Chapter 3

3 0 0
                                    

•Anthony's POV•

(Kringggggg...kringgggg.kringgggggg)
Nang magising ako sa tunog ng alarm clock, pakapa kung inabot ito dahil nakadapa ako para i off pero napabalikwas ako sa pagkakahiga ng makita ko kung anong oras.

" Shettt! 7:30 na" agad akong tumayo para mag-asikaso dahil ito ang first day ko sa Hermione University since nagtransfer nga ako, nakakahiya naman kung unang araw palang late na ako. Pagkatapos kong maligo ay agad narin akong bumaba at nakasalubong si manang nakita ko rin sina mom and dad na naguumipisa nang kumain.

" Oh Ton ton, ready na ang almusal kumain ka muna bago ka umalis"

Napatingin muna ako kay daddy " Di na hoh manang malalate na po ako.. first day pa naman" tugon ko kay manang.

"Per-" di natuloy ang sasabihin ni manang nang magsalita si dad.

" Wag mo nang pilitin kung ayaw manang, that's such a waste of energy "

" Hon" paawat na sabi ni mom saka lumapit sakin. " Pag pasensyahan mo na ang dad mo pagod lang yan sa trabaho" pabulong na sabi nito sa akin habang hawak ang braso ko.

" Its ok mom" sabi ko kay mommy saka baling ng tingin kay dad na nooy napatingin din sakin kaya nagtama ang aming paningin. " Im used to it" dagdag ko habang nakatingin kay dad.

" Son" si mom.

" Mauna na po ako" pagpapaalam ko saka tuluyang umalis.

Kunot noo akong pumunta sa kotse at hanggang makarating sa school ay iniisip parin yung kanina "Nakakainis!" Pero sa isip isip ko deserved ko rin naman dahil ako may kasalanan sa nangyari kay Sola.

" Eyyy Bro! Welcome to HU!" Pagsalubong sakin ni Vince pagkababa ko sa kotse. He's my childhood friend , nakilala ko sya dahil friend ng mom ko ang mom nya.

" Heyy nice seeing you again tol" sabay abot ko sa kamay nya at binungo ang braso ko sa braso nya.

" Halika" sabay akbay sakin. " Let me tour you sa school ng mga acuadalado" ibig nitong sabihin sa acuadalado eh mayaman, its a spanish word since dad nya is spanish.

Pag-pasok palang namin sa loob ng building ay pansin ko agad na sakin ang tingin ng mga students karamihan ay kababaihan.

"Ang gwapo"

"Sino yun ang pogi?

"Gosh ganyan yung mga type ko!"

Yan lamang ang rinig kong bulungan ng mga kababaihan, hindi ko na lamang sila pinansin pa at sumunod kay Vince. "Yun ang pantry, sa may papaliko naman ang daan papuntang court" turo nito sa may kanto. " Sa likod naman nito yung field and training ground" dagdag ni Vince habang akoy patuloy na nakikinig at natingin sa paligid. " Dun naman daan papuntang 2nd and 3rd floor" turo nito sa hagdan at agad naman kaming nagtungo duon. " Yung malaking pintong yun, that's the entrance papuntang gymnasium may daan din dun papuntang sports room for billiards, chest etc. at dun sa pinaka dulo yung library" andito kami sa 2nd floor at patuloy parin akong tinutour ni Vince.

" Oyy new student"

"He's so handsome hah"

"Uyy Pogiii"

Rinig kong bulungan ng mga estudyante, nginiti-ngitian ko na lamang sila habang naglalakad kami ni Vince.

" Bentang benta ka tol hah baka bukas bukas tatlo na chicks mo" pabiro nito.

" Sira! Im not that type of guy hah"

" Just kidding haha"

Agad naman kaming dumiretso pa 3rd floor para pumunta na sa room. " Eyyyy! Vince!" Pagtawag ng isang lalaki sabay akbay kay Vince mula sa likod.

" Oyy Patrick! Whats up?"

" Ok lang, sino yang kasama mo?" Patukoy sakin.

" Ah my friend , Patrick si Anthony..Anthony si Patrick , tropa ko dito"

" Hi nice meeting you Patrick" pag greet ko sa kanya.

" Nice meeting you too tol" sabay nakipaghandshake. " Since tropa ka ng tropa kong si Vince tropa na din kita dito haha"

" Sure" sabi ko sabay tawa.

" Tara na first sub daw natin philosophy ngayon,lagot na naman tayo kay mrs paniki pag naabutan tayo dito sa labas" pag aya ni Vince.

"Bat Mrs. Paniki?" Tanong ko.

"You'll know when you see her" patawang sabi ni Patrick.

Pag-pasok sa room ay sa akin ang tingin ng mga estudyante. "Ganun na ba ako kagwapo?" Sa isip-isip ko haha,naiilang ako pero di ko lang pinapahalata.

" Poging new student! Here! Bakante dito" malanding sabi ng bakla sa may dulo sa gilid at tinuturo ang upuan sa may kalapit nya. Agad naman akong pumunta dun kita ko ring umupo na si vince at patrick sa may kabilang dulo pero magkakalinya lang kami.

" Thanks" sabi ko sa bakla sabay upo.

" My pleasure" sambit nya with pa pretty eyes. Napangiwi na lang ang mukha ko sa ginawa nya.

"Good Day Hermionians! How's your vacation?" Nagulat ako sa biglang pagpasok ng babaeng professor. Nakapusod ang buhok nyang medyo may puti puti na, matangkad at nakasuot ng black na sapato, skirt at blouse, mukha tong masungit dumagdag pa ang itim nitong suot na cat eyeglass "kaya pala mrs paniki"

" Good morning professor!" Bati ng mga bagong classmate ko.

" Ok naman professor, we enjoyed our vacation" sabi naman ng isa.

" Since nag enjoy kayo sa bakasyon nyo,I'll make sure na mageenjoy din kayo sa unang araw nyo sa klase" tugon naman ng professor at pansin ko na nagbago ang mga muka ng kaklase ko.

" Patay! Ayan na naman sya" pabulong na sabi ng katabi kong lalaki sa may gitnang linya.

"Oh right before we start, are we all complete now?" Tanong ng professor sabay napatingin sa tatlong bakanteng upuan sa may unahan ko. "At sino na namang naglakas loob na malate sa klase ko?" Mataray nitong sabi dahilan para biglang matahimik ang buong room.

" We're here Prof!" Nagulat ako sa pagpasok ng tatlong babae at mukang nagmamadali at hingal na hingal ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, pumikit muna ako at muling nagmulat baka sakaling namamalik mata lamang ako pero hindi, sila nga "shettt!" Ayan na naman ang di ko mawaring nararamdaman, bigla akong nanigas sa aking kinauupuan at agad napako ang tingin sa isang babae, di ko namalayan na ngumingiti na pala ako, ang ganda nya. Siguro nga tadhana na ang naglalapit samin sa isat isa at hinding hindi ko malilimutan ang pangalan nya " Bela".

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now