♡-Part twenty

933 27 0
                                    

Part 20: The truth

Ashley's POV.

Naglalakad ako ngayon palabas ng paaralan habang nag uusap kami ni jenny sa selpon.

[Okay, babye na teh]paalam ni Jenny mula sa kabilang linya.

“Sige, magpahinga kana Jen”sabi ko bago binaba ang linya.

Ramdam ko ang lungkot at pagod sa boses ni Jenny, naaawa ako sakaniya. Hindi parin nila alam kung sino ang nagnakaw sa kanilang pera mula sa bangko.

At inatake naman ang kaniyang nanay sa sakit nito.

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na tinig.

“Oh, come on. I know the truth already, just admit it.”

Nagtago ako sa likod ng sasakyan at bahagyang sumilip.

Hindi nga ako nagkamali, si Cheska nga ang nagsalita, pero hindi ko inaasahan kung sino ang kaniyang kausap.

Si Cleo.

Kahit nakatalikod siya sa pwesto ko ay sigurado akong siya ito, nakapamulsa siya at base palang sa tindig niya ay alam kung wala na namang emosyon ang kaniyang mukha.

Natawa nang mapakla si Cheska nang hindi nagsalita si Cleo.

“Your actions seems different from your words, Cleo.”dahil sa street light ay naaninag ko ang ngisi ni Cheska.

Humakbang siya ng isa papalapit kay Cleo, pero hindi manlang ito natinag at nanatiling nakatayo at nakapamulsa.

Hindi ko alam pero nagsimulang umusbong ang kaba ko sa patutunguhan ng usapan nila. Gustuhin ko mang umalis ay hindi ko magawa dahil alam kong involved dito si Cleo.

“So, how could you deny that you already fell from her?”natigilan ako sa tanong niya kay Cleo. “That you already love that poorita girl,”

Ako ang tinutukoy niya.

Habang tumatagal na hindi nagsasalita si Cleo ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Kumuyom ang kamao ko sa kaba.

“Bakit hindi ka makasagot? Kasi tama ako, mahal mo—”

“No, you got it wrong.”parang tumigil ang mundo ko nang marinig ang sagot niya. Pero mas lalo akong natigilan sa idinugtong niya. “I will never like her or love her,”

Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa sinabe niya. Nangilid ang luha ko at napako ako sa kinatatayuan ko.

Napapikit ako nang magsalita siya ulit na lalong nagpaguho sa katiting kong pag-asa sakaniya.

“She's just a piece of shít that will mess up my life,”

Ang salitang naging dahilan upang mas lalo akong mahulog sakaniya, ay siya rin palang salita na makakapag wasak sa'kin.

Hindi niya 'ko kailanman gugustuhin o mamahalin.

Sana hindi nalang ako nakinig sa usapan nila, sana hindi na 'ko nagpalamon sa kuryusidad ko kaya dahil dun ay nasaktan na naman ako.

Gusto kong isiping nananaginip ako, gusto kong hilingin na hindi totoo ang narinig ko, na mali na naman ang akala ko, na totoo lahat ng pinakita at pinaramdam niya sa'kin, at totoong gusto niya rin ako.

Pero anong magagawa ko? Ito ang reyalidad, reyalidad na hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko.

Mali nga ang akala ko.

Ang akala kong gusto niya ako ay normal lang sakaniya. Na ginawa niya lang siguro 'yun dahil sanay na siya sa ganoong pagtrato sa iba.

Namalayan ko nalang ay tumatakbo na'ko palayo sakanila, palayo sa lalaking sinaktan ako nang sobra.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, wala na'kong pakialam.

Nanlalabo ang mga mata ko, pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo, ang sakit sakit ng puso ko.

Para itong tinutusok ng milyon milyong karayom.

Kasabay nang pagtigil ko sa pagtakbo ay ang pagkagulat ko nang may biglang nagtakip ng kung ano sa bibig at ilong ko, lalong nanlabo ang paningin ko at bumigay ang tuhod ko.

May naaninag pa akong isang lalaki bago tuluyang nawalan ng malay.

******

Naalimpungatan ako dahil sa may kung anong ingay akong naririnig.

Binalot ako ng kaba nang mapagtantong nandito ako sa isang kwarto na madilim, mabaho at makalat.

Naalala kong merong nagtakip sakin ng kung ano kaya nawalan ako ng malay.

Nasan ako? Anong lugar 'to? Anong kailangan nila sakin? Bakit nila 'ko kinidnap?

Pinigilan kong tumulo ang luha ko, hindi dahil sa takot kundi nang bumalik sa isip ko lahat ng sinabe ni cleo. Paano niya nagawa sakin 'to?

Akma akong gagalaw nang maramdamang nakatali pala ang kamay ko sa likuran habang nakahiga ako sa lumang kama.

Dahan dahan akong bumangon, kamay ko lang ang nakatali.

Kahit walang ilaw ay nakita ko pa rin ang pinto dahil sa sinag ng buwan na nagmumula sa mataas na bintana.

May naririnig akong kunting ingay sa labas na papalakas nang papalakas.

“'Wag na 'wag niyong hahayaang makatakas ang babaeng 'yan, kundi buhay niyo ang magiging kapalit.”tinig ni... Cheska?
Hindi ko na napigilan ang luha kong pumatak. Anong kasalanan ko sakaniya?

“Anong gagawin niyo sakaniya ma'am Cheska?”natigilan ako nang marinig ang isang pamilyar na tinig.

Niloko niya 'ko.

Si katley, ang kaklase kong pinagtanggol ko dati mula kay Cheska.

“Well, hindi ko na gagawin ang naranasan niya na.”

Napigil ko ang hininga nang marinig ang idinugtong niya.
“Let's just say, mas mabigat ang mararanasan niya, mas masahol pa sa naranasan ni Rein bago siya namatay!”

“Oh! I mean, pinapatay ko.”

Natutop ko ang bibig sa gulat, siya ang nag utos na gahasain at patayin si Rein, ang buong akala ko ay dahil lang sa mga walang puso na lalaki ang dahilan pero may iba pa pala.

Siya lahat ng may kasalanan. Siya ang nag papatay, siya ang nagplano ng lahat at ngayon ay ako naman ang isusunod niya.

“Iba ka talaga Ma'am Cheska, bilib talaga ako sayo.”

“Bakit bigla mong natanong? Gusto mo bang ikaw nalang ang tumapos sakaniya?”

Kinilabutan ako sa sinabe niya. Napakademonyo niya!

“Syempre po ma'am, bilang isa niyong katiwala ay dapat alam ko rin kung ano ang mga pinaglalaban at gagawin niyo.”

Para na akong nabingi dahil sa galit, takot, pagtataka at sakit.

Galit dahil sa walang awang ginawa niya kay Rein. Takot dahil alam kong kaya niyang tapusin ang buhay ko kung gugustuhin niya. Pagtataka dahil hindi ko maklaro kung ano ang dahilan niya kung bakit ako pinadakip. At kung tama ang hula ko, may gusto siya kay Cleo kaya ako ang magdudusa, pero hindi niya naman talaga ako mahal.

At sakit dahil sa katotohanang hindi ako mamahalin ni Cleo katulad nang pagmamahal niya kay rein.

Hindi ko na maawat sa pagtulo ang luha ko.

Bakit ko nga ba napagdadaanan ito? Bakit ang inakala kong mahal niya rin ako ay mali pala. Bakit sa lahat ng babae ay ako pa ang pinaasa?

O ako lang talaga ang patuloy na umaasa?

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now