Chapter 21

2 0 0
                                    

•Anthony's POV•

Lumipas ang ilang araw na umikot lang sa training, aral, training , aral, training ang nangyari sa school. At dahil sa kakatraining para sa basketball yung 20 pills kong hiningi kay Ms. Lucy eh 5 na lang natira. Friday na ng gabi andito ako sa loob ng kwarto ko at nakaramdam na naman ako ng pananakit ng dibdib, alam nyo yung feeling na parang pinipiga yung lamang loob ko? Ganun kasakit. Ayoko naman na inumin pa yung 5 natitirang pills dahil tinira ko na yun para sa laro namin sa monday.

"Ahckk!" Pagpigil ko sa pagsigaw. "Ang sakit!" Ito na ata yung pinakamasakit na naramdaman ko. Namumula na ang mukha ko, pinagpapawisan ng malamig at halos magsilabasan litid ko sa sakit. Maya maya'y ayan na naman ang hirap ko sa pag hinga. Pinagsusuntok ko ang dibdib ko sa sobrang sakit, halos di rin ako makatayo sa kama. Tumagal ng halos 15 minutes yung sakit bago humupa hupa yung sakit.

"Hah!....hah!....hah!...." Malalim kong paghinga. Bigla kong naisip yung sinabi ni Ms. Lucy.

"Much better kung magpatingin ka na sa specialist baka kung ano na yan"

Kaya naman nagpasya ako na magpatingin. Wala namang mawawala kung magpapa check up ako.

Linggo, umagap ako ng gising para magpacheck up. Mga 3 pm ng matapos ako i ctscan at i x-ray ng mga nurse dito sa Wellcare Medical Center.

"Mr. Anthony Angelito?" Tawag ng isang nurse. Nagtaas naman ako ng kamay kaya nakita nya ako.

"Come here sir" pagyaya nya sakin. Saka pumasok kami sa isang room. May nagiintay naman dung isang doctor habang tinitignan yung results ng ctscan at x-ray ko.

"Good afternoon Mr. Angelito" bati ni Doc. Iniwan din naman agad kami nung nurse.

"Good afternoon Doc" bati ko.

"Just call me Doc Suarez" sambit nya sabay sumenyas na umupo ako.

"Mr. Angelito as you mentioned kanina sa mga nurse na nag-assist sayo madalas ka na raw pupusin sa paghinga at sumakit ang dibdib right?" Tanong nya.

"Yes Doc"

Napapailing iling sya ng ulo at bakas sa mukha neto ang pagkaseryoso.

"Mr. Angelito matanong ko kasama mo ba ang guardian mo?" Tanong nya.

"B-bakit po Doc? May problema po ba?" Kinakabahan kong tanong.

"Actually yes, malaking problema kaya much better kung kasama mo ang parents mo bago ko i disclose yung results ng ctscans and x-ray mo"

"Actually wala po eh, pero ok lang Doc... I'll accept whatever the result is" kinakabahan pero hindi ko pinahahalata kay Doc Suarez.

"Are you sure?" Tanong nya.

"Yes Doc"

Pagkatapos kung marinig lahat ng sinabi ni Doc ay agad din akong umalis. "You only have more than 4 months to live...to be exact 1433333 dayssss. But we can still give you a treatment para mas mapahaba pa ang buhay mo or much better kung gumaling ka, i mean who knows right? Na sayo ang desisyon Mr. Angelito" Andito ako sa may kotse ko sa parking lot ng hospital nakatulala at parang ume-echo parin sa pandinig ko ang sinabi ni Doc Suarez.

Our Love Last Autumn Donde viven las historias. Descúbrelo ahora