♡-Part nineteen

1K 28 0
                                    

Part 19: Someone

Ashley's POV.

“Excited na'ko, teh!”agad akong napangiti kay Jenny.

Kaka-announce pa lang kanina tungkol sa gaganaping Halloween Party sa buong school.

Cartoons ang theme kaya sobrang saya ng karamihan dahil mas marami silang option na pagpipiliang isusuot.

“Anong costume mo, teh?”tanong ni Jenny.

Sandali akong nag-isip.
“Si elsa!”lalo akong napangiti. Favorite ko talaga si elsa simula pa dati, ang astig kasi ng power niya.

Pumalakpak si Jenny, natawa naman ako.
“Perfect! Ako naman si Kristof!”

Napamaang ako sa sinabe niya. Napabusangot siya nang makita ang reaksyon ko.
“Gulat na gulat te?! Kahit bakla ako ay gusto ko pa ring maging gwapo sa party, no!”untag niya at inirapan ako kunwari.

Napailing nalang ako, hindi pa rin makapaniwala.
“Oo na, good luck na lang sa'tin sa friday,”

******

[Bilisan mo, teh! Andami na ritong fafa boy, oh! Asan kana ba?]kanina pa walang tigil ang bibig ni Jenny sa kakaputak.

Natatawa nalang ako sakaniya dahil atat na atat talaga siya sa Halloween Party.
“Malapit na, kaya kumalma kana!”sagot ko.
“You seems very happy, anak.”napalingon ako kay daddy nang magsalita ito.

Sumulyap siya sa'kin saglit bago ngumiti at ibinalik ulit sa kalsada ang atensyon.
“Boyfriend mo na ba siya?”

Napamaang ako sa derikta nitong tanong. Kahit wala siyang sinabeng pangalan ay kilala ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.
“H-hindi po, dad,”tugon ko at bahagyang napailing.

Hindi pa, char!

Tumango tango si daddy, nakangisi pa na ipinagtaka ko.

“Bakit po, dad?”

Sumagot siya habang nakatuon pa rin sa kalsada ang mata.
“Para maipabugbog ko agad—”

“Dad!”nanlalaki ang mata kong suway.

Napanguso ako nang tumawa si daddy.

“Enjoy, my princess. I hope he'll mesmerize by your beauty,”tinawanan ko lang ang pang-aasar ni daddy.

Sana nga, dad.

Pagkababa ko sa sasakyan ay agad akong sinalubong ni Jenny.

“My elsa! Teh!”tumakbo pa siya papunta sa'kin.

Napatingin siya sa likuran ko dahil hindi pa umaalis si daddy.

“Good evening po, tito!”bati niya.

“Ang gwapo natin, ah?”nakita ko pang napangiwi si Jenny bago ngumiti na parang natatae.

“Thank you, Tito! Ako na po ang bahala sa prinsesa niyo!”hinawakan na niya ang braso ko.

Nilingon ko si daddy bago kumaway at ngumiti. Hinila na ako ni Jenny papasok sa gate ng school.

“Ikaw ba talaga 'yan, Jen?”tanong ko sakaniya, hindi makapaniwala.

Hinarap niya 'ko at kunwari pang inayos ang collar ng medyo maluwang niyang brown
polo, nakagel din ang buhok niya.

Kung hindi ko talaga kilala si Jenny, malamang ay pinagkamalan ko na siyang straight. Lalaking lalaki ang tindig niya ngayon.

Ako naman ay nakasuot ng kulay blue at silver na sleeveless long dress at may slit hanggang sa kaliwang mid thigh.

“Hoy, hoy! Anong tingin 'yan teh?!”agad akong napabusangot nang marinig ang tinig niyang dinaig pa ang nagtitinda sa palengke.

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt