Chapter 20

220 4 1
                                    

“Margareth, uuwi ka ngayon. Papunta na ang kuya Rodel mo diyan.” Seryoso ang pagkakasabi ni mommy.

For sure, alam na nila ang nangyari kagabi. Maraming mga reporters ang tumatawag sa akin. Hindi ko na alam kung saan nila nakuha ang number ko but I didn’t answer their calls. I did not answer calls from unregistered numbers.

Hindi na ako nagprotesta pa dahil ‘yon din ang plano ko. Nakaimpake na ang mga gamit ko. This sem, I will stay at my parents’ house. Hindi ko pa sinasabi ang plano ko sa kanila na tatanggapin ko ang offer sa akin sa NY. Hindi pa rin kasi ako sigurado kung kaya ko bang malayo sa kanila pero hindi ko na rin kaya ang mga nangyayari dito.

“What comes into your mind this time Liam Ezekiel?!” galit na sigaw ni tita Lisa ang narinig ko kahit kakapasok ko pa lang sa bahay. Hindi ko inakala na nandito sila ngayon.

“Sorry mom, dad.” Narinig ko ang paumanhin ni Liam. I stayed behind the wall for a moment when I heard my mom talk.

“Hindi siya sanay sa mga ganito Liam. Among them three, our Therese is the most sheltered, private person. Ash is the social butterfly, siya ang sanay dito. Alexa is the elite girl, marunong mag-adjust sa anumang issue. But Therese? She is just the normal girl Liam. Ayaw niya na nasa kanya ang spotlight. Not because she is not expose before but because she had a trauma of being surrounded by people, of being followed everywhere. She’s been modelling for her aunt noon, sumikat siya at ng minsan ay nagpunta sa mall, dinumog sila. She’d been hurt Liam, physically. Nagcause ‘yon ng anxiety niya towards crowd of people. But thank God she did overcome it. Nalabanan niya ito, naging normal siya ulit makitungo at hindi na siya natatakot lumabas na may maraming mga tao. Pero naging mailap na siya sa mga issue. It’s rude to say this in front of all of you, Lisa, Anton. But I felt so sorry for letting our Therese marry your son.” Narinig ko ang paghingi ni tita Lisa ng paumanhin.

I walked towards them at nakita ko ang gulat sa mukha ni mommy. I already told her not to share those things to anyone.

“It’s all in the past mom, I told you not to bring it up anymore. I don’t want pity from other people.” I coldly said. I saw that Liam is looking at me but I did not give him even a single glance.

“You’re gonna live with Liam starting today, again. You two will work these things out. Try to clean your names. You are both grown-ups.” Malamig na saad ni daddy.

“No, I will stay here dad.” Matigas kong saad.

“No Margareth, you will stay with Liam.” Matigas din ang saad ni daddy.

“Dad-“ magpoprotesta pa sana ako ngunit di na ako nakapagsalita ng isang sampal ang tumama sa aking pisngi.

“Fred!” biglaang sigaw ni mom dahil sa sampal ni dad. Ano bang nagawa ko. Nakita kong napatayo din si Liam at ang parents niya.

“I expected a lot from you Margareth, pero ang pagpapatalo sa isang walang kwentang babae ang hindi ko inaasahan. I let you choose. I let you engaged with this because I expected better things from you. Hindi ko inakala na nagpatalo ka na nga sa akin, nagpatalo ka pa sa babaeng ‘yon.” I remember when I am still a teenager, dad always taught me that I should not fear anyone. Kung lalaban ako, sigurohin ko daw na sa tamang tao. Kung magpapatalo naman, sa tamang tao pa din dapat.

Naramdaman ko ang kamay ni Liam sa braso ko. Hinihila niya ako sa mula sa harapan ni daddy.

“Give me one week at ako mismo ang uuwi kay Liam.” Malamig na saad ko.

Isang ngiting tagumpay ang iginawad ni daddy sa akin, alam niyang naalala ko na naman ang mga sinabi niya sa akin. Dad is sweet to me, hindi siya kailanman nagbuhat ng kamay sa akin. Pero tanggap ko ito.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now