Chapter 30

10 0 1
                                    

"The Beginning"

Anthony's POV•

Andito ako sa kama ko sa kwarto nakahiga at iniisip parin yung sinabi ni Bela.

"Dad also hates me because im the reason why mom died....kung hindi ko sana niyaya si Mom manood ng flower orientation di kami maa-aksidente"

Tulala akong tumitig sa kisame. "Ang dami pala naming similarities ni Bela" sa isip isip ko. Sa kakaisip sa kanya ay di ko namalayang makatulog na pala ako.

(Kriiinggggggggggg!!!)

Monday morning ng mapabalikwas ako sa pagkakahiga at agad nag asikaso para pumasok.

"Manang pwedeng papermahan?" Nagmamadali kong sabi kay manang.

"Para san to?" Tanong ni manang sa papel.

"Letter of consent hoh pupunta po kasi kami ng Baguio..parang field trip lang ganun" ngiti kong sabi kay manang.

"Ay hala sandali" kinuha nya ito at ipinatong sa lamesa para permahan. "Ayos lang ba perma ni Manang? Malabo na paningin eh" natatawang sabi ni Manang.

"Ito ang pinaka magandang perma na nakita ko" pabiro kong sabi sa kanya.

"Tonton ko talaga haha...sige na at baka malate ka pa"

"Sige po..alis na po ako manang" paalam ko.

"Sige mag-ingat sa pagd-drive hah"

"Opo!" Sagot ko. At saka sinimulang paandarin ang sasakyan.

Nang makarating sa school ay agad akong duniretso sa room. Pagpasok ko ay namataan kong naguusap usap sila Bela at ni Patrick.

"Anthony!" Tawag ni Patrick.

"Alam mo ang OA mo palagi! Saglit lang nawala sa paningin mo si Anthony kung makatawag ka parang 3 years na kayong di nagkikita" kunot noog dinig kong sabi ni Carla.

"Good morning" bati ko kay Bela.

"Ayy ganun" nakalolokong sabi ni Carla.

"Good morning" ngiting tugon ni Bela. Gulat naman sila Tiffany.

"Wait, wait , wait..ano yang mga ngitian nyong yan hah" kinikilig at curios na tanong ni Tiffany.

"Bumati lang naman" ngiti kong sabi saka naupo na sa upuan ko sa likod ni Bela.

"Pre!" Si Vince. Saka tumingin sakin pati si Patrick na parang nagtatanong kung anong meron samin ni Bela pero nag hindi ko alam face ako.

"Tst" pag ngisi nilang dalawa.

"Oo nga pala...everyone! Akin na yung Letter of Consent nyo ng ma distribute ko nat maipasa kay Mrs. Cynthia" si Carla.

"Carla oh" abot ko ng akin.

"Lalapit ako sa inyo wait lang" dagdag pa ni carla. Pagkatapos ay isa isa nyang nilapitan iba pa naming kaklase.

Our Love Last Autumn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon