Chapter 8

3 0 0
                                    

•Anthony's POV•

Andito ako sa field nanonood ng soccer habang kumakain ng chichirya, namataan ko rin sila Bela at ng kaibigan nya sa kabilang upuan kumakain pero umalis din si Tiffany At Hele kaya naiwan si Bela, gusto ko sanang lapitan pero naiinis pa sakin pinababa ko muna ang galit haha.Maya maya ay napansin kong tumayo sya at naglakad papasok sa building ng makita ko bola na papalapit sa kanya.

"Ilag Bela!" Hinara ko likod ko dahilan para ako yung tamaan ng bola pero sadyang malakas ang impact kaya napabangga ako kay bela dahilan ng pagkakatumba namin. "A-are you ok?" Tanong ko sa kanya na nooy nakatulala. "Bela" pagtawag ko pang isa sa kanya sabay bangon.

"Ye-yeah im ok" tugon nya. Tinulungan ko naman sya sa pagbangon saka pinagpagan yung dumi na nasa buhok nya.

"Sorry kuya" rinig kong sabi ng junior sa likuran ko kaya nilingon ko ito.

"Ok lang, maglaro lang kayo" ngiti kong sabi sa bata saka ito umalis.

"Th-thank you Antonio" seryosong sabi ni Bela na nooy pinapagpagan ang suot nyang skirt.

"Its Anthony" pag correct ko sa kanya.

"P-parehas lang yun" napapahiya nyang sabi saka nagmabilis na umalis at saka tuluyan na akong tinalikuran. Napangiti naman ako dahil sa thank you nya, ang babaw talaga ng kaligayahan ko haha. Napansin ko naman ang panyo nyang nahulog tatawagin ko sana sya para ibigay pero masyado na syang malayo.

Pagbalik ko sa room ay nakita ko ang president naming si Carla na nakatayo, yung baklang nagapproach sakin nung first day sya pala ang class and ssg president kaya naman pumunta narin ako sa sa upuan ko nginitian ko pa si Bela sabay abot sa panyo.

"Panyo mo" pabulong ko. Nginitian naman sya ni Tiffany na parang nanunukso kaya kinuha nya ang panyo ng seryoso ang mukha at pagkatapos ay naupo na rin ako at mukang may ia-announce si Pres.

"Good morning everyone!" Paunang bati nito. "Nasabihan ko na ang Class President ng bawat room ng mga senior about dito at may nakuha na silang mga representative for basketball this coming May 30" nang marinig ko ang basketball ay hindi na ako naging interesado sa sasabihan nya kaya naman umubub na ako dahil wala naman akong balak sumali dahil nga madalas pupusin ako ng hininga. "Kumpleto na ang class B ang grupo nila Valdez, class A na lang ang hindi, may interesado bang boys dito na gustong sumali?" Dinig kong sabi nito.

"Ako!" Dinig kong sabi ni Vince

"Paki lista rin ako Pres." sabi ng isa.

"Ako rin" dinig ko namang boses ni Patrick.

"Ok wait lista ko mga pangalan nyo....Patrick Natividad, Vince Consuelo, Jhon Dela Cruz" naririnig kong sabi nito. "Oh wait..kulang pa ng isa, sino pa interested sa section natin?"

"Si Anthony!" Kaya naman napa-angat ako ng ulo at nagtinginan naman sila sa akin pati si Bela.

"Are you interested Anthony?" Tanong ni Pres.

"Oo sasali yan" paladesisyong sabi ni patrick. "Shooter kaya yan" di ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa sinabi nya. Oo aaminin kong may alam ako sa basketball pero dahil nga sa sumisikip dibdib ko at nahihirapan ako huminga pag sobrang pagod ay tinigil ko na ang paglalaro.

"No" diretsong sabi ko. Nakita ko naman sa mukha ni Bela na ngumisi sya.

"Bat naman? Eh kung shooter ka may chance na manalo this year ng class A..last year grupo na naman ni Valdez ang champion palagi na lang tayong talo" si Pres. Pero sino ba yang Valdez na yan.

"True, sumali ka na  Anthony, ikaw din..malamangan ka ni Jake kay_" nanunuksong sabi ni Tiffany sabay tingin kay Bela na agad namang pinandilatan sya.

"So sya si Valdez?" Gustuhin ko mang humindi pero may nagtutulak saking sumali.

"Ano sasali ka ba Anthony?" Dinig kong tanong ni Pres.

Andito ako ngayon sa court dini-dribble ang bola habang nakakatitig sa ring. "Tama ba naging desisyon ko?" sa isip isip ko.

"Lampasuhin natin ang mga asungot na yun sa 30" nagulat ako sa pagsabi ni Patrick kasama nya si Vince.

"Kasalanan mo to Patrick eh..bat mo pa kasi sinabi pangalan ko?" Sabi ko sabay pasa sa kanya ng bola. "Napasali tuloy ako ng wala sa oras"

"Bakit magaling ka naman talaga at saka kung ayaw mo naman may choice ka haha" patawa nitong sabi.

"Kung di lang dahil ka Bela" sabi ko.

"Ayun" si Vince na parang sinasabi kaya ako pumayag eh dahil kay Bela which is totoo naman. Sabay shoot nya ng bola sa ring pero di pumasok. "Hayst" singhal nya. Agad ko namang kinuha ang bola at shinoot to sa ring, shumoot naman toh.

(Pak! Pak! Pak! Pak! Pak!) napalingon kami nila Vince sa pumalakpak at di inaasahang ang tatlong asungot to.

"Sinali nyo pala sa team nyo yang mukang lampang yan" pagyayabang ng kasama ni Jake dahilan para mapangisi ako.

"Handa na ba ulit kayong matalo?" Pagyayabang din ng isa nya pang kasama. Si Jake naman ay nakatingin lang sa akin kaya tinignan ko rin sya.

"Tst" ngisi ko. "Lets wait and see" tugon ko pero ang tingin ay na kay Jake parin dahilan para ngumisi din sya.

"Lets wait and see kung pano namin kayo tatalunin" pagyayabang na sabi ni jake. "Lets go" akit nya sa mga kasama nya.

"Napaka yabang talaga ng asungot na yun" inis na sabi ni Patrick ng makaalis sila.

"Pabayaan nyo na sila, mag focus na lang tayo sa laro"sabi ko

"Yan ang utol ko" si Vince sabay akbay sakin.

Bago mag out ay minabuti ko munang pumunta ng clinic dahil may hihingin ako kay Ms. Lucy yung nurse na nagbigay sakin ng gamot.

"Good afternoon Ms. Lucy" bati ko.

"Oh Mr. Angelito anong pakay mo? Di ka na naman ba makahinga ng maayos?" Tanong nya.

"Ah hindi po, gusto ko lang sana malaman pangalan nung gamot na pina inom nyo sakin, balak ko kasing bumili sa mercury"

"Ah yun ba?"

"Opo, effective po kasi sya hehe"

"Bigyan na lang kita, since ikaw lang naman estudyante ritong pumunta sa clinic dahil sa hirap sa pag hinga haha" sabay kuha ng gamot sa lalagyanan nyang maliit na drawer. "Ilan ba kailangan mo?"

"Nako hindi po..babayaran ko po Ms. Lucy" nahihiya kong sabi.

"Nako wag na, at saka sayang naman kung di magagamit" sabay abot sakin ng isang banig ng gamot na sa tingin ko ay 20 ang laman. " per-" di ko na natapos

"Sige na" pagpupumilit ni Ms. Lucy.

"Sige po, salamat Ms. Lucy" abot ko sa gamot saka tuluyan narin akong umalis.

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now