Chapter 15

4 0 0
                                    

•Bela's POV•

Hanggang ngayon ay di parin mawala sa isip ko   yung nangyari kagabi samin ni dad, naiinis ako tuwing naaalala ko. Maya maya ay biglang pumasok sa isip ko yung reaksyon ni Antonio kanina nang tanungin sya ni Hele. "Ano kayang problema?" Sa isip isip ko. Sa di kalayuan ay namataan ko naglalakad papalapit sakin si Jake ngumiti ito saka kinawayan ako.

"What happened?" Tanong nya.

"What do you mean?" Pabalik kong tanong dahil di ko alam kung anong tinutukoy nya. Tinuro nya naman ang mukha ko saka ginaya ang kunot noo at nakasimangot kong mukha.

"May problema ba?"

"N-nothing" tugon ko.

"Then why not smiling?" Nilapit nya mukha nya sa mukha ko saka pacute na ngumiti. Natawa naman ako sa ginawa.

"Stop it Jake" ngiti ko syang tinulak.

"Yan ganyan dapat" patukoy nya sa ngiti ko saka ako inakbayan.

Nang makarating ng hallway ay di ko inaasahang makakasalubong namin si Antonio kasama nya si Patrick and Vince. At sa di ko malamang dahilan ay awtomatikong lumayo ang katawan ko kay Jake dahilan para matanggal pagkaka-akbay nito sakin. Kita ko sa gilid ng aking mata na tumingin si Jake sakin pero ang atensyon ko ay na kay Antonio na nakatingin sakin. Napatigil sila ng saglit at maya maya ay biglang ngumiti sakin si Antonio  saka niyaya sila Vince. Di ko alam kung anong ibig sabihin ng ngiting yon pero may naramdaman akong relieve sa mga ngiting yon. Dumaan sya sa may tabi ko dahilan para masanggi nya ang likod ng kamay ko.

(Dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug)
Biglang bilis ng tibok ng puso ko.

"Tst napakayabang" nahimasmasan ako ng magsalita si Jake.

"L-lets go" nauutal kong yaya sa kanya. Nang makarating sa room ay bumalik na rin si Jake sa kabila but since wala sila Tiff at Hele lumabas ulit ako para hanapin sila.

"Bela!" Tawag sakin ni Carla nasa labas sila nakaupo sa madalas tambayan ng mga Junior. Agad naman akong lumapit sa kanila.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Naghahanap ng pwedeng ipang floor production netong frenny mo" Si Carla turo nya kay Tiff.

"What if ito?" Si Hele saka may pinatugtug.

"Ahhhhhhh!" Sigaw namin ni Tiff ng marinig ang intro.

(Playing "Di ko na mapipigilan" by Sexbomb)

"Sa isipan ko..ikaw ang syang gumugulo~" pagsabay namin ni Tiff at Hele sa kanta habang sumasayaw. Honestly fan na fan kami ng sexbomb kaya halos lahat ng kanta at sayaw nila alam namin.

"Lumabas na naman yung kanal humor nyo" si Carla pero tuloy lang kami sa pagkanta kaya sumabay na din sya.

"Di ko na mapipigilan ang kaligayahan na aking nadarama~

Di ko na mapipigilan pa ang aking puso na isipin kaaa~" kanta namin saka ipinagpatuloy ang sayaw.

"Hayst kapagod" si Tiffany.

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now