Chapter 1

12 0 0
                                    

"I knew from the moment i saw you, you were the one."

•Anthony's POV•

( May 10, 2020 3:00 pm)

Nagpalamig muna ako sa Alpha Omega Place here at Sitio Mayagay, Tanay, Rizal. This is my favorite place to go kapag maraming problema at pagnakakaranas ako ng sakit sa dibdib at hirap sa paghinga.Isa pa magpapasukan na naman sa 12, for sure walang katapusang projects at sakit sa ulo, lalo nat bagong mga mukha na naman makikita ko since magta-transfer ako ng school sa San Juan dahil lumipat kami ng bahay para mas malapit kay Sola.

" Kuya isang beer nga saka isang order ng sisig". Eto na ang nakasanayan kong orderin every time na pumupunta ako dito, pampalipas oras lang naman. Sa di kalayuan ay nadinig ko ang maiingay na boses ng babae agad ko rin naman silang nakita sa baba patungo sa resto dahil andito ako sa third floor ng restaurant and open space sya.

" Oh my gosh! It's really nice here bela! The view, ambiance and very refreshing ang air, why now you lang us niyaya here?" OA at maarteng sabi ng babaeng may bangs habang nililibot ang paningin sa paligid.

" Come on tiff, can you please stop doing that, naiirita ako sa kaartehan mo." Kunot noo namang tugon ng pinakamatangkad sa kanila

" tst.. whatever" sabay erap at yakap sa kanang braso ng babaeng nasa gitna. " Si bela lang talaga may true friend here." Pang-aasar neto sa isa.

" kayo talagang dalawa, pwede ba tumigil na kayo, you're both maarte and OA ,okay." Pag-gaya nito sa boses ng dalawa sabay tawa at hawak sa braso ng dalawa habang lumalakad. Natahimik na lang ang dalawa sabay pout.

Maganda silang tatlo, parehong mistisa, medyo wavy ang buhok at petite. Pero sa kanilang tatlo yung nasa gitnang babae ang umagaw ng tingin ko bela? Napakaganda ng ngiti nya. Mas lalo pang gumanda sya sa suot nyang puting bestida. Sa sobrang pagkakatitig ko sa kanya ay di ko namalayan na ngumingiti na rin pala ako, bumalik lang ako sa wisyo ng mabaling ang tingin nito sa akin. Bigla ako umiwas ng tingin sabay napayuko.

"Sir, eto na po beer at sisig nyo."

"Ayy sisig!" Dahil sa gulat ko naulit ko ang sinabi ni kuya, dahilan kaya nagtinginan sakin yung ibang kumakain, kita ko rin sa mukha ni kuya na nawi-werduhan sya sakin. "Sisig! Paborito kong sisig haha!" Napapahiya kong sabi saka inabot kay kuya ang plato. "Th-thank you kuya," pautal kong tugon kay kuya at agad din akong tinalikuran nito "Shet nakakahiyaaaa!" Sinubukan kong lingunin ulit sila sa baba pero wala na sila. Binalik ko rin agad ang tingin ko sa sisig at beer. " Bela?" Pabulong kong sabi sabay ngiti at sinimulan ang pag-inom ng beer.

Mga 4:00 ng hapon nang magpasya akong umuwi na sa bahay. Pababa ako ng hagdan habang sinusuot ang facemask at nililibot ko rin ang aking paningin baka sakaling makita ko ulit yung babae kanina. Nang  makarating sa first floor ay nakabungo  ako ng babae, nahulog ang hawak nitong bag kaya agad akong umupo para kunin to pero di ko inaasang magkakasabay kami dahilan ng pagkakauntog ng mga ulo namin.

" aray!" Napaupo ako.
"Ouch!" Siya.
Sabay naming sabi habang nakahawak sa noo, huli ko na nang mapagtantong ang babaeng nasa harapan ko ay yung babae kanina umagaw pansin sakin.

"A-are you ok?" Tanong nya at akmang hahawakan ang balikat ko.

Sa sobrang kaba at pagkatulala ay agad kong iniwasan ang kamay nya at mabilis na  tumayo dahilan para tumayo rin sya ngunit ang kaliwang kamay ay nakahawak parin sa noo nya. "Y-y-yes! Of course...im fine.." sa sobrang kaba ay di ko naiwasang mautal. Agad akong umupo para kunin ang bag nya. " A - Im sorry" sabay mabilis na inabot ito sa kanya. Kita ko sa mga tingin nya ang pagtataka, Siguro sa isip-isip nya Im a weirdo, sino ba naman ang di ma we-werduhan sa ginagawa ko haha.

" No its ok" sabay abot sa bag.

" Bela!" Rinig kong tawag sa kanya ng babaeng pinakamatangkad sa kanilang tatlo. Dahilan ng paglingon nya sa pinaroroonan nito.

"What are you doing there? Come here na!" Dagdag naman ng maarte nyang kaibigan na may bangs sabay senyas gamit ang kamay at niyaya syang lumapit sa kanila.

Bago nya ako tuluyang talikuran ay sumenyas sya gamit ang kamay na para bang mauuna na sya sabay ngiti. At ang mga ngiting yun ang dahilan para maestatwa ako sa kinatatayuan ko, pinagpawisan at biglang nanlamig ang mga kamay ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, bumalik lang ako sa wisyo ng masagi ako ng  lalaking paakyat sa taas.

" Ano ba pahara-hara ka kasi" singhal nito

" Im sorry" yun na lang ang naging tugon ko bago tuluyang umalis sa resto ngunit ang tingin ay sa kinaroroonan ng nung babae kanina bela.

Nasa loob na ako ng kotse ko at di parin mawala sa isip ko yung babae kanina, napakaganda nya, maputi... bigla kong naalala ng iabot ko yung bag sa kanya dahilan ng pagkakadikit ng mga kamay namin." ang lambot ng kamay nya" di ko namalayan na ngumingiti na ako. " Bela? What a nice name" sambit ko sabay ngiti at saka sinimulang paandarin ang kotse.

Gabi na nang makarating ako sa bahay and as usual tahimik at madilim ang ambiance. " Oh Ton-ton andito ka na pala." Pagsalubong ni manang. Ton-ton ang tawag nya sakin kasi nung baby pa lang daw ako kamukang kamuka ko daw si ton-ton,yung biik sa Naruto sa sobra ko daw taba. Hindi lang halata pero adik sa anime yan si manang haha. "Hindi uuwi ang mom and dad mo ngayon kaya hinabilin ka muna nila sakin."

" Tsk.. hinabilin" pabulong kong sabi. " Manang you dont need to lie to me, matanggal ko ng tinanggap na ganito na trato sakin ni mom and dad.. INVISIBLE"

" Ano ka ba" sabay palo sa braso ko " hindi yan totoo ton-ton ko hah"

" No that's the truth" malumanay kong tugon dahilan para tignan nya ko sa mga mata.

" Talaga naman ang Ton-ton ko binata na..marami ng drama sa buhay". Si manang habang hawak ang pisnge ko. " Dibale pinagluto kita ng paborito mong sisig." Ngiti nitong sabi sabay akmang papunta sa kusina.

" Sisig?" Tanong ko kaya napatingin si manang.

"Bakit? Wala ka ba sa mood kumain ng sisig ngayon? Himala ah" si manang

" No po, may naalala lang ako" sabay ngiti.

" Nakoooo nako nako, sa mga ngiti mong yan,siguradong sigurado ako" pangaasar ni manang. " Maganda ba? Anong pangalan?ipakilala mo naman ako" sunod sunod na sabi nito.

"Manang nagugutom na po ako" pag putol ko sa usapan sabay hawak sa tyan dahil for sure kukulitin na naman ako ni manang hanggat di ako nakakapagkwento.

" Sus! Nagsisikreto na ang ton ton ko hah, dibale sigurado akong maraming kang makakaing SISIG ngayon" pagdiin nya sa sisig para tuksuhin ako.

" Manang talaga" ngiti kong sabi sabay sunod kay manang sa kusina.

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now