♡-Part twenty one

913 22 0
                                    

Part 21: Gun shot

Ashley's POV.

Napabangon ako bigla nang maramdamang may bumuhos sakin ng malamig na tubig.

Tumatawang mukha agad ni Cheska ang bumungad sakin, may kasama siyang isang lalaki na may hawak na isang balde na tumutulo pa.

“Good morning poorita girl!”ayan na naman ang sarkastiko at maarte niyang tinig na nagpakulo sa dugo ko.

“H4YOP KA!! Anong kasalanan ko sayo?!”galit kong sigaw sakaniya, ngunit hindi manlang siya natinag.

Tumawa siya at tinignan ang kasama niyang isang ring dèmonyo.

“Hindi ka pa rin pala aware?”nag cross arm siya saka lumapit sakin.

“Sagutin mo mag isa mo!”asik niya, nagulat ako nang maramdaman ang palad niyang dumapo sa kanang pisngi ko.

Halos mamanhid ang mukha ko sa lakas ng kaniyang sampal.

“Masakit ba?”sarkastiko niyang tanong.

Nakatagilid pa rin ang mukha ko at nakatuon sa sahig ang paningin ko.

“Anong oras mo ba 'ko papatayin?”kusa nalang lumabas sa bibig ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na natigilan siya pero kalaunan ay tumawa at pumalakpak pa.

“Masyado ka naman atang sabik na makita si satanas?”tumatawang ani ng lalaki.

Matalim ko silang tinignang dalawa.

“Bakit? Hindi ba plano niyo rin naman akong patayin, bakit hindi pa ngayon?”

Para akong maiiyak habang sinasabe iyon, gusto ko nalang mawala na sa mundong 'to, hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko.

“Oo, pero hindi sa paraang madali lang, kundi 'yung paunti unti hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko.”

Ngumisi pa siya bago ako talikuran kasama ang lalaking kasama niya.

Ewan ko, pero sanay na yata ako. Hindi na'ko nakakaramdam ng takot, handa na ako sa kung ano man ang mangyari sakin.

Wala na akong pakialam kung anong magiging kahihinatnan ng lahat ng ito. Basta ang alam ko lang, hanggang sa huli kong hininga ay si Cleo parin ang mahal ko.

******

“Ashley...”

Napamulat ako dahil sa mahinang pagtawag ng kung sino sa pangalan ko.

Napabangon agad ako nang makita ang lalaking gumigising sakin.

“Itatakas kita.”mahina niyang sambit bago ako akayin.

Wala akong nagawa kundi titigan siya at wag nang magreklamo.

Hindi ko namalayang nakalabas na kami, sobrang bilis ng pangyayari na parang dumaang hangin lang.

Kasing bilis nang pag-alpas ng luha ko dahil sa nakikita kong pag-aalala sa mata niya na muntik ko nang mapagkamalang pagmamay-ari ng iba.

Hindi siya ang inaasahan kong magliligtas sa 'kin, hindi siya ang gusto kong magliligtas sa 'kin pero ito siya sa harapan ko.

Puno ng pag aalala, galit, at saya ang nakikita ko sakaniya.

“Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?”

Umiling lang ako at napayuko.

“Anong ginawa nila—”

*/Bang

*/Bang

Parang tumigil ang paghinga ko sa dalawang putok ng baril.

Ang bilis ng pangyayari, nakayakap na sakin si Jake at....

Siya ang sumalo ng bala na dapat ay sa akin.

“J-jake..”bumigay ang mga tuhod ko kaya napaupo kami sa gilid ng kalsada!

Nakita ko sa di kalayuan ang anino ng isang lalaki na papalapit sa pwesto namin habang may dalang baril.

“Jake! Jake! Gising..”

Tumulo ang luha ko nang makita ang dugong umaagos mula sa kaniyang likuran.

“J-jake..”

Wala na siyang malay at papalapit na sa'min ang lalaking bumaril sakaniya!
“Satingin mo makakatakas kana? Nagkakamali ka! Dahil hindi kami papayag na maging masaya ang lalaking iyon!”nakakakilabot ang kaniyang tinig na umalingawngaw sa paligid.

Sa pagkakataong ito, nakaramdam ako ng kaba. Mas malala pa sa naramdaman ko nung muntik na 'kong magahasa. Itinutok niya sakin ang baril niya.

“Any last message? Ipapaabot ko lang sa mga magulang mo at pinakamamahal mong lalaki, kasama ang ulo mo.”

Tumulo na naman ang mga luha ko, bakit ba ang hina hina ko sa pagkakataong ito?

Napapikit nalang ako at hinintay ang pagputok niya sa baril.
“T-tapusin mo na ang buhay ko!”paos kong sambit.

Handa na ako. Handa na akong mamatay.

*/Bang

Naaninag ko pa ang isang anino na bumaril sa lalaking bumaril din sa akin bago tuluyang nilamon ng dilim ang paningin ko.

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat