Chapter 13

2 0 0
                                    

•Bela's POV•

After class sinamahan namin si Tiffany sa office ni Mrs. Cynthia ang Prof namin sa P.E, nakasalubong naman namin si Charlotte pati yung mga lintang kasama nya.

"I heard ikaw daw yung representative ng class A" pagtataray ni Charlotte.

"And so?" Pamaywang ni Tiff

"Tst..walang thrill" nakakaasar na sabi nito. "Mas ok pa kung si Hele ang sumali" dagdag nito para maasar si Tiff pero inawat namin to ni Hele. Samin kasing tatlo si Hele ang fit sa mga muse or model model na yan since matangkad at pang model ang aura nya.

"As if naman kung ma-enjoy kong maka compete ka" ngisi ni Hele. "You're not on my level...and you will never be" pagtataray ni Hele dahilan para matawa kami ng slight ni Tiff. Now you know why Hele (hell) nickname nya haha.

"This bitch!" Susugod sana si Charlotte pero dumating si Mrs. Cynthia.

"Andito na pala kayo" si prof kay Tiff at Charlotte.

"Prof" ngiti ng dalawa na parang animoy walang nangyari. Pinapasok naman sila ni Prof sa office at naiwan kami ni Hele pati ng mga kaibigan ni Charlotte sa labas. Tinitignan naman kami ng masama ng mga kasama ni Charlotte but we are not in the mood para maki pag- away pa kaya di na lang namin sila pinansin. Almost 15 minutes kami nag-intay saka biglang bumukas ang pinto.

"Ok na?" Tanong ko at tumungo naman si Tiff.

"Goodluck" bago umalis ay sarkistong sabi ni Charlotte kay Tiff.

"I dont need it" pagtataray ni Tiff saka nagsimula na kaming maglakad.

Mga 6:30 na ako nakauwi sa bahay and as usual wala si Dad. Dumiretso naman ako sa kwarto para magbihis at pagkatapos ay humiga sa kama ng padapa at nakataas ang dalawang paa. Agad ko namang dinial number ni Tiff para kausapin sya about sa surprise namin for Hele sa isang araw.

"So what's the plan?" Tanong ko.

"Wait hanap ako online" si Tiff.

"What if I buy her Hermes birkin bag?" Tanong ko.

"Bag? Marami na nyan si Hele at saka masyadong mahal, yung mura lang haha but do whatever you want" pabiro nitong sabi

"Ok fine"

"Okay here...I'll buy her Cartier Yellow Gold and Diamond Juste un Clou necklace" rinig kong sabi ni Tiff sa phone.

"Ano kayang pwedeng i gift dun? Eh parang halos ng mga luho andun na eh" patawa kong sabi.

"Just give her something special"

"Okay then I'll buy her the hermès birkin bag, ipapa personalized ko na rin with her name on it"

"Okayy" si Tiff. "Btw...yung kanina...what happened to you?" Di ko mawari kong anong kanina yung tinutukoy nya.

"Anong kanina?" Nagtataka kong tanong.

"Yung away kanina..when Anthony helped that nerd kila Charlotte kanina, eh parang natahimik ka.....anyare sayo?"

"A-ah n-nothing" nauutal kong sabi.

"I know you Bela" patawa nyang sabi.

"W-wala ngaa" sabi ko. "Patayin ko na matutulog na ako" pagputol ko ng usapan.

"Suss hahaha" nangaasar na tawa ni Tiff sa phone. "Okayy night night muah!" Saka nya pinatay.

"Tst" ngisi ko. Pero sa totoo lang habang pinanonood ko kung pano nya tulungan yung babae kanina kila Charlotte parang biglang bumagal ang mundo ko, feeling ko kami lang dalawa nung mga oras na yun. At katulad nung naramdaman ko nung una, biglang bumilis tibok ng puso ko sa di ko malamang dahilan. Hayst binabaliw talaga ako ng Antonio na yun.

"Isabella andito na ang daddy mo!" Tawag ni Ima sakin. Pinagbuksan ko naman ito ng pinto. "Kakausapin ka daw" dagdag ni Ima.

"Bakit daw po?" Tanong ko at tanging kibit balikat lang respond ni Ima kaya naman bumaba na kami. "Dad" mahina kong tawag kay daddy. Sumenyas naman sya na umupo ako kaya naman umupo ako sa tabi nya.

"Isabella, I already talked to one of my trusted friend sa California and pumayag sya na i assist ka dun" diretso at walang ekspresyon nyang sabi. Kinabahan naman ako sa sinabi nya.

"W-what do you mean dad?" Nagtataka kong tanong.

"Dun ka na mag-aaral sa college...and i want you to be a doctor like me, mag medicine ka" diretso nyang sabi.

"What?" Napatayo ako sa narinig ko. "You know dad that i dont want to be doctor...i-i dont like it!" Pagtanggi ko.

"At anong gusto mo? That damn shit flowers?" Galit na tanong nya. Sa totoo lang simula bata ay pangarap ko ng magkaroon ng flower shop at kung bakit ako nahilig sa bulaklak? It is because of mom. "Wala kang mararating sa mga bulaklak na yan" dagdag nya.

"Is that why you always mad at mom?" Naiiyak kong sabi pero pinipigilan ko lang ito. Napatingin naman sya sakin ng seryoso ang mukha.

"Ayoko ng pahabain to Isabella...magdo-doctor ka tapos."

"Well i refuse to do it" diin ko sabay alis papuntang kwarto ko.

"Isabella!" Dinig kong tawag nya pero di ko na pinansin. Nang makarating sa kwarto ay padabog kong sinara ang pinto.

Padabog akong dumapa sa kama saka umiyak. "I hate this life!" Pabulong kong sabi pero sa loob ko ay sumisigaw. "Sino sya para i dictate ang buhay ko? Eh halos buong buhay ko wala sya sa tabi ko kundi andun...andun..that bullshit hospital!" Naiinis kong sabi. Naalala ko na naman ng mawala si mommy....umiiyak ako that time nakatingin kay mommy na duguan matapos mabunggo ang kotseng sinasakyan namin, i dial dad's number sa phone ni mommy pero wala akong narinig na sumagot. Kaya naman wala akong nagawa kundi umiyak at mag-antay sa pagdating ni dad para i save si mom pero di sya dumating dahil busy sya sa pag ligtas ng buhay ng ibang pasenyente. I know its not his fault pero simula ng araw na yun ayaw ko na sa mga doctor dahil di nila nagawang iligtas si mommy. Tumulo ng tumulo ang luha ko.

"I miss you mommy" sa isip isip ko habang umiiyak. At nagpatuloy ang iyak ko hanggang sa ika tulog ko na lang ito.

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now