Chapter 24

3 0 0
                                    

•Bela's POV•

"At ang nanalo ngayong taon ang Team Red Class A!!!" Masayang sabi ni Carla.

"Nasan si Anthony?" Dinig kong sabi ng coach. Napatingin naman ako sa paligid at wala nga sya.

"Ewan coach, bigla na lang nawala eh" sabi ng isa.

"At ngayon malalaman naman natin ang Queen of the Ball sa with the help of our Handsome at pretty judges" si Carla. Hinawakan naman namin kamay ni Tiff.

"I know for sure na panalo ka" ngiting sabi ni Hele.

"Eto na ang results na ginawa ng mga judges....." si Carla tas sinabayan pa ng pa intense na music background. "The queen of the ball is......" pabitin nya.

"Ahhhhhhhhh!!!!!"

"Charlotte!!!!!!

"Tiffany!!!!!!!!

Sigawan ng magkabilang panig.

"Ms. Tiffany Estrella!!!" Sa sobrang tuwang ay napatalon kami ni Hele habang hawak kamay ni Tiff.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!"

"Im so proud of  you Tiffany!" Dinig kong sigaw ni Patrick dahilan para kiligin si Tiffany.

"Maaari ka bang pumunta dito Ms. Estrella para makoronahan" ngiting sabi ni Carl. I know na gusto na nyang tumalon sa tuwa nagpipigil lang since SSG president sya ng parehong Team. Pumunta naman agad si Tiff dun at ngiti namin syang pinanood habang nilalagyan ng sash at crown. Kita ko naman sa kabila na masama ang tingin ni Charlotte. "Tst buti nga sayo" sa isip isip ko.

Pagkatapos ng laro ay unti unti naring nauubos ang tao sa court at simula ng matapos ang laban ay di ko na namataan si Antonio.

"We won 2 prize this year!!!!" Masayang sabi ni Carla. "Proud ako sa inyo.. actually gusto ko ng magtatalon sa tuwa dun kanina eh" dagdag nya kaya naman nagtawanan kami. "Pero in-fairness ang galing ng rampa mo kanina hah"

"Syempre magaling din ang nagturo" patukoy nya kay Hele.

"Nakita nyo ba mukha ni Charlotte kanina hahaha parang gustong manapak sa inis" natatawang sabi ni Carla. Tinawanan lang naman namin sya nila Tiff.

"Andyan na pala sila" si Tiff patukoy kila Patrick at Vince at sa iba pang player na kaklase namin.

Agad namang lumapit si Hele kay Vince. "Ang galing mo kanina, im so proud of you" ngiti nyang sabi kay vince.

"You're so good...kanina....Patrick" akward na sabi ni Tiff kay Patrick.

"Ikaw rin" bawi nito sa kaibigan.

"Btw guys..did you see Anthony?" Tanong ni Vince.

"Oo nga san na pala yun bigla nalang nawala" dagdag naman ni Patrick.

•Anthony's POV•

Pagkatapos ng game ay di ko na talaga nakayanan pa ang sakit kaya di ko na sila nasamahang magcelebrate at agad na umalis ng court. Hirap akong maglakad papunta sa rooftop. Halos matumba ako isinasandal ko nalang ang mga kamay ko sa locker at sa mga pader na nadadaanan ko.

"Achkk!" Pagkuyumos ko ng damit sa bandang dibdib. Halos pumutok ang mga litid ko sa sobrang sakit. Nang makarating sa rooftop ay patumba akong napaupo at sinandal ang sarili sa sa pader. "Ahhhh!" Doon lang ako nakasigaw ng malakas ng dahil sa sakit. Umiikot narin paningin ko at para akong mahihimatay sa sobrang sakit sinabayan pa ng hirap sa pag hinga.

"Hah! Hah! Hah!" Pupos kong paghinga.

Maya maya'y biglang nilabasan ako ng malamig na pawis. Mga 15 minutes ang lumipas ng gumaan gaan ang pakiramdam ko.

"Hah!" Hinga kong malalim. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya chineck ko kung ano ito. Si nurse Diana pala tumatawag.

"Hello? Kuya?" Bungad na sabi ni Sola.

"Yes baby?" Mahina kong sabi.

"Did you win kuya?" Tanong nya.

"Of course magaling si kuya eh"

"Hehe" pag giggle nya sa phone. "Nurse Diana is right, she said that we just have to pray to god for you to win"

"Really? You did that?" Tanong ko.

"Yes!" Dinig kong masaya nyang sabi.

"Thank you baby.. then i will pray too na sana gumaling at makakita ka na" sagot ko.

"Hehe" cute nyang pag giggle.

"I'll see you later Sola, wait for kuya okay?"

"Okay" saka pinatay ko na rin ang cellphone.

"Hhhahh!" Isa pang paghinga ko ng malalim. Halos mga 15 minutes pa ang pinalipas ko saka pilit na tumayo. Dahan dahan akong naglakad sa riles ng rooftop at ng makarating ay ipinikit ko ang aking mata saka nilanghap ang malamig na hangin.

"Hah!" Malalim kong pag hinga.

Maya maya ay pumasok na naman sa isip ko ang sinabi ni Doc Suarez.

"You only have more than 4 months to live...to be exact 143 days"

Bigla akong natulala at nakaisip na lang na tumalon sa rooftop pero naisip ko si Sola at isa pa....Si Bela. Maya mayay awtomatikong naglakad ang mga paa ko pababa ng third floor, sa mga oras na to tanging gusto ko na lang gawin sa natitirang oras ko dito sa mundo ay ang mga bagay na makakapag pasaya sakin at isa si Bela dun.

"Bela!" Tawag ko sa kanya naguusap usap sila nila Vince.

"Oh Anthony san ka galing?" Lapit sakin ni Patrick sabay akbay pero di ko ito pinansin at nakay Bela parin ang tingin.

"Can we talk?" Tanong ko kay Bela.

"Oops" sabay tanggal ni Patrick ng kamay nya sa balikat ko.

Agad namang tumayo si Bela at lumapit sakin. Pumunta kami ng field at sinigurado kong kaming dalawa lang ang naroon.

"Why?" Seryosong tanong nya.

Walang ani-animoy dineretso ko sya "Can you be my girlfriend?"

"What?" Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. "A-are you crazy?" Dagdag nya pa

"Yes baliw na nga siguro ako" patawa kong sabi sa kanya.

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now