Chapter 28

3 0 0
                                    

•Bela's POV•

Bago mag uwian ay binigyan na kami ni Carla ng Letter of Consent para activity namin sa baguio. And as usual na palaging ginagawa ni Antonio tuwing uwian ay sunod ng sunod sa akin na parang tuta para ihatid ako sa parking lot.

"Isabella!" Tawag ni Jake. Napatingin naman ito ng masama kay Antonio. "What is he doing?" Patukoy nya kay Antonio kung bat ako kasama.

"A-ah wala sinasabayan lang ako" palusot ko sabay tingin kay Antonio.

"Ako na maghahatid kay Isabella" baling ni Jake kay Antonio saka inakbayan at hinawakan ako sa braso dahilan para mapalapit ako sa kanya. Napatingin naman ako kay Antonio na nooy di ko malaman ang ekspresyon. Gusto kong kumawala sa mga kamay ni Jake pero di ko nagawa at awtomatikong lumakad ang mga paa ko palayo kay Antonio. Nilingon ko pa sya ng isa pero nakatingin lang sya samin.

Natulala ako sa paglalakad. Nagsasalita si Jake pero di ko man lang nagawang intindihin mga sinasabi nya.

"Bela are you ok?" Tanong nya. Hinawakan ko naman ang kamay nya at inalis ito sa pagkakahawak sa braso ko.

"Dont do that again" mahina kong sabi. Napatigil naman kami sa paglakad.

"What do you mean?" Nagtataka nyang tanong.

"Yung ginawa mo sa harap ni Antonio...ang akbayan ako na parang may tayo" sagot ko. Tila naman umiba ang mukha nya.

"Are you mad because of inakbayan kita or it is because of that guy" tanong nya. "Sinasabi ko na dapat noon pa lang pinatulan ko na sya" inis nyang sabi.

"Seriously Jake!" Pasigaw ko. "Its not because of him ok? I dont even like him" sagot ko. "What im trying to say is..Jake you're my friend and-" di ko natapos sasabihin ko.

"I want you more than friends" Sagot nya. "And hindi ako titigil hanggat di ka napapa oo Isabella....lalong hindi ako papatalo sa Anthony na yun" sagot nya saka iniwan ako.

Pabuntong hininga naman akong sumakay sa kotse.

"Ma'am pinabibigay po ng boyfriend nyo" abot sakin ng milk tea ni Mang Ben. Nagtataka ko namang inabot to at may nakalagay pa ditong note na smiley face. Bigla kong naalala ngiti ni Antonio.

"Sinong boyfriend Mang Ben?" Tanong ko.

"Sino pa po ba edi yung poging laging naghahatid sa inyo sa parking lot" ngiti nya.

"Antonio" di ko namalayan na napangiti na ako. Ininom ko naman agad ito bago tuluyang mawala ang lamig.

Nang makarating sa bahay ay agad akong nagbihis para makapag pahinga na. Paghiga ko ay agad namang tumunog ang cellphone ko. At sa di ko inaasahan ay si Antonio.

"Yes?" Tanong ko.

"Bela are you free on saturday?" Tanong nya. "Wait i da-date nya ba ako?" Sa isip isip ko.

"W-why?" Curious kong tanong.

"Ahh kasi......" matagal nya bago sabihin. "My sister wants to meet you" dagdag nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya. "Wait wh-what?" Sa isip isip ko. "Pero its fine kung ayaw mo"

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now