Chapter 18

2 0 0
                                    

•Bela's POV•

Kumakain na kami at pansin ko na di parin maalis ang tingin sakin ni Antonio. Nakita ko rin syang nakatitig sakin nung kumanta kami ni Tiff.

"Isabella gusto ng steak?" Tanong sakin ni Jake.

"No thanks" tanggi ko.

"Bro!" Abot ni patrick ng lobster kay Antonio pero hinara to ng kamay ni Vince.

"May allergy sya dyan" dagdag nya.

"Oops okay" sabay bawi ng lobster.

"Guys bilisan nyo kumain, ready na ako mag bikini" excited na sabi ni Carla. Tinawanan lang naman namin sya kaya sumeryoso mukha nya. "Ah ganun"

"Sige na Pres tapusin ko lang to" si patrick patukoy sa kinakain nyang lobster.

Maya maya ay nag-akit narin si Hele sa may pool kaya naman, nagsipagtayuan na sila para magpalit sa guest room. Napansin ko naman na di muna tumayo si Antonio sabay may kinuha sa bulsa nya at ininom ito.

"Ang weird nga nun..recently palagi syang umiinom ng gamot every try out namin ng basketball" biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Vince.

"Whats that?" Di ko napigilang tanungin sya. Napatingin naman sya sakin.

"Ah vitamins" ngiti nyang sabi saka tumayo at sumunod kila patrick.

"Vitamins?"

"Isabella lets go" Yaya ni Jake.

Pumunta na kami nila Tiff and Hele sa kwarto nya para magpalit. Maya maya ay lumabas narin kami sa may pool area since andun na sila.

"Helena!" Tawag ni Vince.

"Why?"

"Can we talk?" Seryosong tanong ni Vince. Napatikin naman samin si Hele.

"Go na" pabulong naming sabi ni Tiff saka marahang tinulak sya kay Vince.

"Intayin namin kayo sa pool hah" si Tiff. Saka iniwan na namin sila.

"Ano kaya sasabihin nun?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman si Tiff.

"Omg!" Natutuwang sabi ni Tiff. "Carla bat ganyan suot mo?" Napatingin naman ako at biglang bumuwalsak ang tawa ko.

"BWHA HAHAAHA" tawang tawa talaga ako.

"Ah ganun" ngiwi nyang muka.

"Bat kasi ganyan suot mo? I thought mag bibikini ka rin haha?" Natatawang sabi ni Tiffany.

"Im afraid na baka makuha ko lahat ng attention boys dito so wag na" di ko alam kung seryoso o nagbibiro sya sa sinabi nya. Naka white polo shirt lang naman sya bukas pa mga botones nito kaya kita yung payat nyang katawan with ternong floral na short.

"Pero no lies ang pogi mo rin pala hah" patawa kong sabi.

"Hay nako tara na nga" yaya nya. "Wait si Helena?"

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now