♡-Part twenty five

981 25 0
                                    

Part 25: Is it still not enough?

Ashley's POV.

“Good morning teh!”bungad agad ni Jenny sakin pagkapasok ko ng classroom.

Ngumiti lang ako nang tipid at dumeritso na sa'king silya.

“Ayy snobbed?”ipinikit ko ang aking mata nang makitang lumapit sakin si Jenny.

Inaantok pa ako eh, wala akong tulog kagabi.

“May provincial camping raw tayo teh! Sasali kaba?”tanong niya.

“Ikaw?”

Napamulat ako nang bigla niyang hampasin ang braso ko. “Ano ba!”asik ko, sinamaan niya ako ng tingin.

“Ang aga aga teh! Tas inaantok kana naman!”

“Hindi nga ako nakatulog kagabi!”nanlaki ang kaniyang mata at agad sinuri ang braso at mukha ko.

“Ano bang ginagawa mo?!”

“Tinitignan kung may dugo kapa!”asik niya.

“Nakakaloka ka!”inilapit niya pa lalo ang silya sa tabi ko.“Anong ginawa mo kagabi? Umamin ka!”napaiwas ako ng tingin at pipikit na sana nang hampasin niya ulit ako.

“Ano ba! Wala akong ginawa kagabi! Hindi lang ako makatulog!”inis kong tugon sakaniya.

“Wag ako teh! Kilala kita, dahil naman ba 'to kay Cleo mo noh?”

Napabuntong hininga nalang ako.
“Palagi naman, walang nagbago. Mahal ko pa rin.”mapait kong tugon.

“Hindi mo naman kailangang baguhin ang nararamdaman mo sakaniya teh, ang gusto ko lang sabihin ay sana wag mong hayaang sakaniya lang umikot ang mundo mo.”

Bumuntong hininga rin siya.
“Ayusin mo ang sarili mo teh, mahalin mo rin ang sarili mo.”

Parang may pumintig na reyalisasyon sa puso ko sa sinabe niya.

Masyado yata akong nagmadali at umasa na mamahalin niya rin ako. Masyadong naging tutok sakaniya lahat ng atensyon ko at dahil dun, nakalimutan ko ang sarili ko.

Siguro, simula na para unahin ko naman ang sarili ko.

******

“Dalian mo! Baka maubusan na tayo!”hinila ako ni Jenny patungo sa isang bagong bukas na restaurant.

Sumiksik kami sa maraming tao para lang makapasok. Subrang haba ng pila, andami ring kumakain.

Bukod kasi sa free na ang pagkain ngayon ay may binibigay pa silang ticket para sa libreng pag attend sa party bukas. Sa isang resort daw ito gaganapin.

Kaya ganito nalang ang pag eeffort naming makapunta rito at makakuha ng ticket.

“Hoy teh!!”nabalik ako sa reyalidad nang sumigaw si Jenny sa mukha ko.

Nakanguso na siya at hindi na maipinta ang mukha.

“Ano bang sinisigaw mo?”

“Isa nalang ang ticket na natira!”napatingin ako sa hawak niyang ticket, hindi ko namalayang nandito na pala kami sa harap ng counter.

“Paano ka teh?”

Wow, ibig sabihin sakaniya lang ang ticket.
“Magbabayad nalang ako.”tinignan ko ang kuko ko, mukhang kailangan ko ng magpa manicure.

Napapabayaan ko na ata talaga ang sarili ko.

“Satingin ko hindi mo na kailangang gawin yan teh!”

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now