♡-Part eight

1.1K 30 0
                                    

Part 8: Amazed

Ashley's POV.

“Ano ba naman itong pinasok mo teh! Hindi kapa ba kuntento sa problema mo? At dinagdagan mo pa! Sana nagsabi kanalang sakin para ishare ko sayo ang problema ko, ano?”sermon agad ni jenny pagkatapos kong ikwento lahat sakaniya ang nangyari simula nung sa banggaan.

Nasabi narin sakin ni katley, ang kaklase kong pinagtanggol ko ang dahilan kung bakit umabot sa ganon ang lagay niya.

Nag uusap daw sila ng kaniyang kaibigan sa telepono, hindi niya naman namalayan na nababanggit niya na pala ang queen bee at nasasabihan ng masama at hindi niya alam na narinig na pala ni cheska ang mga pinagsasabe niya.

Syempre nagalit ang reyna at agad hinila ang buhok niya, nagulat siya sa ginawa nito lalo na nung pinagpasa pasahan siya ng ibang estudyante na mga fans ni cheska at pinagsasampal.

Deserve naman pala ni katley na ipagtanggol ko siya, dahil pareho kaming naiinis sa cheskang yun at subrang bait pa niya sakin, siya palagi ang tinatanungan ko kapag may hindi ako nagets sa mga lesson.

“Ano na ang gagawin mo ngayon?”kumunot ang noo ko sa tanong ni jenny, parang dismayado at nag aalala kasi ang tono niya.

Nagkibit-balikat ako.
“Wala, dapat ba may gawin ako?”

“Aba'y gaga kaba? Hindi mo kilala yung queen bee na yun, narinig mo naman yung sinabe at inabot ni katley hindi ba? Hindi natin alam kung ano pa ang kaya niyang gawin, marami siyang tagasuporta, pera at hindi rin imposibleng marami siyang koneksyon!”

“Ano ang pinupunto mo kung ganon?”kunot noo kong tanong.

“Ewan ko sayo teh, gamitin mo naman ang utak mo kahit minsan lang,”bakas talaga ang pag aalala sa boses ni jenny.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa katamarang tugunan ang kaniyang mga sinasabi.

******

Vacant time ko ngayon, kaya eto ako. Naglalakad sa hallway patungo sa locker.

Hindi kami pareho ng strand na kinuha ni jenny kaya minsan lang kami nagkikita kapag may klase.

Natatanaw ko na ang locker nang may biglang tumulak sakin mula sa likuran!

Sa subrang lakas, agad akong nadapa at sumubsob ang mukha ko sa sahig.

Agad akong napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa may nguso ko
“A-aray!”

Dahan dahan akong umupo at tinignan kong sino mang alagad ni ponchio pilato ang gumawa nun!

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa nakita, tatlong babaeng estudyanteng hindi ko naman kilala habang tuwang tuwa na kinukunan ako ng litrato.

Nagsalubong ang kilay ko sa inis.
“Sino ba kayo? At ano bang kasalanan ko sainyo?”galit kong sigaw.

Malakas ang loob nilang mangbully dahil walang estudyanteng gumagala ngayon dahil may klase pa.

Tumawa sila at lumapit sakin nang makatayo na ako.

“Hindi mo alam? Sinampal at sinigawan mo lang naman si Cheska na queen bee namin!”sagot nung babaeng na sa gitna.

Napamaang ako at natawa.
“Ang sweet niyo namang mga fans, kayo pa ang gumaganti para sakaniya. Bakit? Natatakot ba siyang harapin ako mag isa?”sarkastiko kong tanong.

Kita ko naman ang inis at galit sakanilang mga mukha.

Bago pa sila makasagot ay tumalikod na'ko at sa rooftop nalang ng school dumeritso. Magsasayang lang ako ng oras kapag pinatulan ko pa sila kaya mas mabuti pang lumayo nalang ako.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now