♡-Part fifthteen

980 28 0
                                    

Part 15: Ignored

Ashley's POV.

“Himala, hindi mo na yata pinapansin si pres leo ah?”

Halos mag-iisang linggo na nang iniwasan ko siya. Tinigil ko ang pagdadala ng pagkain sakaniya, hindi ko na rin siya pinapansin tuwing magkakasalubong kami sa daan.

Napabuntong hininga ako nang harapin si Jenny. Nakataas ang kaniyang isang kilay, senyales na gusto niyang magkwento ako.

“Hindi naman, hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko, baka mahawa pa siya kapag lumapit ako.”dahilan ko na totoo naman, medyo masakit ang ulo ko at nanghihina rin ang katawan ko.

Gulat niyang hinipo ang leeg at noo ko.
“Omygosh ka teh! Akala ko ba masamang damo ka? Bakit nagkakasakit ka ngayon?”nag aalala niyang sambit.

Ngumiti lang ako nang pilit at umayos na ng upo nang dumating na ang lecturer namin sa science.

“Good morning, class!”

“Good morning, sir bulquiren!”

Nang maupo siya ay nagsimula na rin siyang mag-attendance.

“Cleo Maverick!”pagtawag ng guro namin, walang may nagsalita, lahat sila ay nagtaka kahit ako ay hindi maiwasang mag aalala, nandito naman siya kanina ah.

“He's absent—”natigilan ang kaklase ko nang biglang pumasok si cleo, walang emosyon siyang tumitig sa aming lecturer.

Dumeritso siya sa kaniyang pwesto at umupo sa kaniyang silya, nasa likod ang kaniyang upuan nasa tabi ng bintana.

SSG president nga pero wala namang respeto sa guro!

Rinig ko ang pagsinghap ng aming guro bago sinimulan ang pag di-discuss.

Hindi ko nalang siya tinignan pa at tumutok nalang sa klase.

“Mukhang badtrip ata si pres teh, tignan mo. Kanina pa nakakunot ang kaniyang noo at subrang sama ng titig kahit saan mapunta ang kaniyang paningin.”bulong ni jenny sakin, hindi ko nalang ito pinansin at ipinagpatuloy nalang ang pagsusulat.

Kahit gustong gusto kong lingunin siya ay hindi ko kaya, kahapon ko lang nakita ang lahat at subrang sakit parin isipin.

Kung tutuusin ay wala akong karapatan masaktan kasi hindi naman siya akin, pero hindi ko maiwasan, masaktan at magselos.

Natapos ang klase ng wala akong masyadong naintindihan, kaya aasa nalang ako sa mga pinakopya ng lecturer.

“Alam niyo ba? Nakita ko kaninang nanginginig ang kamay ni pres habang hawak hawak ang ballpen niya,”hindi ko na sana papansinin ang usapan ng aking mga kaklase ngunit napahinto rin ako.

“Parang galit na galit siya, at subrang badtrip talaga!”

“Ano kayang problema ni pres noh?”

“Siguro may babae namang—”hindi ko na pinakinggan ang usapan nila at agad nang naglakad.

Hindi ko kayang marinig ang tungkol sa babaeng yun pero subrang malas ko talaga ngayon, nasa harapan ko na naman si cheska.

Nakacross arm siyang nakatingin sakin, ganon rin ang kaniyang dalawang kasama.
“Kamusta kana? Balita ko may komplikasyon na raw ang puso mo, ah?”bakas ang kaartehan sa boses niya, hindi ko nalang siya pinansin dahil wala akong gana.

Lalagpasan ko na sana sila nang agad nahawakan ng isa niyang kasama ang braso ko at pabalibag na ibinalik sa pwesto ko kanina.

Sinamaan ko sila ng tingin at akmang aalis ulit nang harangan nako sa dalawa niyang kasama.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now