna ng dalawang sofa na mahaba. Marami ring mga paintings sa gilid, mga achievements at medalya.

Nahinto ako sa isang picture frame, isang batang lalaki at babae na magka akbay, mukhang nasa edad na sampu.

Napatitig ako sa batang lalaki, si Cleo nga ito. Ang ganda ng ngiti niya rito, ibang iba sa Cleo ngayon. Tumingin rin ako sa batang babae na kasama niya, may naalala ako sakaniya, pareho kasi sila ng mata.

'Yun ay ang dati kong best friend. Kaya lang, pumunta na sila ng America at dun siya nagpatuloy sa pag aaral dahil dun nagtatrabaho ang daddy niya.

“Maghapunan muna tayo,”rinig kong sabi ni Ma'a—este tita Therese sa likuran ko.

“Sino po ang batang babae na kasama ni Cleo, tita?”wala sa sarili kong tanong, nanatiling nakatingin sa larawan.

Para kasing napaka espesyal niya kay Cleo, halata ring close na close sila.

Nilingon ko si tita Therese nang hindi ito umimik, nakatingin na rin siya sa larawan, tumingin siya sakin at parang nag alinlangan pang magsalita.

“Bakit po? Sino po ba siya?”

Ngumiti siya pero parang may mali.
“Her name was Rein,”tumingin ulit siya sa larawan. “Rein Belladona.”

Rein?

Kumunot ang noo ko, parang pamilyar. Saan ko nga ba narinig yan?

Ah! kay Jake! yung first love niya ay Rein din ang pangalan.

Natigil ako sa pag iisip nang makitang nagpupunas ng mata si tita Therese.

“Umiiyak ka po ba ma'am—este tita?”tanong ko, natawa siya nang mahina sa tanong ko.

“No hija,”hinawakan niya ang isa kong braso.“Kumain muna tayo,”anyaya niya, napangiti ako at nagpatianod nalang sakaniya.

Malaki rin ang kanilang dining area, may parihabang lamesa at marami ng nakahandang pagkain.

“Hindi dito uuwi ngayon si Cleo, he's staying on his condo,”sambit ni tita nang mapansing kanina ko pa nililibot ang paningin sa buong bahay.

Nakaramdam naman ako ng kaunting panghihinayang. Akala ko makikita ko siya ngayon, inaamin kong kahit iniwasan at hindi ko siya pinansin mula nung isang linggo ay hindi pa rin siya nawala sa isipan ko.

Nagulat ako nang tapikin ni tita therese ang balikat ko. “Don't worry, I'll call him to come home tomorrow.”ngumiti siya, yung ngiting naninigurado.

******

Kinaumagahan ay bumalik ulit ako rito. Ilang oras rin ang itinagal ng pag aayos namin sa buong bahay para sa birthday celebration ni Cleo. Dark blue ang theme, tumulong rin ako sa paghiwa ng mga ingredients at pagluto, kasama ang mga maid nila. 

Habang si Ma'am Therese naman ay abala sa pagtawag sa kanilang mga relatives at mga kaibigan.

Nakakatuwang hindi man lang ako nakaramdam ng pagod dahil buong oras kong nasa isip si Cleo at ang katotohanang para sa kaniya lahat ng ginagawa namin.

Kinaumagahan ay pinagpatuloy namin ang pagluluto, pag aayos ng mga kurtina, upuan at iba pa, dumating na rin ang ibang bisita.

Malapit nang gumabi nang matapos kami, nandito na rin ang ibang bisita sa loob ng bahay.

“He's arrived,”napalingon kami sa lalaking nakasilip sa uwang ng kurtina na bumulong.

Tumahimik na ang lahat, nakapatay ang ilaw ng buong bahay. Hindi ko kung bakit ako kinakabahan nang marinig ang yabag niya papalapit sa pinto. Nang tuluyan niyang mabuksan ang main door ay kasabay nito ang pagsigaw nila.

“SURPRISE!!”kasabay rin nito ang pagbukas ng lahat ng ilaw.

Nang magsimula na silang kumanta ay tumalikod na 'ko sakanila.
“Happy birthday to you~~happy birthday to you~~happy birthday, happy birthday, happy birthday cleo~~”

Nakagat ko ang labi ko nang sandaling tumahimik ang paligid.

Dahan-dahan akong humarap sakanila at nakitang lumapit sakaniya si Ma'am Therese na siyang may bitbit ng cake.

May ibinulong siya kay Cleo, ganon din ang anak niya sakaniya.

“Mag wish kana bro para makakain na 'ko”tinaliman ni Cleo nang tingin ang lalaki.

Kaibigan niya siguro. Wala namang sinabe si Ma'am Therese na may kapatid siya.

Nang dahil sa sinabe ng lalaki ay makisali na rin  ang iba para sabihing magwish at hipan na ang kandila sa cake.

Taimtim lang ako habang tinitignan siyang hinipan ang kandila. Ngunit nahigit ko ang hininga ko nang magtama ang mata namin nang mag-angat siya ng tingin.

Kahit mahirap, pinilit kong ngumiti sakaniya kahit alam kong hindi niya rin susuklian.

At tama nga ako.

Nang pinutol niya ang titigan namin ay saka siya dumeritso sa hagdan paakyat sa kwarto niya.

‘Happy birthday, Cleo..’bulong ko nalang sa hangin at naging mapait ang pilit kong ngiti.

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now