♡-Part twenty four

949 27 0
                                    

Part 24: How you slapped me

Ashley's POV.

Halos tatlong linggo na'rin ang nakalipas simula nang makidnap at mabaril ako.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung paano kami nakaligtas. Hindi ko na nakita si Louis, kahit si Cleo ay isang beses ko lang nakita, mukhang hindi pa ako napansin na dinaanan niya lang.

Talaga bang wala lang sakaniya lahat ng nangyari sa'kin?
Sa lahat ng pinakita niya, wala ba talagang totoo dun? 
Nang ginawa niya 'yun, hindi niya ba naisip kung ano ang mararamdaman ko?

Napangiti ako nang mapait. Bakit nga ba ako aasa na may pakialam siya sa damdamin ko? Sa bibig niya na mismo nanggaling na kahit kailan ay hindi niya ako iibigin o gugustuhin.

Ang tanga ko talaga! Naniwala ako sa lahat nang pinaramdam at pinakita niya.

“Just make sure that all documents are organized.”

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses niya. Nagharumintado naman agad ang puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit nanlalamig ang mga kamay ko at nanginginig.

“Noted pres!”

Dahan dahan akong lumingon sakaniya pero deritso lang ang kaniyang tingin sa hallway at mukhang hindi niya ulit ako napansin nang makalagpas siya sa harapan ko.

“Sandali!”sigaw ko, napatigil siya sa paglalakad at napatingin rin sakin ang ibang estudyante.

Humakbang ako papalapit sakaniya. Klinaro ko ang lalamunan ko bago nagsalita.
“M-may gusto lang sana akong itanong sayo,”may gusto lang akong linawin.

Tama bang itanong ko pa kung narinig ko naman ang sagot niya dati?

Kailangan ko pa bang marinig ulit 'yun sa bibig niya para matigil na ang kahibangan kong 'to?

Hinarap niya ako at sinalubong ang tingin ko. Nalukot ko ang dulo ng palda ko nang wala akong nabasang emosyon sa mata niya.

Bumalik na siya sa dati. Bumalik na ang tunay niyang kulay.

Huminga ako nang malalim.
“Kahit minsan...”napalunok ako. Nanatili siyang nakatingin sakin, napayuko ako.“Wala ka bang may naramdaman sa'kin? Wala ba talagang totoo sa pinakita mo?”halos ibulong ko nalang 'yun dahil sa pagpipigil ng luha.

Lumipas ang ilang segundo nang wala akong narinig mula sakaniya.

“What do you think?”napasinghap ako bago dahan-dahan siyang tinignan.

Dahan dahang sumilay ang ngisi sakaniyang labi at umiling iling. “If you still don't know and if isn't obvious, then lemme tell you this, ”humakbang siya hanggang sa halos magdikit na ang aming katawan.“I won't fall for you, got it?”

Napigil ko ang hininga ko at nakagat ang labi para pigilan ang paghikbi sa harapan niya.

“You already know me but you still run over me.”nanatili siya nakatitig sa'kin, napayuko nalang ulit ako. Hindi ko na kayang tignan siya nang matagal. “And now, it's all your fault why you were hurting. You let your heart falling on me, you let your heart fell on the fire that I've made.”

Huminga ako nang malalim pero kahit kunti ay hindi manlang nito nabawasan ang paninikip.

Kahit sobrang hirap, ginawa ko ang lahat para ngumiti kahit kunti at iniangat ang tingin sakaniya.

“O-okay! Naiintindihan ko. Gusto ko lang namang malinawan.”tumawa ako nang pilit pero napalitan lang ito ng hikbi kaya tinigil ko nalang.

Nakatitig pa rin siya sa'kin habang malamig ang ekspresyon.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now