♡-Part one

1.8K 40 0
                                    

Part 1: Mission

Ashley's POV.

“Hey miss!”napalingon ako sa isang tinig.

Kumunot ang noo ko nang makita ang blockmates kong lalaki sa history subject na naglalakad patungo sa pwesto ko.
“Ako?”tinuro ko ang sarili ko habang kunot-noong nakatitig sakaniya.

Nakangiti siyang tumango kaya napaayos ako ng tayo. “Bakit?”

Napakamot pa siya sakaniyang ulo at tinabingi ito habang ngumingiti ng kunti, parang nahihiya lang ang peg.

“May favor sana ako sa'yo,”tumingin siya sa mga mata ko.

“Ano yun—”

“Pakitago nalang muna nito.”aniya at agad kinuha ang kamay ko at walang pagsabing nilagay doon ang isang.... Vape?

Bago paman ako makapagsalita ay kumaripas na siya ng takbo!

“Hoyy! Sandali lang!”sigaw ko pero malabo na para marinig niya dahil humalo na siya sa mga estudyanteng nagkukumpulan malapit sa canteen.

Napamura ako ng ilang beses nang mapasulyap sa vape na hawak ko, arghh!

Bawal 'to rito!

Akmang ilalagay ko na ito sa bulsa ng palda ko nang matigilan dahil sa dalawang pares ng sapatos na tumigil sa harapan ko.

Iniangat ko ang tingin ko at muntikan pa'kong matumba sa bigat ng kaniyang presensya at walang emosyong mga mata.

Cleo Maverick, the ssg president.

“Mali ang iniisip mo—”

“List your name and year here, sa guidance office kana magpaliwanag.”nagitla ako nang iabot niya sakin ang isang piraso ng papel at agad lumayas sa harapan ko.

Oh my ghod!

Wala akong kasalanan!

Lintik na kaklase kong 'yun! Kasalanan niya kung bakit malalagay sa panganib ang pangalan ko!

“Teh! Anong nangyari, bakit ka nilapitan ng presidente ng yelo?”natauhan ako nang marinig ang sigaw ng bakla kong kaibigan, si jenny.

Napabusangot ako at ipinakita sakaniya ang papel na iniabot sa'kin ng presidente.
“Wala akong kasalanan!”asik ko.

Nanlaki naman ang kaniyang mata at agad inagaw sa'kin ang papel na may nakasulat ‘First warning’at kung ano-ano pang nakasulat na wala akong balak basahin.

Kinuha ko ulit ang papel sakaniyang kamay.
“Mauna ka nalang sa classroom, susunod nalang ako pagkatapos kong ayusin ang problemang idinulot ng kaklase natin!”hindi ko na siyang hinintay pang magsalita at padabog na naglakad papunta sa guidance office.

Dahil sa inis, hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa harap ng guidance office.Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

Sandali pa kong nagulat dahil ang may ari ng school na to ang naka upo sa swivel chair ng gurong naka assign talaga rito.

“Good morning po ma'am”bati ko, ngumiti siya at iminuwestra na umupo ako.

Agad naman akong sumunod.
“Ah, ma'am, hindi po talaga ako yung nagv-vape, agad lang pong pinahawak sa'kin yun ng kaklase ko nang hindi paman ako pumapayag!”agad kong reklamo, pero ngumiti lang siya at isinenyas na tumahimik muna ako.

“Alam kong hindi ka gumagamit niyon, alam ko rin ang ginawa mo sa anak ko.”sandaling kumunot ang noo ko, napaisip ako sa sinabi niya at agad napatakip ng bibig nang marealize ang ginawa ko sa anak niya.

Oh my ghod!

Ang bilis namang kumalat ng chismis!

Tumikhim muna siya bago magsalita ulit.
“Pwede bang humingi ng pabor, hija?” malumanay niyang tanong, kaya wala sa sarili akong napatango.

“Ayoko nang magpatumpik tumpik pa, alam kong lahat kayo ay naiinis na rin sa pag uugali ng anak ko, masyado siyang masungit sa lahat ng tao... ”

Naguluhan ako sa tugon niya. Ano naman ngayon kung ganon nga ang ugali ng anak niya? May naiinis nga pero lamang naman ang may gusto at nagkakandarapa sakaniya.

Huminga ako ng malalim.
“Ano pong klaseng pabor ang hinihingi niyo, ma'am?”

“Yun na mismo, I want you to change him, I want to see my son's smile again, I want him to be happy... ”natameme ako sakaniyang sagot.

Hindi na ba siya ngumingiti? Sa yaman niyang yan, hindi pa siya masaya?

Nanatiling nakatitig sa'kin si Ma'am...

Ano ba ang pangalan niya? Ah!

Ma'am Therese kaya napaayos ako ng upo at ngumiti na parang natatae.

“Pero, pano ko naman po gagawin yun, e subrang ilap nga niya sa mga tao?”malumanay ko ring tanong.

Salungat sa pananalita ko kapag si jenny ang kausap.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tinignan ako sa mga mata.
“Please, gawin mo lahat ng alam mo, lahat ng kaya mo, for my son, and for me... ”tumaas ang balahibo ko at kinilabutan sa sinabe niya.

Oh my ghod ulit!

Ano ang gagawin ko?

A. Tumanggi sa pabor niya (Pero baka ma-offend naman siya at bigyan ako ng punishment)

B. Pumayag nalang (Pero... Anong gagawin ko?)

C. Ang B nalang (Magpapatulong nalang ako kay jenny, tama! Marami siyang maitutulong sa'kin!)

Ngumiti ako ng pilit at tumikhim.
“Sige po ma'am, ang sagot ko po ay letter C—este pumapayag na po ako sa pabor niyo para maibalik ang ngiti ng yelo—este ng anak niyo po. ”tugon ko kaya mabilis pa sa alas kwatrong nagliwanag ang kanyang mukha at sumilay ang ngiti sakaniyang may kanipisang labi.

“Maraming salamat hija, tatanawin kong utang na loob ang pagpayag mo. ”nakangiti niyang sambit at binitawan ang kamay ko.

“Pwede ka nang bumalik sa klase mo, hija. And if you need something just call me, the number of my son is also in that card.”binigay niya sakin ang isang calling card, kinuha ko ito at tumayo.

“Sige po ma'am, mauuna na po ako, ”nakangiti naman siyang tumango kaya naglakad na'ko papunta sa pinto.

Nang buksan ko ang pinto ay muntikan pa'kong mapatalon sa gulat dahil sa lalaking nakaharang sa daan.

Nginitian ko lang si Cleo, yung ngiting parang natatae kasi hindi ko naman alam ang sasabihin.

Nagtama ang mata namin at sa hindi maintindihang dahilan ay hindi ako makaiwas. Malamig ang kaniyang aura, ngunit hindi iyon naging dahilan para kilabutan ako sa presensya niya.

Napatayo ako ng tuwid nang tumikhim siya. Napatitig siya sa likuran ko kaya agad nanlaki ang mata ko sa narealize.

Ang tanga ko!

Nakaharang pala ako sa pintuan!

Kaya ngumiti nalang ulit ako sakaniya bago lumabas at tumabi, agad naman siyang pumasok kaya napatanga nalang ako sa gilid.
Ambastos naman ng ugali niya!

Bubulong-bulong pa sana ako ng mga reklamo ko pero dumapo ang mata ko sa calling card na hawak ko.

Wala sa sariling napabuntong hininga ako dahil hindi ko pala alam kung saan at paano magsisimula sa misyong tanging mangkukulam lang ata ang may kakayahang magawa.

Itutuloy....

MY HEARTLESS CRUSH (COMPLETED) Where stories live. Discover now