Chapter 19

1 0 0
                                    

•Anthony's POV•

Nagising ako mga 9 am sa sobrang hilo kagabi. Bumaba na rin ako para mag almusal. Pagbaba ay nadatnan kong nagkakape si Dad habang nagbabasa ng newspaper.

"Ton ton gising ka na pala" bungad ni Manang. "Halika pagtimpla na kita ng kape" dagdag nya.

"Wag na po Manang ako na" pagtanggi ko.

"Uminom ka raw kagabi" sabi ni dad out of nowhere.

"Hindi naman Dad ganun karami birthday kasi ng kaklase ko" tugon ko.

"Instead of partying with your friends, bat di ka dumalaw sa site o sa kapatid mo sa hospital para naman may magawa kang tama" galit nyang sabi. Hindi naman na ako nakapagsalita pa nang banggitin nya si Sola.

"Ton ton mag breakfast ka na, pagod lang yang daddy mo" pabulong na sabi ni manang. Nginitian ko naman sya saka sumama sa kanya para mag almusal.

Parang nawalan ako ng gana magbreakfast kaya naman nakatulala na lamang ako hanggang sa lumamig ang kape. Maya maya lamang din ay umalis na si Dad.

"Oh Ton ton bat di mo ininom kape mo? Matabang ba?" Nagaalalang tanong ni Manang saka tinikman ang kape.

"Hindi hoh" sagot ko.

"Nako malamig na..sandali at ipagtitimpla ulit kita" sabay punta nya sa kusina para ipagtimpla ako.

"Manang.." tulala kong tawag sa kanya.

"Oh?"

"How's Sola?" Tanong ko kay manang since bumibisibisita rin sya para dalahan ng pagkain pag hindi si mom ay si dad.

"Ayy nako hindi katulad dati eh tumataba taba na sya" lapit sakin ni manang sabay patong ng kape sa table. "Nakaka kain na rin sya ng paunti unti, yun nga lang pag sumakit yung mata nya di naman sya tumitigil kakahiyaw" malungkot nyang sabi.

"Its my fault" tulala kong sabi. "Sana ako na lang ang nabulag"

"Ton ton...wala kang kasalanan sa nangyari" sabay hawak ng dalawa nyang kamay sa mukha ko. "Walang may gusto ng nangyari ok? Kaya wag na wag mong sasabihin ulit yan hah nak" sambit ni manang saka niyakap ako kaya naman pabalik ko rin syang niyakap.

"Hindi ko na alam gagawin ko Manang kung wala ka" sabi ko habang yakap si Manang.

"Wag ka mag-alala andito lang ako palagi si Manang sa tabi mo...at saka hindi ko iiwan ang Ton Ton ko no" ngiti nyang sabi at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap sakin. "Basta sabihin mo lang pag ready ka na makita si Sola...sasamahan kita" dagdag nya.

"I love you Manang" naiiyak kong sabi.

"Mahal din kita nak" tugon nya. "Sige na tama na ang drama ubusin mo yang inihanda ko sayo hah"

"Yes po" sabay punas ng luha sa mga mata ko.

Walang anak si Manang, maaga rin kasing namatay asawa nya at simula nun ay hindi na nya naisip pang mag-asawa ulit, ganun nya siguro kamahal ito. Kaya naman since mamasukan si Manang kila mom and dad ay itinuring na nila itong part of the family, sa katunayan si manang ang pinaka matagal na sa mga kasambahay namin. Sya nag-alaga sa akin pati na rin kay sola before mangyari nag aksidente, sya lagi ang kakampi ko dito sa bahay, sya ang una kong sinasabihan kapag may achievements ako sa school, sya ang pumupunta kapag ipinapatawag ang magulang pag nakikipag basag ulo ko. Halos lahat ng mga nangyayari sakin si Manang ang laging andyan kaya naman mahal na mahal ko sya at itinuturing ko na ring pangalawang nanay.

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now