Chapter 17

193 7 0
                                    

“Anak, nasaan ka na ba?” Kanina pa si mama tawag ng tawag sa akin. It is already the last week for our sembreak. Nasa apartment lang ako at nagpapahinga. It’s Monday for heaven’s sake. I want to savor the moment na walang pasok. Tapos na kaming magpaenroll nina Yohan dahil talagang pinaplanohan na namin na magpahinga ngayon week na ‘to. Pero heto at tawag ng tawag ang ina ko dahil bibisita daw ang pamilya ng asawa ko sa bahay at magkakaroon ng swimming.

“Mom, can I just pass this time?” hindi pa kami nagkikita ni Liam simula last week. Last time we were together is when we had a dinner at the resto for Kuya Franco’s birthday. After that, wala na. Hindi ako umuwi non sa unit niya. I am more comfortable in my apartment.

“Isa na lang talaga Margareth. ‘Wag mo akong hintayin na mapuno at baka ipasunog ko ‘yang apartment mo.” Binabaan na agad ako ni mama ng phone. Attitude talaga ‘to oh.

Ashleah: Naghahanda na si tita ng gas para sa apartment mo. Mag-alsabalutan ka na.

Naiinis man, napilitan akong tumayo at magbihis. Nagsuot lang ako ng maong shorts at spaghetti top.
Nang makarating ako sa bahay ay sigawan na sa pool ang narinig ko. Mga tawa nina Ash ang nangunguna. Ba’t ang dami yata nila. Busangot ang mukha ko ng makarating na ako sa garden.

“Akala ko di ka pupunta, ipapasunog ko na sana talaga ang apartment mo eh.” Inirapan ko lang si mama kaya’t kinurot ako nito sa gilid. Napatingin ako sa pool at nakitang nandito rin pala sina Brent kasama si Evan, Drake, at Shun. Sana isinama na lang din nila si Yohan at Tiffany but I heard nasa Bora si Yohan at si Tiffany naman ay nasa Palawan. Kumaway sila ng makita ako. Liam is also there, nakalubog ang katawan sa tubig. Ate Lindsy and Kuya Franco are in the sun lounger near the pool. Kalong-kalong ni kuya si Kisha.

Napagpasyahan kong lumapit sa mga ito. Wala akong balak maligo kaya’t sa gilid lang ako.

“Hi baby Kisha.” Nilaro ko ang mga daliri nito. I took my phone out to get some photos of her.

“Hindi ka maliligo Reese?” naghuhubad na ng cover up niya si ate. I love her body, parang hindi siya nanganak, unti-unti ng nawawala ang fats niya.

“Hindi ate. Baka gusto niyong maligo na, I can take care of Kisha.” I smiled and get Kisha from kuya. Ibinigay naman niya ito kaagad.

“Thank you. Kanina pa kasi kami naghihintay kay Laila, magkasama sila ni Alexa inutusan ni tita Alona eh. Wine lang ang inutos, binili na yata buong department store.” Naupo na ako sa sun lounger at linaro-laro si Kisha.

“Uyy, bagay na bagay doc!” napabaling ako sa grupo nina Ash na nasa pool. Nag-uusap lang sila kanina pero ngayon lahat nakatingin na sa akin. I saw Liam looking at me intently while holding a glass of whiskey in his right hand.

“Gusto ko nang may tumawag sa akin na Mama Ash, cousin. Ano na?” nang-iinis na saad ni Ash. Parang hindi nag-advice sa akin na iwasan ang mga ganoong bagay dahil hindi daw tiyak na kami hanggang sa huli. Ang bata lang ang mahihirapan sa sitwasyon namin.

Napairap ako sa kanya na siyang ikinahagalpak niya ng tawa. Tumayo na lang ako at naglakad palapit na mga matatanda.

“Hello baby Kisha. You really enjoy Mama Reese’s arms huh?” linaro-laro ito ni tita habang karga ko. Mama Reese? They’re letting Kisha call me like that?

“Gusto ni Lindsy na ‘yon ang itawag ni Kisha sayo. Okay lang ba?” napatango ako dahil sa tinuran ni Tita. Parang nabasa niya ang iniisip ko.

“Of course ma. Okay lang.” I smiled.

“Laila don’t like being called mama. Nakakatanda daw. Para lang daw ‘yon sa mga may asawa na. Ang arte talaga ng batang ‘yon. Gusto niya tita lang daw.” Natawa naman sina mommy at tita Beth. I just smiled and continue playing with Kisha.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now