Chapter 14

4 0 0
                                    

•Anthony's POV•

"Vince ipasa mo sakin!" Sigaw ko pero di nya ako pinakinggan at tumira ng tres pero di shumoot at naagaw ng kalaban naming junior. Nakita ko naman syang napakamot ng ulo. Maya maya lamang ay natapos na kami sa practice at umalis na din yung mga junior na kinausap ni Coach para makalaban namin sa try out.

"Whuh!" Buntong hininga ni Patrick.

"Guys tawag tayo dun ni coach" tawag samin ng isa naming ka team.

"Nakita ko try out nyo kanina...magkakateam ba talaga?" Pagalit na tanong ni Coach.

"Bakit po coach?" Tanong ng isa.

"Ayoko ng magsalita, I'll let you find out what you did wrong" si Coach saka tumayo. "After nyong malaman magusap kayo..Anthony lead them" nakapamaywang na sabi ni Coach sabay alis sa court.

Natahimik naman kaming lahat at feeling ko ay walang balak magsalita. Kaya naman pinangunahan ko na.

"You know what's wrong guys?" Tanong dahilan para makuha ko ang atensyon nilang lahat. "We were made to be team but you guys are acting that we are not" dagdag ko. "Nagkakanya-kanya kayo"

"So what do you want us to do?" Sabi ng isa.

"We need to play as a team, we need to be as one...kase kung may isa mang magsolo.. ngayon palang sasabihin ko na, may chance tayong matalo" dagdag ko. Kita ko naman na lahat sila ay seryosong nakikinig, laking pasalamat ko na lang na walang bida bida o malaki ang ulo sa team kaya nagkasundo kami ng mga oras na yun. Pagkatapos ng training ay dumiretso ako ng library para sagutan yung mga di ko pa tapos na assignments.

"Hayst sakit naman sa ulo neto" pabulong kong sabi sa sarili ko since bawal maingay. Maya maya ay tumayo ako para hanapin ang aklat for chemistry. At kung sineswerte ka nga naman eh namataan ko si Bela sa gilid mukang may inaabot kaya nilapitan ko para tulungan sya.

"Here" pagkaabot ko ng aklat. Napaharap naman sya sakin at sa di ko inaasahan ay nagulat sya dahilan para umurong at bumangga ang likod nya sa bookshelf. Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nahulog ang aklat na nasa uluhan nya kaya naman agad akong lumapit sa kanya para ako ang matamaan ng aklat. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay di ko namalayan na sobrang lapit na pala ng mga mukha namin sa isat isa.

(Dug.dug.Dug.dug.Dug.dug.Dug.dug) sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na to.

"What are you doing?" Gulat kaming sabi ni Tiffany na nooy nakatayo sa may gilid namin kasama si Helena. Sa sobrang gulat ay naitulak ako ni Bela.

"Hmmm I smell something fishy here Tiff" pabirong sabi ni Helena.

"What? Tinulungan nya lang akong abutin yung aklat" pagtataray ni Bela. "Thank you" kunot noo nyang sabi sakin sabay mabilis na kinuha sakin ang aklat at nagmadaling umalis para umupo sa mesa. Di ko na naman nagawang magreact pa.

"Okay, TINULUNGAN" nakakalokong sabi ni Tiffany at Helena saka sinundan at umupo sa tabi ni Bela. Dinampot ko naman ang mga nahulog na aklat at inayos ulit ito sa pagkakalagay. At kung sineswerte nga naman ay nakita ko ang kailangan kong libro para sa chemistry sa mga nahulog na aklat.

Papunta na ako sa pwesto ko ng tawagin ako ni Helena na nooy nakaupo sa may malapit sa bintana.

"Psst!" Si Helena kaya napalingon ako. Tinignan naman sya ni Bela. "Come here!" Pabulong nya. Kaya naman lumapit ako at sumenyas sya na umupo sa tabi ni Bela since sila ni Tiffany ang magkatabi. "Here" abot nya sakin ng tatlong papel.

"Whats this?" Tanong ko.

"Give the other 2 to Vince and Patrick, sayo yung isa..punta kayo sa bahay sa sabado 7:30 pm, nakaindicate naman dyan yung info." Patukoy nya sa invitation letter.

"Ah ok salamat sa pag-invite" ngiti kong sabi.

"No prob, asahan ko kayo dun" si Helena.

"Ano yang ginagawa mo?" Singit Tiffany patukoy sa papel at libro na hawak ko.

"Yung assignment kay Prof Lopez" dagdag ko. Pansin ko naman na tahimik lang si Bela at nakatuon ang paningin sa aklat na kinuha ko kanina.

"Di ba kahapon pa pasahan nyan?" Si Tiffany. "Ayy oo nga pala nag training kayo" dagdag nya.

"Si Vince at Patrick...bat di mo kasama?" Tanong naman ni Helena.

"Kakain daw muna sila sa pantry" tugon ko.

"Ahh ok...but wait let me ask you something..nung first day, I notice how close you are with Vince..magkakilala na ba kayo before pa?" Curios nyang tanong.

"Seems like your eyes always stick with Vince hah" nanunuksong sabi ni Tiffany.

"Stop it! I just wanna know" naiiritang sabi ni Hele.

"Why?" Nakangiting tanong ni Tiffany.

"N-nothing!" Kunot noong sabi ni Hele. "Hayst!....nevermind" pikon nitong sabi dahilan para tumawa ng mahina si Tiffany pansin ko naman na nag-angat na ng tingin si Bela at nakangiti kila Tiffany.

"Kababata ko sya, her mom and my mom are friends..kaya para ko na rin syang kapatid"sabi ko para tumingin sakin ang tatlo.

"Really" interesadong sabi ni Tiffany. "Btw...ikaw ba yung guy na kausap ni Bela sa Alpha Omega last...ano na ngang date yun"

"Tiffany!" Pinandilatan sya ni Bela.

"Yes" ngiti kong sabi dahilan para tingnan ako ng masama ni Bela.

"So si Bela nga" nanunuksong sabi ni Tiff.

"Btw san ka ba before nag-aaral?" Singit naman ni Helena.

"Montereal University sa Tanay"

"So Tanay ka rin nakatira before" si Tiffany.

"Oo" sagot ko. Napansin ko naman na naging interesadong makinig si Bela.

"Really! San sa Tanay?" Curious na tanong ni Tiffany.

"Sampaloc"

"Oh shux! Parehas kayo ni Bela!" Napalakas na sigaw ni Tiffany kaya nagtinginan ang students samin. Napayuko na lang naman sa hiya si Bela at Helena. "Sorry" nahihiyang sabi ni Tiff.

"Kung sineswerte nga naman magkapareho pala tayo ng hometown" ngiti kong sabi kay Bela, inerapan nya naman lang ako.

"What if you are meant to be together?" Kinikilig na sabi ni Tiffany.

"Imposible! Its just a coincidence, stop the nonsense Tiff" mataray na sagot ni Bela.

"Tst sungit" pag-nguso ni Tiffany. "Pag-pasensyahan mo na kaibigan namin ganyan talaga sya" sabi ni Tiffany sakin dahilan para mapatawa ako. Inis namang umerap si Bela.

"Bat ka nga pala lumipat?" Di ko inaasahan ang tanong ni Hele dahilan para mawala ang mga ngiti ko.

"Mahabang istorya" seryoso kong sabi. Sabay buklat ng aklat para magsagot.

"O-okayy" mahinang sabi ni Hele. Kita ko naman sa gilid ng mata ko na tumingin din sakin si Bela.

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now