Chapter 27

2 0 0
                                    

•Anthony's POV•

Pasimple kong sinabayan si Bela para di mahalata nila Vince. Kahit kasi gusto kong ipagsigawan na kami na ni Bela, natatakot akong ma break ang rules at tapusin nya kung anong meron samin.

"Napapansin ko parang mas nagiging close na kayo these days hah" si Tiffany out of nowhere patukoy samin ni Bela. Naglalakad kami sa hallway pababa papuntang court.

"Bat parang baliktad? Napapansin ko ang lapit nyo na ni Patrick ah, kayo na ba?" Tanong ko dahilan pata matuliro si Tiff.

"A-ano?" Yun lang nasabi nya. Bigla naman sila agad naglayo ni Patrick kaya nagtawanan kami. "Whats funny?" Irita nyang sabi. Si Patrick naman ay di mo malaman kung nahihiya o kung ano at tahimik sa gilid ni Tiffany.

"Wala" nakakaloko kong sabi. Oh diba nabaliktad ko yung sitwasyon haha.

Pagkarating sa court ay agad na kami tinipon ni Prof para ipaliwanang ang gagawin.

"Class! Ok so bago nyo magawa ang activity need you humanap ng magiging partner nyo" Si Helena sana lalapitan ni Bela pero kay Vince to pumunta, pagkatapos ay lumingon sya kay Tiffany pero nakapili na to ng partner na si Patrick.

"Carla may partner ka na?" Tanong nya kay Carla.

"Wa-" di na natuloy sinabi nya ng hikitin sya ni Vince at ipartner sa iba.

"May partner na sya haha" natatawang sabi ni Vince at ikinatuwa ko naman to. Biglang tumingin sakin si Bela saka binigyan sya ng walang magagawa face saka nginitian sya. Ako na ang lumapit sa kanya saka hinawakan ng patago ang kamay nya.

"What are you doing?" Mahina nyang sabi sa akin at nilakihan ako ng mata. Sinubukan nya tanggalin ang kamay nya sa pagkaka kapit ko pero mas lalo ko pang hinigpitan. Wala naman syang nagawa kung di tumingin sa mga kaklase namin at baka makita kami. "Let go of my hand!" Pabulong nyang sabi para hindi mahalata pero di ko sya pinakinggan at sa sinasabi ni Prof ako nakatuon.

"Ok you may start na!" Si Prof.

Binitawan ko na naman ang kamay ni Bela at irita nya akong tinignan pero nginitian ko lang.

"Ikaw muna!" Singhal nya sakin patukoy sa long jump.

"Okay" ngiti kong sabi. Tumalon naman ako ng malakas at sya ang tumingin kung hanggang saan ang natalon ko saka nilista nya sa papel.

Pagkatapos ay sya naman ang sumunod.

"Careful Bela" sabi ko. Tumalon naman sya at gulat akong napapunta sa kanya ng ma out of balance sya. "Are you ok?" Napalakas kong sabi dahilan para magtinginan sila Carla samin.

"For activities ang pinunta natin dito hindi bebe time hah" nanunuksong sabi ni Carla. Kita ko namang parang kinilig ang iba kaya napangiti ako, pero nang magbaling ako ng tingin kay Bela ay nilakihan nya ako ng mata kaya nabura yung ngiti ko. Inalalayan ko sya ng dahan dahan sa pagtayo para makita kung hangggang saan natalon nya.

"Tst" natatawa ako.

"Whats funny?" Irita nyang sabi.

"N-nothing" nagpipigil akong tumawa dahil ang baba lang ng score ng natalon nya.

Next naman ay jumping, need naming tumalon for 60 seconds and after that kukunin namin yung heart rate.

"Ako na muna" sabi ko sa kanya. Agad naman syang nag set ng timer.

"Ready?"

"Yes" sabi ko. Agad naman akong nagumpisa sa pagtalon ng pinindot nya na yung timer.

(Toot! Toot! Too!) tunog ng timer. Agad kong hinawakan ang pulso ko para maramdaman ang tibok nito.

"123456789.........." Pagbibilang ko. "210" sabi ko kay Bela at nilista nya naman to. "Ikaw naman" nagset ulit ako ng timer para sa kanya. "123 go" saka ko pinindot ang timer at nagumpisa na rin syang tumalon.

"Whuh!" Hinga nyang malalim pagkatapos. Agad nya namang hinawakan pulso nya. "Di ko maramdaman" sabi nya kaya naman kinuha ko ang kamay nya at ako ang nakiramdam dito.

"123456789..............." pagbibilang ko. "250" sagot ko saka nilista ang heart rate nya. "Nataasan mo ko hah" sabi ko sa kanya pero napansin ko na parang natulala sya. "Are you ok?" Tanong ko.

"Y-yes of course" sagot nya saka pailang na ngumiti kaya nginitian ko rin sya.

Halos 1 hour bago matapos  ang activity and after that pumunta na kami sa pantry para magbreak.

•Bela's POV•

Andito na kami sa pantry gulat naman akong tinabihan ni Antonio. "Ang loko talagang to kanina pa" sa isip isip ko. Naalala ko na naman ng hawakan nya ang pulso ko...biglang bumilis tibok ng puso ko kaya siguro nataasan ko heart rate nya.

"Helena anong gusto mo?" Tanong ni Vince patukoy sa oorderin.

"Kahit ano" sagot naman ni Hele.

"Ikaw Tiffany?" Tanong naman ni Patrick. Napatingin naman samin si Tiffany na parang naiilang.

"A-h ahh juice and sandwich ok na" nahihiya nyang sabi.

Maya maya'y gulat ako ng tumunog cellphone ko kaya chineck ko. Si Feelingerong Antonio nag chat tinatanong kung anong gusto ko. Pasimple ko naman syang chinat sa ilalim ng table na kahit ano. Pagkatapos ay tumayo na rin sya at sumunod kila Vince.

"Tiff..tell me kayo na ba ni Patrick?" Tanong ni Helena. Di naman agad nakasagot si Tiff. "Ok so kayo na?" Pangiting tanong ni Hele.

"Yes" kinikilig na sabi ni Tiff. Agad naman namin syang napalo ni Hele sa kilig.

"Kailan pa?" Tanong ko.

"Kanina lang umaga" kinikilig nyang sabi. Nagpaluan naman kami sa kilig.

"Ikaw kailan mo ba balak sagutin si Anthony?" Gulat akong tanong ni Hele.

"Ahh anong pinagsasabi mo?" Nauutal kong sabi.

"Tst halata rin naman na parang may gusto ko sa kanya eh" nanunuksong sabi ni Bela.

"What? Hele!" Papikon kong sabi.

"Okay fine" nakakaloko nyang respond. Nagtawanan naman sila ni Tiff.

"Here's your order!" Si Vince saka patong ng pagkain sa harap ni Tiff, ganun din si Vince. Pagka abot naman sakin ni Antonio ng pagkain ay inabotan ko sya ng bayad. Tinignan naman kami nila Tiff.

"No its my treat" tanggi ni Antonio. Pero para hindi kami mahalata ay nilakihan ko sya ng mata at nagets nya naman ito at kinuha ang perang hawak ko.

"Lets eat" awkward na sabi nya sabay lagay ng pera sa bulsa.

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now