♡-Part ten

1K 35 0
                                    

Part 10: Drunk

Ashley's POV.

Hindi ko manlang namalayan ang araw, weekend na naman!

Pero nagpapasalamat ako dahil hindi ako mabubulok sa bahay dahil nang-invite ang isa kong kaklase sa kasal ng kuya niya, at dahil isa akong mabuting kaklase ay sa reception sa isang resto-bar na ako dumiretso kasama si jenny.

“Hindi talaga tayo umattend sa kasal, no?! Halatang pagkain lang ang habol natin dito teh!”singhal ni jenny, pabiro ko lang siyang inirapan dahil todo rin naman ang kanyang paglantak sa salad.

“Nagbigay naman tayo ng regalo, kaya okay na 'yan!”

Umayos ako ng upo nang makitang papalapit sa'min ang mag-asawa.
“Congrats po!”bati ko nang dumaan sila sa lamesa namin.

Ngumiti naman sa'min ang mag-asawa at nagpasalamat bago pumunta sa bagong dating na bisita.

Tinignan ko si jenny nang hindi manlang siya bumati, tumaas ang kaniyang kilay nang makitang nakatitig ako sakaniya.

“Grabe 'yung paglantak mo ng pagkain dyan tapos hindi mo manlang sila ni-congratulate! Bilib talaga ako sa kapal ng mukha ko, bakla!”tumaas ang gilid ng kaniyang labi.

“FYI teh, wala sa vocabulary ko 'yan, no!”maarteng saad niya.

Napailing nalang ako sa kabaliwan namin.

Nakaupo na kami ngayon ni jenny sa couch habang nagpapatunaw ng kinain. Nakatulala lang ako sa mga taong patuloy ang pagsayaw sa dancefloor habang si jenny naman ay patuloy ang pagkalikot sa kaniyang selpon.

Ang iba ay kaklase ko at ang iba naman ay hindi ko kilala, malamang ay kamag-anak nila or kaibigan ng ikinasal.

Tumayo ako para pumunta sa terrace nila. Mula dito sa second floor ay natatanaw ko ang mga kumakaing bisita sa baba. Nandito sa itaas ang bar at sa baba naman ang restaurant.

Napatayo ako ng maayos nang makita si cleo na kakapasok lang ng restaurant, simple lang ang kaniyang suot pero sapat na 'yun para maagaw niya ang atensyon nila—namin. Black t-shirt at black rin na pants with black rubber shoes.

Puro black talaga, parang patay naman ang pinuntahan niya!

Hindi ko maputol ang tingin sakaniya, masyado naman ata siyang gwapo sa mata ko! Nakipag-kamayan siya sa bagong kasal pero hindi manlang ngumiti!

Kahit dito ba naman, hindi ngumingiti! May singaw ba siya sa bibig kaya hindi niya kayang ngumiti?!

Agad natunaw ang ngiti sa labi ko nang may lumapit sakaniyang babae at mabilis ipinulupot ang braso sa braso ni cleo!

Ang masama pa ay hindi manlang ito pinansin ni cleo at hinayaan lang!

Wow ha?! Edi siya na maganda dahil hindi manlang siya tinaboy ni cleo!

Napanguso nalang ako at pumunta sa bar counter. “Yung hard drink po, kuya!”agad namang tumalima ang bartender.

Napairap ako sa hangin, naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Parang gusto ko nalang muna uminom para makalimutan ang lahat as in lahat-lahat.

“Hoyy!”muntik pa'kong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa biglaang pagtabi ni jenny sa'kin.

“Ano?”

“Anyare? Uminit naman ata ang ulo mo teh?!”hindi ko siya pinansin dahil dumating na ang bartender at agad iniabot sa'kin ang shot glass at isang bote ng hard drink.

“Oo nga pala, nakita ko si cle—”

“Wala akong pakialam.”agad kong putol, napamaang naman siya at humingi na'rin ng alak.

Hindi ko na siya pinansin at agad nang ininom ang alak. Napapikit ako nang gumuhit ang pait nito sa lalamunan ko.

Hindi naman ako palainom, minsan ay soju lang ang iniinom ko dahil hindi naman ako sanay at mabilis pang malasing.

“Hoyy, dahan-dahan naman teh!”hindi na'ko napigilan ni jenny nang sundan ko ulit ang paglaghok ng alak.

Natawa ako ng mahina nang makitang nakataas ang kaniyang kilay habang nakatitig sa'kin. “Ayy, parang alam ko na kung bakit ka nagkaka-ganyan!”

Ngumiti lang ako at tinaas ang shot glass.
“Mag-enjoy nalang tayo, minsan lang naman 'to bakla!”

Lumaghok ulit ako nang maraming beses bago tumayo at makisali sa mga nagsasayawan sa dance floor.

Ipinikit ko ang mata ko pero mukha lang ni cleo ang nakita ko, pasimple akong napangiti nang wala pa'ring emosyon ang kaniyang mukha.

Napaka realistic naman ng utak ko, hindi manlang pinangiti si cleo kahit sa imagination ko!

“Hi!”hindi ako nagmulat kahit alam kong ako ang binati ng boses lalaki.

“Are you sing—”

“May boyfriend na'ko.”agad kong putol, alam ko na kung saan patutungo ang usapang 'to kaya ganito palagi ang sinasagot ko para tumigil agad sila.

Pero ang lalaking 'to!

Hindi pa'rin lumalayas sa harapan ko nang magmulat ako. Tumaas ang kilay ko at tinignan siya ng masama.

Nagiging maldita talaga ako sa mga taong ayaw ko. Hindi ako marunong magpanggap dahil ang pagiging plastik ay wala sa dugo ko.

“Ano? Maghanap ka na ng iba dahil baka magalit ang boyfriend ko kapag nilandi mo pa'ko!”asik ko pero natawa lang siya at lalo pang lumapit sa'kin dahilan para mapaatras ako.

“Really? Kung may boyfriend ka, bakit ka niya hinahayaang pumunta sa lugar na 'to na alam niyang delikado para sa babaeng kagaya mo?”

Napairap ako sa pagiging makulit niya, bakit kasi hindi nalang siya maghanap ng iba kasi ganon naman sila, ayaw sa pa-hard to get.

“Gaya ng sabi ko, may boyfriend na'ko kaya wala ka ng pakialam dun!”

Ngumisi siya at humakbang pa papalapit sa'kin. “Kilala kita at alam kong wala ka pang—”naputol ang kaniyang sasabihin nang may biglang nagsalita malapit sa'min.

“I think, she's not comfortable with you.”parang napigil ko ang hininga ko nang marinig ang kaniyang tinig.

Natigilan din ang lalaki sa harapan ko, naramdaman kong umakyat lahat ng inis ko sa ulo nang maalala si cleo na ngayon ay nasa likuran ko na.

“Oh, Mr. Maverick! What brings you here?”

Para na 'kong tanga rito habang pinipigilan ang sariling linungin si cleo, nagsimula na 'ring tumama ang alak na ininom ko kanina!

Hinawakan ako ng lalaki sa bewang pero parang nawala na ang lakas ko para makipag-bangayan pa. Narinig ko pa ang mga sinasabe nila pero hindi ko na maintindihan.

“Ako na ang bahala sakaniya,”'yun na lang ata ang naintindihan ko, hindi ko ngalang alam kung kanino nanggaling.

Napapikit ako at napahawak sa braso ng lalaki nang muntikan na'kong matumba.

Ang hina ko talaga sa alak!!

Naramdaman kong unti-unti akong binitawan ng lalaki pero agad ring may humawak sa'kin. Napakapit nalang ako sa damit niya sa takot na matumba ako. Hindi ko na talaga kayang imulat ang mata ko!

“Heyy, where's your friend?”

“Hmm?”hindi ko masyado narinig ang boses ng kung sino man 'tong lalaki na'to.

Patuloy pa'rin kaming naglalakad at ako naman 'tong walang pakialam dahil sa gusto ko na talagang humilata sa kama at matulog.

“G-gusto ko nang matulog,”

“Damn it!”

“Where's your friend woman?!”

Hindi ko na pinansin ang lalaki, hindi ko na rin pinilit na imulat ang mata ko at walang pag-alinlangang yumakap sakaniya, kusa akong napangiti nang maamoy ang pamilyar na pabango.

Parang hindi ako nangangamba sa kung ako man ang gawin niya sa'kin, hinihila na talaga ng antok ang wisyo ko!

“G-gusto ko nang matulog,”usal ko bago ako tuluyang makatulog habang nakayakap sa lalaking 'to.

Itutuloy...

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now