♡-Part fourteen

995 31 0
                                    

Part 14: Her tears

Ashley's POV.

Napatigil kami sa paglalakad ni jenny nang harangan kami ni Cheska, may tatlong babae pa siyang kasama sa likod.

Halos matagal-tagal na rin nung huli naming pagkikita, muntik ko na nga siyang makalimutan.

“Oww, good morning poorita girl,”sarkastiko niyang bati.

Tumaas lang ang kilay ko, nanatili namang tahimik si jenny habang nag babantay sa mangyayari.

“Walang maganda sa umaga ko dahil diyan sa pagmumukha mong parang coloring book,”kaswal kong tugon at ngumiti.

Ngumiti rin siya pero halata namang peke, nakabantay rin ang tatlo niyang fans sa mangyayari.

“So, how's your past days without me, nag enjoy kaba?”sarkastiko parin ang kaniyang tono.

“Oo, subra. Kaya lang may palakang umepal nung paggising ko kahapon ng umaga eh, bigla nalang sumulpot sa harapan ko at ayaw akong tantanan.”

Nakita kong may inis na dumaan sa mga mata niya, pero agad niya itong tinago sa pamamagitan ng pagngiti.

“Aalis na kami ah? Baka kasi malate pa kami, hindi naman namin masisisi ang palaka kapag pinagalitan kami.”agad akong hinila si jenny na halatang badtrip na.

“Trial pa lang yan!”

Kumunot ang noo ko sa sinabe ni jenny, may halong inis ang kaniyang boses.

“Wala akong pakialam kung anong gawin niya.”ani ko at pumasok na sa classroom.

******

Lunch time na kaya pagkatapos kong kumain kasama si jenny ay nagpaalam na agad akong dalhan si cleo ng pagkain at ibalik na'rin ang libro na hiniram ko.

Kanin at caldereta ang binili ko para sakaniya, sinamahan ko na rin ng isang coke in can, pinalagay ko nalang sa plastic bag para madaling bitbitin.

Pagdating ko sa office ni cleo ay kumatok ako ng ilang beses, ngunit hindi ako nakarinig ng tugon mula sakaniya.

Siguro tulog na naman siya.

Napangiti ako nang maalala ang araw na pumunta ako rito at naabutan siyang natutulog, ang titig niyang nakakatunaw at nahawakan ko pa ang mukha niyang subrang lambot at napakagwapo. Baliw na talaga ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita, nabura ang ngiti ko.

Nabitawan ko ang dala ko at nagsimula nang manikip ang dibdib ko.

Nakakandong si Cheska kay Cleo habang... n-naghahalikan sila!

Napalingon sakin si Cheska at ngumiti, agad rin siyang humarap ulit kay Cleo na parang uhaw na uhaw na humahalik sakaniya.

Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko at tumatakbo na palayo sakanila.

Namalayan ko nalang nandito na 'ko sa rooftop, napasandal ako sa pader at napaupo habang umiiyak.

Subrang sikip ng dibdib ko, at hindi rin maawat sa pagtulo ang mga luha ko.

Pilitin ko mang kumbinsihin ang sarili ko na hindi yun totoo pero malinaw na malinaw kong nakita iyon.

Ngayon ko napagtanto at naging malinaw sa'kin ang lahat ng sinabe ni jake.

Nahulog na ako sakaniya nang hindi ko manlang namamalayan.

Pero tama bang masaktan ako, ni wala nga akong karapatan sakaniya.

Napatingin ako sa kamay na nakalahad sa harapan ko na may hawak na panyo.

Wala sa sarili kong kinuha ito at pinahid sa mukha kong basang basa na ng luha saka nag angat ng tingin, si Jake pala.

Bakas ang pag aalala sa mukha niya. Umupo siya sa tabi ko saka ako tinunghayan.

“Ang mga katulad mong maganda, hindi dapat umiiyak.”mahinahon niyang sambit pero kahit ngumiti hindi ko siya matugunan.

Hindi ko kayang ngumiti sa oras na 'to.

“Alam mo bang nakikita ko ang sarili ko sayo dati,”sabi niya pero tuloy tuloy parin sa pag agos ang luha ko.

Napatingin ako sakaniya, kahit nanlalabo ang mga mata ko sa luha ay nakikita ko ang emosyon sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa malayo.

“Siya ang una kong minahal, kaya kahit masakit ay iniwasan ko siya, nilayuan at hangga't maaari ay hindi ko siya pinapansin o kahit ang tignan,”

“Pero kahit anong gawin ko, hindi parin siya nawala sa puso ko, siya parin palagi ang laman ng puso't isipan  ko.”nagulat ako nang ngumiti siya at ibinalik ang tingin sakin.

“If you love someone, you can do everything even how hard it is. Because all along, you know that you love him and you want to him to happy even if it will just makes you hurt,”

“At kahit abot kamay mo na siya, kung hindi siya ang para sayo, hindi mo siya makukuha.”ang linya niyang iyon ay tumagos sa puso ko.

Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko dahil hindi ko alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng mga pinag gagawa ko, dahil malinaw na sa'king mahal ko na pala siya.

Tumawa siya at tinapik ang balikat ko.

“Just remember this. Sumubok ka lang nang sumubok, dahil kapag napagod ka ay pwede kang magpahinga pero kung hindi mo na kaya, tumigil kana, ganon lang. Atleast hindi ka magsisisi sa huli,”hindi ko namalayang huminto na sa pagtulo ang luha ko pero barado na ang ilong ko.

“But in your case, Cleo was different. He can do whatever he wants, because he was a Maverick. He's colder than ice and dangerous as fire, Ash.”

Tumitig siya sa mga mata ko. Natigilan ako.
“And now, another girl crying because of him. But that girl, was the girl that amazed me.”

Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Gustong gusto ko magtanong sakaniya pero natatakot ako.

Sa mga sinasabi niya, mukhang matagal niya nang kilala si cleo.

At natatakot akong mahalata niyang ayaw kong kalimutan si cleo, na ayaw kong mawala ang nararamdaman ko para sakaniya.

Kahit na, siya ang kauna-unahang lalaki ang inibig ko ngunit ang kauna-unahang lalaki ring nagpadurog sa puso ko.

Gusto ko pa'ring mahalin siya kahit nasaktan niya na ako.

Pero, makakaya ko pa kayang harapin siya nang hindi ako nadudurog?

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now