Chapter 12

2 0 0
                                    

•Anthony's POV•

"Mga pre!" Naeexcite na lapit samin ni Vince sabay upo at pumagitna samin ni Patrick. Andito kami sa may malapit sa field nakaupo ni Patrick since break namin.

"Bat parang ang saya saya mo hah?" Tanong ni patrick.

"Ininvite ako ni Helena sa birthday celebration nya sa sabado" kinikilig na kwento nito.

"Good for you" ngiti kong sabi.

"Hindi lang sakin..kayo din" dagdag nya.

"Huh?" Nagtataka kong tanong.

"What do you mean?" Tanong naman ni Patrick.

"Sinabi ko sa kanya kung pwede ko kayong isama kaya invited din kayo" nagmamalaki nitong sabi.

"Tst" ngisi ni Patrick.

"Sabado? Ayoko marami akong gagawin" tugon ko kahit wala naman talaga tinatamad lang ako.

"Sigurado ka ba?" Nakangiti nyang tanong dahilan para mapaisip ako.

"Oo nga pala" sa isip isip ko.

"Ano sabihan ko si Helena na ayaw mo haha" pabirong sabi nito.

"No!" Angil ko sa kanya para tumawa sya. Napansin naman namin na tahimik lang si Patrick.

"Anyare sayo tol?" Tanong ni Vince kay Patrick.

"Wala" walang ekspresyon nitong sabi.

"Dont tell me hanggang ngayon iniisip mo parin yung first love ni Tiffany?" Natatawang tanong ni Vince.

"Tst" napangisi na lang si Patrick.

"Alam mo pre first love lang sya..ang mahalaga ay ang last love" ngiti nitong sabi. "Di ba?" Baling sakin ni Vince. Di naman ako nakasang-ayon agad dahil nararamdaman ko ang nararamdaman ni Vince.

"Oo naman" kahit may doubt ay mas pinili ko na lang maging positive.

Maya maya ay nagpasya na kaming bumalik sa room. Bago pumasok ng building ay may nakita kaming nagkakagulo sa gilid malapit sa kabilang building. Kaya napatigil ako.

"Wag mo na pansinin yan tol ganyan talaga yang mga yan" sabi ni Vince. Kaya naman hindi ko na ito pinansin. Hahakbang pa sana ako ng may narinig akong pamilyar na boses.

"Bela!" Si Tiffany kaya naman napalingon kami nila Vince. Namataan kong natumba si Bela kaya agad akong pumunta.

"Bela!" Tawag ko sa kanya sabay inalalayan sya pag tayo.

"What happened?" Nagaalalang tanong ni Vince.

"Mga salot!" Dinig kong tawag ng babae sa naka salamin na babae at sa mga kaibigan nito. Basa ang uniform ng nakasalamin at sa tingin ko ay binuhusan sya ng juice.

"Umaawat lang kami then natulak si Bela" sabi naman ni Tiff

"Ano? Dun kayo nababagay" sabay turo ng isang babae sa basurahan. "Sa basurahan!" Pagdidiin nito. Di ko naman napigilan ang sarili ko kaya umawat na ako.

Our Love Last Autumn Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz