Chapter 17

1 0 0
                                    

•Anthony's POV•

7 am nang magising ako sa ring ng phone ko. Si Vince pala tumatawag at agad ko naman tong sinagot.

"What happened to you bro? Bat wala ka man lang paramdam?" Tanong nya.

"Ah wala trip ko lang na di pumasok" antok kong sabi sa kanya.

"Lakas talaga ng trip mo no" natatawa nyang sabi sa phone. "Btw, ano aattend ka ba?"

"Saan?" Walang idea kong tanong.

"Anong saan? Malamang mamaya kila Helena" Napabangon ako bigla sa sinabi nya.

"Oo nga pala, I forgot"

"Ano?"

"Oo naman" sagot ko.

"Btw ano kaya sa tingin mo magandang iregalo kay Helena na magugustuhan nya?" Tanong nya sakin.

"Bat mo sakin tinatanong, ano bang alam ko sa mga gusto nun"

"Tst humihingi lang naman ng suggestion eh" sagot nito para matawa ako.

"Just give her something special bro, yung galing sa puso" ngiti kong sabi sa kanya.

"Like what?"

"Malay ko ikaw na mag-isip haha"

"Laki ng naitulong mo bro" sagot nya. "Sige na..see you mamaya hah"

"Okay" saka pinatay ang phone.

Agad naman akong bumangon para mag-almusal. Pagkatapos ay dumiretso ako kwarto ko para maghalungkat ng pwedeng suutin mamaya.

"Oh Ton ton mukang may pupuntahan ka..kanina ka pa tingin ng tingin sa orasan" si Manang

"Ah opo birthdayan ho" andito ako sa sala nanonood

"Kaninong birthday? Girlfriend mo?" Ngiting tanong ni Manang.

"Tst hindi ho, kaibigan ng magiging girlfriend ko" biro ko kay manang.

"Aysus kaya naman pala iba ang aura ng Ton ton ko ngayon"

"Si manang talaga" sagot ko.

Mga 6pm dumating sa bahay si Vince, sinabihan ko na sabay na kami since di ko naman alam bahay nila Helena.

"Ano nakabili ka na ng ireregalo?" Ngiti kong tanong sa kanya. Andito kami ngayon sa kotse ko paalis na since bibili din ako ng flowers and wine para kay Helena.

"Oo"

"Patingin" ngiti kong sabi.

"Tst wag na" tugon nya.

"Damot" Pinaandar ko na naman ang kotse para makaalis na.

Mga 7:00 nang makarating kami sa bahay nila Helena. Pagpasok sa mansyon nila ay dinig ko ng may nagpaparty sa may pool area.

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now