Chapter 16

3 0 0
                                    

"Breath"

•Anthony's POV•

"Ahckk!" Namimilipit ako sa sakit ng dibdib ko sa may kama habang kinukuyumos ang damit bandang dibdib, di na rin ako nakapasok dahil dito, dinahilan ko na lang kay manang na wala kaming pasok ngayon. Sa sobrang sakit ay gusto kong sumigaw pero tinitiis ko dahil baka marinig ni Manang. "Bat sobrang sakit?" Daing ko. Maya maya ay ayan na naman ang paghirap ko sa paghinga kaya naman kahit nahihirapan ay tumayo ako para kunin yung gamot na binigay sakin ni Ms. Lucy. Dali dali ko itong ininom saka humiga sa kama. Halos manlamig ang buo kong katawan at maya maya'y pinagpawisan ako. "Hah! Ha!" Pag buntong hininga ko. Maya maya'y di ko na namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lang ako sa katok ni manang at gulat ako ng makita ko kung anong oras na sa cellphone ko. "3 pm na? Halos 7 hours na pala akong nakatulog?"

"Ton ton! Ton ton!" Pinagbuksan ko agad si manang na nooy parang nagpapanic na since hindi ako sumasagot.

"Manang"

"Bat ang tagal mo sumagot?" Nagaalalang tanong ni manang. "Anong oras na hindi ka pa lumalabas ng kwarto kaya pinuntahan na kita..may sakit ka ba?" Sabay hawak ni manang sa leeg ko.

"Ok lang po ako manang" ngiti ko sa kanya.

"Sigurado ka?"

"Oo naman po, malakas kaya tong Ton ton nyo" pabiro ko sa kanya.

"Oh sya halika nat hahainan na kita" yaya ni manang. "Basta sa susunod wag mo nang uulitin yon hah..ngayon mo lang ginawa yan, aatakihin ako sayo sa puso eh" dagdag nya pa.

"Ok po, sorry na manang" pacute ko saka bumaba na para mag dinner. Naparami naman kain ko since hindi ako nakapag breakfast at lunch.

•Bela's POV•

"Hey! Anong nangyari kay Anthony bat umabsent sya ngayon?" Tanong ni Tiff sa dumaang si Vince at Patrick kaya naman napahinto sila sa table namin.

"Ewan ko, hindi nga man lang ako tinext eh" tugon ni Vince.

"Bat kaya sya absent?" Sa isip isip ko.

"Ang weird nga minsan ng ikinikilos nun recently tas nung nakaraan palagi syang may iniinom na gamot every try out namin sa basketball" dagdag ni Vince para mapaisip ako.

"Oo nga minsan naman palagi syang nasa clinic, hindi kaya chicks nya si Ms. Lucy yung magandang nurse haha" pabiro naman ni Patrick.

"Sira eh baliw na baliw yun kay Isabe-"  di na nya natapos ang sinabi nya. "Oops nadulas" dagdag nya para asarin ako nila Hele at Tiff.

"Stop it guys!" Angil ko sa kanila. Pero pansin ko nga na nakakailang balik sya sa clinic ano kayang ginagawa nya dun?. "Magb-break din kayo diba? Pag-iba ko ng usapan.

"Oo" si Vince.

"Since di pa sila tapos kumain samahan nyo na sila... una na ako" patukoy ko kay Hele at Tiff. Pinandilatan naman nila ako pero nginitian ko lang sila saka umalis pabalik ng room. " kala nyo hah haha"

Habang naglalakad ay di ko maiwasang maisip yung sinabi nila Vince at Patrick.

"What if secret girlfriend nya si Ms. Lucy?"

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now