♡-Part six

1K 26 0
                                    

Part 6: Cry

Ashley Gayle's POV.

Nabura ang ngiti sa labi ko at napalitan ito ng pagtataka nang gumalaw ang balikat ni Cleo at ilang segundo lang ay narinig ko ang paghikbi nito!

“P-pres? Okay kalang ba?”parang gusto kong sampalin ang mukha ko sa tinanong ko, eh halata namang hindi!

Unti unti siyang kumalas sa yakap at napaupo sa gilid ng shelves, hinubad niya ang salamin niya kaya umupo na rin ako sa tabi niya, kahit madilim ay naaaninag ko parin ang lumuluha ngunit walang buhay niyang mga mata dahil sa sinag ng buwan na nagmumula sa bintana.

May kung anong kumurot sa puso ko nang makita ang kalagayan niya, bakit siya umiiyak?

“C-cleo..”hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!

Nakayuko lang siya habang patuloy na humihikbi, habang ako ay nakatitig lang sakaniya.

Ngayon ko lang nalaman na mas nakakadurog palang makitang ganito si cleo kesa sa pagiging malamig niya sakin.

“Three years ago...”natigilan ako nang magsalita siya bagaman ay wala paring buhay ang kaniyang mga mata pero hindi na lumuluha.

Tahimik lang ako habang hinihintay masundan ang sasabihin niya.

“My life was perfect because she was with me to fulfill the emptiness in my life. She always makes me happy and loves me the way I love her.”parang may pumiga sa puso ko sa sinabe niya tungkol sa babaeng mahal niya, kung ganon may ex-girlfriend na pala talaga siya?

Hindi ko maintindihan pero hindi ko mapigilang hilingin na sana dumating ang panahon na makalimutan niya na ito at nais kong kahit papano, sa'kin mabaling ang atensyon niya.

Pero bakit siya malungkot at umiiyak habang sinasabe iyon? Hindi niya parin siguro matanggap na iniwan na siya ng girlfriend niya. Nasaan na kaya ang girlfriend niya? Masaya na kaya siya sa lalaking pinili niya?

Tumitig siya sa'kin habang namumula ang mata.
“I've a-already planned my future with h-her, everything was clear, and I was j-just waiting for h-her yes so we will be official..”

Kahit ramdam ko ang hapdi sa dibdib ko sa naririnig ay nanatili pa rin ako sa tabi niya.

Suminghap siya, dalawang beses at dahan dahang umiling.
“B-but...it became impossible after what happened that night.”

Sandali akong natigilan nang matunugan ang galit at sakit sa tinig niya, pero kagaya kanina ay nanatili akong tahimik sa tabi niya.

“Kagaya mo at sa parehong lugar, may mga lalaking humarang sakaniya sa daan, pero... ”lalo akong natigilan at naguluhan. Hindi ko narin alam kung saan nagmumula ang kaba ko ngayon, nakatitig pa rin siya sa'kin habang tuloy tuloy na umaagos ang luha niya.

“... Hindi kagaya mo, hindi siya nakaligtas at pinatay matapos gahasain..”

‘... Hindi kagaya mo, hindi siya nakaligtas at pinatay matapos gahasain...’

Sandali akong natulala sakaniya at wala sa sariling nahila siya para yakapin. Pumatak ang luha ko nang mapagtanto ang lahat.

Kaya pala galit na galit siya nang gabing iyon dahil naaalala niya ang girlfriend niya, kaya pala alam na niya ang lugar kahit hindi ko natapos sabihin ang address at kaya pala hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako dahil alam na niya ang mangyayari sakin kapag hindi siya dumating!

Hindi ako makapaniwala!

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap nang pareho na kaming kumalma. Hanggang sa umilaw na ang paligid, napapikit ako sa biglaang pagliwanag.

Siya na ang kumalas sa yakap at dahan dahang tumayo. Kumapit ako sa shelves at tumayo na rin, hindi na siya makatingin sakin nang deritso.

Kahit medyo namumugto ang kaniyang mga mata ay hindi parin nabawasan ang kaniyang kagwapuhan.

Nakaramdam ako ng pagkailang. Walang may nagtangkang magsalita samin, panay ang buka ng bibig niya pero hindi rin itutuloy ang sasabihin.

“Kamusta na ang pakiramdam mo?”

“I need to go.”

Sabay naming sambit, nagkatinginan kami pero agad din siyang umiwas.

Tumikhim ako.
“Kailangan ko na ring umalis, gabi na rin baka hinahanap na'ko sa bahay.”mahina kong sambit.

“Ayos na ba ang pakiramdam—”

“Oo, aalis na'ko.”bumalik na naman siya sa pagiging malamig ngunit paos ang kaniyang tinig.

Tumango nalang ako at ngumiti, sinulyapan niya'ko bago tumalikod pero bago siya umalis ay may binitawan siyang salita na nagpalitaw ng ngiti ko.

“Thank you for listening.”

*****

“Juskong bata ka! kanina pa kami nag aalala sayo, hindi mo rin sinasagot ang telepono mo, anong bang ginagawa mo't anong oras kanang nakauwi rito?”bungad agad sakin ni Mommy, nandito rin si Jenny at Daddy.

Sasabihin ko ba ang totoo? Baka magalit sakin si Cleo kapag pinagkalat ko yun, edi mas lalo siyang magiging malamig sakin!

“Sorry po Mom, Dad, Den, nakatulog kasi ako sa library at lowbat rin ang selpon ko kaya hindi ko namalayan ang oras at hindi ko nasagot ang tawag niyo.”mahinahon kong paliwanag.

Minus one na 'ko sa langit neto.

“Naku, mabuti naman at nandun kalang sa paaralan niyo, akala namin baka naulit na naman sayo ang nangyari,”bakas parin sa tinig ni mommy ang pag aalala.

“Anak, kung maaari wag na sanang maulit ito, baka atakihin ang mommy mo sa puso sa subrang pag aalala sayo,”tumango ako at ngumiti kay daddy.

“Oyy teh, pano ka nga pala nakalabas ng school e diba nakasarado na yun kapag gabi?”pang eechos naman ni jenny kaya makahulugan akong ngumiti sakaniya.

“Wag mong sabihin..”nakuha agad niya ang pinupunto ko.

“Shh! Wag kang mag alala, ituturo ko rin sayo bukas ang sekretong daan,”

Agad naman siyang napangiti nang labas ang ngipin kaya napangiwi ako.

Nasa bandang garden yung sekretong daan, natatabunan yun ng mataas na damo at may sunflower naman sa gilid nun, medyo may kaliitan ang butas doon pero kasyang kasya naman ako, hindi rin naman halata yun sa labas kasi nasa likuran na yun ng paaralan at walang masyadong dumadaan doon.

“Hindi ko nga lang alam kung kakasya ka dun,”dagdag ko pa na nagpabura sa ngiti niya.

Napahalakhak ako nang bumusangot siya at nahampas ko pa siya sa mukha sa subrang tawa kaya lalong humaba ang nguso niya.

“Kamusta na pala ang plano mo kay cleo?”biglang tanong niya kaya napatigil ako at agad umayos.

Isa isang nagsibalikan sa isip ko ang lahat ng nangyari at ginawa niya.

Ang nakakamangha niyang side na dahilan kung bakit halos hindi na siya matanggal sa isip ko.

Na parang habang tumatagal, lalo kong nakikilala si cleo at habang tumatagal dun ko narealize at nararamdaman na may mabigat talaga siyang dahilan kung bakit ganon ang trato niya sa mga taong nakapaligid sakaniya.

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now