Prologue

637 10 0
                                    

“Reese, ako na bahala kay Akilah. Parang kayo na ‘tong mag-ina eh.” Tinawag ako ni Ash ng makita niyang karga-karga ko si Akilah papunta sa sasakyan ko.

“No, ako na Ash. Pumunta ka na doon at babalik din kami. I’ll just change her diapers.” Anak ni Ash si Akilah pero parang anak ko na rin ito. For 2 years, we stayed together in New York, hindi pa kami nagkakahiwalay ever since.

“Kaya talaga ikaw pinipili niyan eh, sayo na lang yan? You’re so good at handling kids, pwede ka nang mag-asawa. Ooops may asawa ka na nga pala.” biro niya pa bago naglakad pabalik sa mga kaibigan namin na nagkakatuwaan. Lauren invited us for some get together. We’re friends during college. We’ve been here for 6 months at ngayon lang kami nagkaroon ng oras para magtipon dahil pawang may mga trabaho kami. After I changed Akilah’s diapers, I walked towards the group again.

“Doc, long time no see. Until now, ikaw pa rin ang favorite niya ah.” I turned to face Brent, Akilah’s father.

“Hey baby, daddy’s here.” Akilah is turning 3 years old, this coming June. She just looked at her dad and hugged my neck again. Brent chuckled.

“Minsan talaga, naiisip namin ni Ash na hindi siguro siya namin anak. Kung di lang nagmana sa ina, talagang masasabing anak mo siya eh.” I smiled, sasagot pa sana ako ng may grupo ng mga lalaking pumasok, and one of those guys is my husband, my so-called husband. Ngayon pa lang kami ulit nagkita after that incident in the hospital and in the outreach program.

Simula nang ikasal kami, parang naging isang malaking grupo na ang mga kaibigan namin. Some of the boys are already husband or boyfriend of my girl friends. After almost 5 years, we’re here face to face. Ito din ang isa sa mga iniiwasan ko eh, ang magkita kami. The wounds are still fresh for me and they are all part of that wound.

“Doc Reese! You’re here!” nag-unahan sa pagbati at pagyakap ang mga ito. Only Liam stood still. Agad akong sumabay sa iba sa pagpasok. Doon ko pa naramdaman ang pag gaan ng pakiramdam ko, kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga.

“Reese, you left your phone, kanina pa yan ring ng ring. Sa hospital yata kaya di ko pinakialaman.” Hindi pa ako nakakaupo ay ‘yon na ang ibinungad sa akin ni Ash.

My phone ring again, sa hospital nga iyon. I answered immediately, still carrying Akilah. Sinusubokan naman itong kunin ni Ash sa akin pero ayaw kaya’t habang sinasagot ang tawag at lumalayo ng konti ay karga ko siya.

“Hello, Dra. Suarez speaking.” Yes, I am still a Suarez. Six months of staying here and still hindi ako nagkalakas ng loob na komprontahin siya tungkol sa annulment namin. The lawyer I hired already retired and when I visited the firm, wala daw itong ibinilin sa ibang lawyer na under nito.

“Doc, may emergency po. One of Doc Abellana’s patient is having a seizure. Ikaw po ang doctor-on-call sa leave niya.” Hys, call of duty.

“Give the patient essential meds and first hand aid, I’m on way. Prepare his records.” I immediately down the phone.

“Ash, I have an emergency at the hospital.” Ibinigay ko sa kanya si Akilah na nagsimulang umiyak agad.

“Diba day-off mo ngayon, Reese?” tanong ni Lauren na nurse sa pinapasokan kong hospital.

“Doc Abellana is on leave, ako ang on-call. Sorry guys.” I did not bother to glance back again dahil iyak na ng iyak si Akilah. I was busy running through my bag for the keys when I bumped into someone along the way.

“Sorry-“ I stop midway when I saw who it was. Pati ang mga nasa garden ay napatayo dahil nahulog pala ang dala nitong wine at mga baso.

“Careful.” Instead of helping him get the glasses na hindi naman nabasag dahil sa damo nahulog, I ran towards my car dahil nagring na naman ang phone ko at mula sa hospital ito.

God, wala pa ring nagbago sa kanya. Kung meron man, it’s just his manly features, it became more mature. Hindi ko man lang ito napansin sa ilang beses naming pagkikita, ngayong lang ng sobrang lapit na talaga namin sa isa’t isa. I glanced at my ring finger, nandoon pa rin ang wedding ring namin, and kung hindi ako nagkakamali, suot niya rin ang sa kanya. Oh my God.  Bakit na ba suot ko pa rin ito.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now