Chapter 9

3 0 0
                                    

•Bela's POV•

Nauna nang umuwi si Tiff at Hele dahil may kinuha pa ako sa locker ko. Nang makalabas naman ng building ay namataan ko si Antonio na naglalakad galing sa clinic. Anthony name nya pero sa pagkatuliro ko kanina Antonio nasabi ko, kaya ayan paninindigan ko na para di ako mapahiya haha. Nagmamadali akong maglakad para di kami magkasalubong pero ang loko nakita ako at tumakbo papalapit sakin.

"Hi Bela"ngiti nitong nakakaakit. "Kainis bat ang cute nya!"

"Tsk" pagmamaldita ko.

"Hatid na kita"

"No thanks" pagtanggi ko.

"Iisa lang naman ang way na pupuntahan natin" sabay turo nya sa kotse nya na nooy kalapit ng kotse ko. "Sabay na tayo" ngiti nito.

"Pwede ba Antonio! Okay..aaminin ko, cute ka..gwapo ka ok pero hindi kita type!" Pagdiin ko. "Kaya pwede ba tigilan mo na pangungulit" pero sa halip na mag respond sya sa sinabi ko ay nginitian nya ako na parang nakakaloko. "Hayst ewan ko sayo" saka nagbilis bilis sa paglakad. Naramdaman ko naman na hindi nya na ako sinundan.

"Bye Bela!" Dinig kong pamamaalam nito pero di ko na sya pinansin pa.

"Tara na Manong Ben" kunot noo kong yaya kay manong ben.

Hanggang sa pag-uwi ay nakakunot ang noo ko, napansin siguro ni Ima kaya naman dinig kong tinanong nya si Manong Ben.

"Anong nanyari sa alaga ko? Mukang bad mood"

"Nag-away po ata ng boyfriend nya"

"What?" Natigilan ako sa pagakyat sa hagdan ng marinig ko ang sinabi ni Mang Ben. "He's not my boyfriend Manong Ben" pangtanggi ko. Natahimik naman silang dalawa na parang natatawa, hindi ata naniwala sa sinabi ko. "Hayst whatever" yun na lang nasabi ko dahil gusto ko na ring magpahinga, saka nagpatuloy na ako sa pagakyat papuntang kwarto ko.

"Alam mo naiinis talaga ako dun sa Antoniong yun" inis na sabi ko Hele. Kausap ko sya ngayon sa phone habang nakahiga sa kama.

"Antonio?...You mean Anthony?"

"At sino pa ba?"

"Hahaha why naman Antonio? Haha..may nagawa ba syang mali sayo kanina?" Natatawa nitong tanong.

"Wala"

"Eh bat ka naiinis? Haha"

"Hindi ko alam..basta nakakainis sya" angil ko.

"What kind of reason is that?" Tanong ni Hele. "Naiinis ka sa tao ng di mo alam ang dahilan? Baka naman..you are falling in love with him Bela" dagdag nito.

"What? Sa feelingerong yun? Hindi no!" Kunot noo kong tanggi.

"Eh bat ka naiinis sa kanya? Eh ang bait bait nga nung tao eh..Pluss pogi and cute pa" patawa nitong sabi.

"Basta nakakainis sya!"

"Ewan ko sayo Bela, kung ako sayo..itutulog ko na lang yan haha"

"Hayst siguro nga pagod lang" tugon ko.

"Ma'am Helena!" Dinig kong tawag kay Helena sa phone.

"Bela kakain na muna ako, bye for now" paalam ni Hele.

"Ok, eatwell...see you tom"

"Bye love you"

"Love you" saka pinatay nya na.Bumaba na rin ako para kumain ng dinner.

"Tess pakikuha nga ng tinola dyan tong alaga ko" si Ima. Utos nito sa isa pa naming kasambahay.

"No ate, ako na" sabi ko kay ate Tess na nooy papunta pa lang sa kusina. "Si dad?" Tanong ko matapos kumuha ng tinola sa kusina.

"Hindi pa umuuwi baka busy na naman" si ate Ana habang pinaglalagay ako ng kanin sa pinggan.

"Hay nako ate Ana, di nyo na kailangan pang gawin yan..Im not a baby anymore" nguso ko sa kanya.

"Oo ngat lumaki ka na, pero sa paningin ko ikaw parin yung cute na baby na kalong kalong ko noon. Saka pagbigyan mo na ako nak madalas ka nang wala dito sa bahay, nami-miss ko na ang Isabella ko" panggi-gigil nito sa pisngi ko.

"Sige na nga po" malambing kong sabi kanya. "Wait..kumain na ba kayo?" Tanong ko kila Ima at at sa 2 pa naming kasambahay.

"Hindi pa pero mauna ka na" si Ima.

" No po, samahan nyo na akong kumain dito" pagyaya ko sa kanila. "At saka humihina ako sa pagkain pag mag-isa lang ako kaya sige na" dagdag ko at pumayag naman sila. "Ima" tawag ko sa kanya na ngayo'y kumakain na.

"Oh?"

"Pano kung may lalaking nangungulit sayo dahil gusto ka nya,maiinis ka ba?" Kunot noo kong tanong.

"Bakit..may nangliligaw ba sayo?" Oa na tanong ni Ima.

"No..its not me..m-may kakilala lang ako" palusot ko.

"Bat naman sya maiinis? Mayabang ba yung lalaki? Masama ang ugali, pangit?" Sunod sunod na tanong ni Ima.

"H-hindi..its just that...masyado  syang makulit"

"Ganyan ho talaga ang mga lalaki ma'am" singit ni ate Tess. "Pag mahal ka, gagawa at gagawa yan ng paraan para mapa oo ka haha parang yung asawa ko" patawa nitong sabi.

"Alam mo nak, sabihin mo dyan sa kakilala mo..pabayaan nya lang yung lalaki magsasawa din yan kakakulit haha" patawang sabi ni Ima

"What if she fall in love?" Tanong ko

"Ayy ibang usapan na yun..teka bat ba love love yang pinaguusapan natin haha" pagputol ni Ima sa usapan "tapusin mo na ang kinakain mo Isabella ng makapagpahinga ka na" dagdag pa nito.

Pagkatapos kung kumain ay dumiretso na ako sa kwarto." Nakakainis hindi naman ganito yung naramadaman ko kay Jake..nababaliw na ata ako. Kasalanan to ng Antonio na yun eh" sa isip isip ko at bigla ko na namang naalala yung nangyari sa field kanina kung pano kaming dalawa natumba at kung pano bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mukha nya, lalo na ang kanyang mata "he looks so familiar"

"Hayy nako Bela" pagbangon ko sa pagkakahiga. "Bat mo pa kasi iniisip ang asungot na yun" sabay pabagsak akong muling humiga. Bigla ko tuloy ulit naalala si Mr. Savior dahil sa Antonio na yun, ang pangalawang rason bat favorite kong puntahan ang Alpha Omega Place.

"San na kaya sya?" Tulala kong tanong habang nakatitig sa kisame. Simula ng gabing yun hindi ko na sya nakita pang muli, nakakailang pabalik balik ako dun at nagbabakasakaling magkita ulit kami, pero pano ko naman sya makikilala eh naka facemask sya at gabi nung araw na nagkita kami haha. "Oo nga pala"bigla kong naalala yung handkerchief na binigay nya, agad ko namang kinuha to sa cabinet. S.A yan ang tahing letter na nakalagay sa panyo. "Hindi kaya eto ang first letter ng first name at surname nya?" Pabulong kong sabi habang hinahawakan ang tahing letra. "Kung nasan ka man Mr. Savior, thank you..thank you ng marami. Sana magkita pa tayo" sa isip isip ko.

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now