♡-Part twenty nine

1K 24 0
                                    

Part 29: Explanation

Ashley's POV.

Alas otso na ng umaga pero nakahilata parin ako sa kama at nakatulala sa kisame. Sabado naman kaya walang problema.

Walang ibang tumatakbo sa utak ko kundi ang lahat ng ginagawa ni Cleo.

Alam ko ang ibig sabihin ng mga ginagawa niya pero hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari. Hindi ko gusto ang ginagawa niya dahil lalo akong naguguluhan sa tuwing gumagawa siya ng paraan para malapitan ako at makasama.

Andami niyang ginagawa para sa'kin pero ang kaisa-isang bagay na hinihintay ko ay hindi niya maibigay o masabi.

Hanggang dito nalang ba talaga?

Hanggang pag-iisip nalang ba talaga ako kung bakit niya ginagawa 'to?

Pwede akong magtanong, pero..

Kaya ko na ba? Kaya ko na bang pakinggan ulit ang sagot niya?

Natatakot ako. Natatakot akong masaktan ulit kapag narinig mula sakanya ang katotohanan.

“Anak! Nandito si Johnny sa baba, hinahanap ka!”napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sigaw ni mommy.

Ano naman ang ginagawa niya rito?

“Mabuti naman at hindi mo na hinintay pang ako mismo ang bubulabog sa tulog mo rapunzel!”bungad agad ni Jenny pagkababa ko.

Nasa sala siya at syempre kumakain ng snacks, umupo ako sa tabi niya at kumuha ng isang cookies.

“Ang aga mo namang bumisita!”puna ko.

“Ang boring sa bahay eh, ako lang ang maingay dun!”

“Kaya rito ka rin nag agahan?”napahawak naman siya sa dibdib niya at hindi makapaniwalang tinignan ako.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

“Grabe ka teh! Bawal ba?”humigop siya ng juice.

“Ano ba kasing pakay mo?”

“Gusto kong gumala.”

“Oh, tapos?”

“Tapos sasakalin na kita!”asik niya.

Napabuntong hininga nalang ako bago inumin ang gatas sa lamesita.
“Hoy akin 'yan teh!”inis kong binaba ang basong nangangalahati nalang ang laman.

“Tinatamad nga akong lumabas.”sambit ko, agad namang sumama ang mukha niya.

“Dali na! Samahan mo lang ako teh, kahit bilang taong nangangailangan lang.”napangiwi ako sa ginagawa niya.

Para kasi siyang bata na nagmamakaawang bigyan ng piso.

“Samahan mo na si Johnny, anak. May ipapabili na rin ako.”agad namang nagdiwang si Jenny nang marinig ang sinabe ni mommy.

Napabuntong hininga nalang ulit ako.

******

“Hoy? Akala ko ba sa sm tayo pupunta, bakit iba na 'tong dinadaanan natin?”taka kong tanong.

Imbes kasi na lumiko sa kanan ang taxi ay dumeritso ito.

Tinignan ko si Jenny kung may napansin ba siyang kakaiba pero tutok na tutok siya sa kaniyang selpon habang ngiting ngiti.

“Sino 'yan?”tumingin din siya sakin pero agad itong ibinalik sa selpon niya.

“Jowa mo yan, 'no?”aba't hindi talaga ako pinansin.

“Jenny! Bakit iba na itong dinadaanan ng taxi?”pabulong kong tanong, baka kasi marinig kami ng driver.

“Manahimik ka nga teh, nag shortcut lang eh!”

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now