Chapter 23

3 0 0
                                    

•Anthony's POV•

Nalate ako ng dating  sa court dahil tumawag si nurse Diana. Binigay ko kasi number ko sa kanya incase ma miss ako ni Sola, Umiiyak daw  at ayaw kumain dahil gusto nya akong pumunta sa hospital. Dali dali naman akong pumunta sa Aiyes Health Center. Halos mga 30 minutes akong nagtagal dun at dahil malalate na ako sa game ay nagpaalam na ako kay Sola. Nagpromise na lang ako na dadalawin ko sya ulit after ng game. Nang makarating sa school ay patakbo akong pumunta sa court at kung sineswerte nga naman ay magsisimula na laban.

"Simulan na ang laban!"si Carl sabay pito senyas na simula na.

"Dito!" Ipinasa naman ng ka team ko sabay shoot sa ring.

"Ahhhhhhhhh!!!!!!!!!" Sigawan ng mga class A

"Unang puntos Team Red!" Si carla.

Tumagal ng 40 minutes ang first round at nagsenyas ako kay coach na switch muna. Nagpalit naman muna kami ni Vince ayoko rin kasi na mapagod ng sobra. Pagkaupo ay uminom ulit ako ng gamot saka tubig sa tumbler ko.

"WHuh!" Pagbuntong hininga ko.

"As of now ay nagunguna ng dalawang puntos ang team blue! 31 sa team red 33 naman ang team blue" si Carla.

"Team blue! Team blue!" Sigawan ng kabialng team.

"Pftppppp" tunog ng pito at nagsimula na naman ang laban.

"Vince ipasa mo!" Sigaw ko kay Vince pero naagaw to ni Jake at tumira ng tres, shumoot naman to sabay turo kay Bela. Naghiyawan naman ang lahat at napalingon din ako sa likuran kung san nakapwesto si Bela, nakatingin din ito kay Jake.

Natapos ang 2nd round at natambakan ang team namin ng 20 points. Tinipon naman kami ni coach for techniques.

"Team anong palagi kong sinasabi sa inyo?" Sabi ni Coach samin.

"We have to work as a team!" Sabi ng isa.

"Good! Walang mag bibida bida, kung alam nyong 50/50 ipasa if necessary..kaya team?" Tanong ni Coach.

"Yes coach!" Sagot namin.

"Anthony" tawag sakin ni Coach at nagets ko naman agad.

"Team dating gawi!" Sagot ko sa kanila patukoy sa pinagmeetingan namin nung nakaraan.

*flashback*

"Pag nasa totoong laban na tayo, relax nyo lang sarili nyo.. isipin nyo try out parin gaya ng ginagawa natin" sabi ko sa kanila. "May kanya kanya tayong strength, why not gamitin natin baka mag work diba?" Dagdag ko.

"I agree with you" sabi ng isa kaya naman sinundan din sya ng lahat.

"Patrick, ikaw and you" turo ko sa kanila. "Incharge kayo sa dribble...Vince, you and you sa slam dunk...." Pagpapatuloy ko. "Pero kung may chance na i shoot ang bola go nyo na." Dagdag ko pa

*end of flashback*

"Pftppppppp!" Yung pito.

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now