♡-Part twelve

1K 26 0
                                    

Part 12: He's worried?

Ashley's POV.

“Miss Gayle!”nagulat ako nang tawagin ng lecturer namin ang apilyedo ko.

Nakalimutan kong nandito pala kami sa science laboratory ngayon at kanina ko pa pinagcocombine combine ang mixture nito at hindi parin bumubula!

“How's your experiment? Almost half of hour you doing that, and you're still not done?”napalunok ako sa sinabe ng aming lecturer, bakit kasi lumilipad na naman ang utak ko nang idiscuss ang mga procedures nito.

Ramdam ko ang mga titig ng aking mga kaklase kaya napayuko ako.

“Mr. Maverick, kindly help Miss Gayle for mixing,”nanlaki ang mata kong napatingin kay Sir at Cleo.

Hindi manlang siya nagulat at nanatiling malamig ang aura.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang si Cleo talaga ang kausap ko nung lunes. Ngunit parang sinaniban lang talaga yata siya nun dahil kinaumagahan ay bumalik na naman siya sa dati.

Hindi na siya ulit nagsasalita kung hindi tinatanong. Hindi na rin siya tumitingin sa'kin at hindi ko na rin nakita ulit ang ngisi at ngiti niya, hindi ko na rin siya narinig na tumawa.

Parang kung sa pagkain ay free taste lang. Kung hindi mo pa afford ay hindi mo pa matitikman ulit kung kailan mo gusto kaya kailangan mong magsumikap para matikman ulit iyon.

Ganon din sa sitwasyon ko. Kailangan ko pang magsumikap bago ko tuluyang masira ang pader na hinarang niya sa pagitan ng sarili niya at sa ibang tao at para tuluyan ko na siyang mabago.

Kung titignan si Cleo, wala pa rin itong ekspresyon o mas tamang sabihing hindi ko maipaliwanag ang naglalarong mga emosyon sa mata niya. At kahit naka labgown kami at mask ay amoy ko pa rin ang pabango niya!

“Focus.”nabalik ako sa ulirat nang magsalita siya. Nakatulala na naman pala ako sakaniya.

Binalik ko nalang ang atensyon sa experiment na hawak ko.

Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay kong may hawak na bottle.

“Mix it slowly,”mahina niyang sabi at ginalaw ang kamay ko nang mahina.

Pakiramdam ko ay may kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya papunta sa puso ko!

Parang nawala ako sa sarili ko at nilingon siyang ganon nalang kalapit sa mukha niya.

“I said focus.”napaatras ako bigla dahil sa gulat kaya nabangga ko ang lamesa sa likod ko at ang masama pa ay naapakan ko ang lace ng sapatos ko kaya na out of balance ako!

Napapikit ako sa pinaghalong gulat at takot, at hinintay ang pagbagsak ko pero wala akong naramdaman pagbagsak.

Subrang tahimik at naramdaman kong may nakapulupot na braso sa bewang ko!

Unti unti kong minulat ang mata ko at bumungad sakin ang mukha ni cleo na..... nag aalala?

“Ehem! Ehem!”napatayo ako bigla dahil sa tinig ng aming lecturer.

Nakatingin na samin ang lahat kong kaklase, habang kinikilig, mukhang naiinis, at walang reaksyon.

Binitawan na ako ni cleo at bumalik sa pwesto namin, ako naman, nanatiling nakatayo habang pinipigil ang ngiting gustong kumawala sa labi ko!

“Next time, mag iingat ka Miss Gayle, kung hindi ka nasalo ni Mr. Maverick malamang natapunan ka na ng mga chemical,”tumango lang ako sa paalala ng aming lecturer.

Tama siya, kapag natumba ako masasagi ko ang mga gamit dahil 1 inch na lang ang pagitan ng kamay ko sa mga bottle na may lamang chemical.

Bumalik ako sa pwesto ko, sa tabi ni cleo.
“Thank you,”bulong ko.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now