♡-Part eleven

1K 31 0
                                    

Part 11: I'm still yours

Ashley's POV.

Nagising ako dahil sa subrang kirot ng ulo ko, napapikit ako nang mariin at napahawak dito.

Putiks na 'yan!

Agad akong napamulat at napabangon nang may marealize!

Oh my ghod!

Ang tanga ko!

Kahit kumikirot ang ulo ko ay pinilit kong tignan ang katawan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang ganon pa'rin ang suot ko at wala naman akong ibang nararamdaman kundi ang kumikirot kong ulo.

Pero nasaan ako? At kaninong bahay—condo pala?!

Dahan-dahan akong bumaba sa kama, nakapaa nalang pala ako. Malamang hinubad nung lalaking nagdala sa'kin dito ang flat sandal ko.

Dumapo ang tingin ko sa braso ko nang makitang may notes na nakadikit rito. Kinuha ko ito at binasa.

“Lock my condo if you're done. Just touch the button and it will be automatically lock.”

Napataas ang kilay ko. Grabe, akala ko gentleman pero hindi manlang nag-alok o nag-iwan ng pagkain.

Sabagay, mas mabuti na 'yun kesa sa kunin niya ang bataan ko noh!

Tinignan ko ulit ang notes pero walang pangalan ng lalaki except nalang sa initial na ‘C. M’

Ano 'to? Classmate?

Nagkibit-balikat nalang ako at agad kinuha ang shoulder bag ko para ayusin ang mukha kong hindi ka yata mapapakinabangan.

Tinext ko rin si jenny na nasa bahay na'ko para hindi na siya mag-alala pa dahil sa dami ng text at missed calls niya.

Ang alam nila mommy ay doon kami matutulog sa bahay ng kaklase namin, kaya hindi na rin sila magtataka kung bakit hindi ako nakauwi kagabi sa bahay.

Napabuntong hininga nalang ako. Mabuti nalang talaga at mabait ang lalaking nagdala sa'kin dito kung hindi baka buntis na'ko nito! Kaya lang, pa'no ko siya mapapasalamatan kung wala manlang picture dito sa condo niya?

Grabe naman!

******

“Siya 'yan diba?”

“Oo, siya nga!”

“Kung ako sakaniya, hindi na 'ko papasok.”

“Ang lakas ng loob niyang kalabanin ang queen bee, 'yan tuloy ang napala niya!

Kumunot ang noo ko sa bulungan nilang rinig na rinig ko naman at halatang ako talaga ang pinag uusapan dahil sa kanilang mga titig na parang naiinis, nagagalit, naaawa at hindi ko na maintindihan!

Pagkapasok ko sa classroom ay agad akong sinalubong ni johnny este jenny ng masamang mukha.

“Anyare sayo?”nilapag ko sa silya ko ang bag ko at hinarap siya.

Nagcross arm siya kaya nag cross arm rin ako sa harapan niya.

“Ikaw! Hanggang kailan mo ba sakin itatago 'yung mga nangyari sayo?”kumunot ang noo ko.

“Ang alin?”tumaas ang kilay niya at napahawak pa sa buhok niya.

“Jusko teh! kung hindi kopa nakita itong picture mo na nadapa malapit sa locker na ginawa lang namang meme ng mga etchuserang palaka ay hindi kopa malalamang nagsisimula na ang laban niyo ng queen bee na yun!”

“ANO?!”gulat kong tanong.

“Oo! Narinig mo ang sinabi ko? Ginawa lang naman nilang meme ang pagmumukha mo with hashtag, kung ang ahas ay nasa gubat, bakit nandito yan sa paaralan, gumagapang?”

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now