Chapter 28

226 5 1
                                    

“Paging Doctora Suarez, to the ER please. Paging Doctora Suarez, to the ER please.”

Lakad takbo ang ginawa ko mula sa pantry ng hospital papuntang ER. Sa ER ang duty ko ngayon but I have to have a rounds in the common ward too. Just like the plan when I accepted the school’s offer, I’m going to work in a public hospital, which is in accordance to my plan also. Makati District Hospital is good, kompleto ito. Kahit may mga malalaking hospital naman na mga private, mas marami pa rin ang nagpupunta dito kahit na mga mayayaman.

“What happened?” tanong ko sa isang nurse na agad sumalubong sa akin para magbigay ng initial infos sa pasyente. The patient is old, 63 years old male.

“He is having a seizure doc. Nagpapadialysis na siya tapos nakaskip sila ngayong week because of financial reasons.”

“Ready the procedure. We’ll go on dialysis.” Nanlaki sa gulat ang kasama ng pasyente. Isang dalagita na kung tutuusin ay dapat nag-aaral pa ngunit base sa kanyang damit, she is working on SM Hypermart.

“Doc, wala po kaming pambayad.” Saad ng dalagita na naiiyak na dahil sa panginging ng buong katawan ng kanyang tatay.

“Is he your father?” umiling ito.

“Lolo ko po.”

“Nasaan ang mga anak niya?”

“Iniwan na po nila kami doc. Hindi ko na po alam kung nasaan sila.” Hindi na ako sumagot pa at baka makapagsalita na ako ng di ko na dapat pang sabihin. After a month of working here, I’ve seen different situation, mapamayaman o mahirap. Iisa lang ang masasabi ko. There are people who are just so out of their mind na minsan mapapatanong ka na lang kung bakit nagagawa nilang gawin ang mga bagay na ni minsan ay hindi ginawa sa kanila ng kanilang mga magulang. On my first week in here, nakaencounter na agad ako ng isang ama na mismong anak ang sumaksak dahil pinagbawalan lang na sumama sa mga kabarkada. Second week, inang binuhusan ng kanyang anak ng mainit na tubig dahil hindi sinasadyang nahulog ang apo sa kama. Bakit ba naman kasi pinapabantayan sa matanda. Those idiots. Ngayon naman, ito. Amang matapos maghirap, iniwan.

After referring the patient to the doctor incharge for the dialysis umakyat na ako sa opisina ko at kailangan ko pang magpahinga. It’s almost 10 PM and I still have to do my rounds later.

Nakasandal lang ako sa swivel chair ko ng bigkang pinage na naman ako but this time papuntang private room na. Wala naman akong private cases ah.

“Doc Suarez!” nasa labas ng pinto si Doctora Abellana. Parang hinihintay talaga ako nito.

“I have a patient kasi, 4 years old. Hihingi sana ako ng insight sayo kasi naging mabuti naman na siya last time. Her eczyma is getting worst.”
Iginiya niya ako papasok pero hindi ko agad napansin ang mga tao sa loob dahil sa chart na ibinigay niya sa akin.

The baby was admitted last time but because of asthma, now eczyma na naman. These are normal cases lang naman but the baby usually can’t handle so inaadmit.

“Good evening. This is Doctora Suarez, our general med doctor here.” Napaangat ako ng tingin ng ipakilala niya ako sa mga nasa loob. Hindi ko agad naproseso ang lahat ng makita ko kung sino ang mga tao na nasa loob.

Tatiana is sitting on the bed, caressing the baby girl's hair. Her parents are on the couch. Napabaling naman ang buong atensyon namin ng bumukas ang pinto. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kong sino ang pumasok. Liam, carrying a bag and a pink princess pillow stood still on the door.

“Wag naman haharang-harang sa pinto- Oh shit!” nagulat si Brent ng makita ako.

“I just have to ask for insights from Doc Suarez, is it okay with you?” naguguluhan na si Doctora Abellana dahil sa mga reaction ng mga ito. Napabaling naman kaming lahat ng magsalita ang bata ng makita si Liam.

“Papa Liam! You’re here!” masiglang saad nito kahit na nakaIV ito at may cool fever pa sa noo.

“Yes, Doc. It’s okay.” Ang mama ni Tatiana at Brent ang nagsalita. Liam walked towards the little girl to give the pillow.

“Fuck.” Narinig ko pa ang pagmumura ni Brent pero hindi ko na ito pinansin.

Nagdiscuss na kami agad ni doc Abellana sa situation ng bata. Hindi naman ito malala basta’t hindi na lang muna pakakainin ang bata ng mga bawal. Lalo na’t allergy pala ito sa peanuts.

“Doc Reese, pwede bang ikaw na lang muna maghandle-“ hindi na natapos ni doc Abellana ang sasabihin niya ng tumunog ang phone ko sa bulsa. It’s my alarm for my rounds at the common ward.

“I’m sorry doc pero di ko na ito masisingit eh. I still have to do rounds in the common ward. Hindi din ako tumatanggap ng private cases.” Napatango si doc Abellana.

“Well, ikaw na lang muna magsabi ng assessment mo and prescription. Kahit ito na lang.” Hirit nito ulit. Doc Abellana is already 52, she likes me a lot but I distance myself to her because she is the hospital’s associate director. Ayaw kong masabihan ng sipsip.

“Well, can I see your tounge baby girl?” inilabas naman agad ng bata ang kanyang dila.

I also checked her eyes and the affected area of her eczyma.

“You’re so pretty.” I froze when the little girl caress my cheeks.

“Lapitin ka talaga yata ng mga bata Doctora Suarez.” Natatawang saad ni Doc Abellana. Napataatras ako na konti.

“You look so familiar. Right mommy?” nagulat naman si Tatiana sa sinabi ng anak niya.

“She is the girl in Papa Liam’s phone! She is that girl right?!” she said pointing at me.

“Margaux!” sinuway siya ni Tatiana pero hindi talaga ito nagpaawat.

“Patay tayo diyan.” narinig ko pang saad ni Brent. Liam is just there, standing near the bed.

“I have to go doc Abellana. Schedule for rounds delayed for 10 minutes. Her condition is not severe. Just give her the ointment I suggested and don’t let her eat food that can trigger her allergies. Excuse me.” nagmadali na agad akong lumabas ng kwarto at nagdirediretso sa elevator. Napalingon pa ako ng may bumukas ulit ng pinto and I saw Liam goes out of it. After 5 years, dito pa talaga kami magkikita at anak niya pa talaga ang dahilan. He was about to walk towards me when a nurse approached me, galing siya sa elevator. Pumasok na agad kami at nag-usap dahil siya ang mag-aassist sa akin for the rounds.

Mga bandang 5 ng umaga na ako nakapag-out dahil may dumating na namang mga pasyente sa ER. ER talaga ang pinakanakakapagod na assignment. Takbo dito, takbo doon.
Nasa parking lot na ako at nag-aayos ng mga boxes na dadalhin namin mamaya para sa isang programa sa barangay. Those are syringes, cottons, alcohol and other stuffs needed.

Nang makapasok na ako sa sasakyan ay naisipan ko munang tumungo sa manibela. I’m so tired but I have to attend later. 1 PM pa naman, I still have time to rest for a little time.
Nakatungo lang ako doon, almost dozing off when someone knocked on the window.

Nagulat pa ako ng makita kung sino ito. How did he know that I am here. Napatingin naman ako sa light na nakabukas pala. Kahit tinted ang hilux ni daddy na siyang ginagamit ko, makikita ang loob nito lalo na’t nakaon ang mga lights. Nag-aalangan pa akong buksan ang bintana ngunit kumatok siya ulit.

“Are you okay?” I stared at him for a while, he catched my gaze kaya natauhan ako bigla. Parang lahat ng antok ko sa katawan ay nawala ng marealize kung sino ang kausap ko ngayon.

“Uh yes. Why?” pormal na saad ko, gaining back my sanity.

“I just saw you sleeping inside. I can drive-“

“No thank you, I’m fine. I have to go.” Umatras siya ng buhayin ko na ang makina ng sasakyan. Isinarado ko na agad ang bintana at umalis.

What was that? After 5 years of not having any communication, ganoon lang siya kacasual makipag-usap sa akin? Maybe he really did move on right.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now