Chapter 33

8 0 2
                                    

•Anthony's POV•

"Ton ton..ton ton" tawag sakin ni Manang bago ako tuluyang magising.

"Manang ok ka na po ba? May masakit ba? Yung dibdib mo po, sumisikip pa po ba?" Sunod sunod kong tanong. Andito kami sa Wellcare Medical Center dahil inatake sa puso si manang buti na lang naagapan.

"Ok na ako ano ka ba"

"Totoo?"

"Oo naman, bat ako magsisinungaling sa tonton ko haha"

Naiiyak akong tumingin sa kanya.

"Hay nako" si manang saka yakap sakin. "Ok na nga ang Manang kaya wag ka na mag alala" dagdag nya pa.

"Next time pag hindi na maganda nararamdaman mo tell me agad, I don't want this to happen again"

"Okay, sige"

"Promise me"

"Promise"

"Mrs. Vellaverde?" Pasok ng doktor.

"Dok"

"Dok ok na po ba si manang?" Tanong ko.

"Yes at pwede na rin sya I discharge basta Mrs. Vellaverde yung mga ipinagbabawal ko sayo sundin mo pati na mga gamot na niresta ko sayo."

"Yes po dok, salamat po"

Yun lang at umalis na rin ang doktor. Inassist narin kami ng nurse at saka nagasikaso pauwi.

"Ton ton hindi ba may pasok ka ngayon? Nagpaalam ka ba?" Si manang. Andito na kami sa loob ng kotse.

"Ayyy shett! Nakalimutan ko!"

"Ton ton"

"Ah opo manang" kainis!.

Pagkarating na pagkarating sa bahay ay agad kong pinaalalayan sa iba pa naming kasambahay si Manang saka tinignan ko ang phone ko. "Kainis lowbat" umakayat agad ako sa taas at chinarge ang phone ko.

"Bilis magbukas ka na, bilis" sabi ko sa sarili ko habang hawak ang phone. Tumingin naman ako sa relo ko at mag 9 palang kaya kaya pang pumasok.

"Yown!" Pagbukas ay ayan na ang sunod sunod na notification at sa lahat ng yung isa ang unang kong binuksan.

Antonio Im sorry

"Bakit sya nagsosorry" bigla ko naman naalala nung isang araw. Nagkainitan kami ni Jake kaya naman kay Tiff sya sumabay.

No its ok, sorry late reply 🥺 see you later papasok ako kahit late na.

Inintay ko pa muna syang mag reply.

👍🏻

"What bat okay lang galit ba sya? Kakainis ka kasi Anthony!"

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now