♡-Part four

1.1K 27 0
                                    

Part 4: Danger

Ashley's POV.

“S-street...”hindi ko alam! Nilibot ko ang paningin sa lugar.

“Street what?!”

“S-street Dimaku—”naputol ang sasabihin ko nang sumingit ang tinig ng lalaki.

“Talagang pinahirapan mo pa kami, ano?”aniya at ngumisi.

Dahan dahan siyang humakbang palapit kaya napaatras ako.

“H-huwag kang lalapit!”banta ko pero tumawa lang siya.

“Oops!”agad akong napaharap sa likuran ko nang mabunggo ang isa pang lalaki.

Nandito na rin ang dalawa pa nilang kasama, nagsitawanan sila na parang mga demonyo.

“Hawakan niyo!”utos ng isa, agad akong nagpumiglas nang hawakan nila ang dalawa kong braso kaya nabitawan ko ang selpon ko.

“B-bitawan niyo ko, ano ba?! Tulong! Saklolo!”umagos ang luha ko habang sumisigaw.

Mariin akong napapikit sa pinaghalong pandidiri at takot nang nagsimula silang haplusin ang iba't ibang parte ng katawan ko.

“Walang tutulong sayo dito dahil na sa lugar ka namin at lalong takot ang lahat ng tao sa'min kaya wag ka nang mag inarte!”lalong nanghina ang tuhod ko nang ganon ka buo at kalalim ang kaniyang tinig na bumulong sa'kin bago mala demonyong humalakhak.

Nanginig ang labi ko habang patuloy parin sa pag agos ang luha ko.

Hindi ko na maramdaman ang katawan ko, wala akong ibang naririnig kundi ang kabog ng dibdib ko.

“Bitawan niyo 'ko, maawa kayo!”parang ibinulong ko nalang ang salitang yun, ubos na ubos na ang lakas ko.

“Hubaran niyo na kaya—”

“Don't you dare!”isang boses ang umalingawngaw, natigilan sila at napatingin kami sa pinanggalingan niyon.

Parang natunaw ang puso ko nang makita si Cleo. Dumating siya.

Tutulungan niya 'ko!

“Hoy totoy, wag kang makialam dito kung ayaw mong paglamayan ka nang maaga.”

Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaking nagsalita, hindi rin kakikitaan ng anumang kaba at takot sakaniya kundi nag aapoy sa galit ang kaniyang mga mata.

Sa ikalawang pagkakataon, nasaksihan ko ulit ang side niyang nakakamangha ngunit nakakabahala.
“Let her go.”may kung anong kuryente ang pumintig sa puso ko nang marinig ang napakalamig niyang tinig.

“Bakit? Boyfriend kaba niya? Titikman lang naman namin ang girlfriend—”

Hindi na natapos ang sasabihin ng lalaki dahil bigla siyang sinuntok ni cleo kaya agad siyang sinugod ng isang lalaki at nang may hawak sakin.

Napaupo ako sa gilid ng kalsada sa subrang panghihina at hindi makagalaw dahil sa pinaghalong takot at gulat.

Napapikit nalang ako tuwing nagpapalitan sila ng suntok.

“Maawa kayo tama na! Ano ba?!”sigaw ko nang matamaan si cleo ng suntok sa panga at tiyan.

Natumba na ang dalawa, sinipa niya ang isa sa lalamunan at sinuntok sa mukha kaya tumumba rin ito sa kalsada, ang isa nalang ang kaharap niya ngayon.

“Magaling ka pero hindi mo ako matatalo,”mayabang na ani ng lalaki.

Natigilan ako dahil sa kauna unahang pagkakataon, ngumisi si cleo at sa ganitong sitwasyon pa!

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now