Chapter 43

252 5 0
                                    

The morning ocean breeze woke me up. Papasikat na araw ang bumungad sa akin ng magmulat ako ng mga mata ko.

"Good morning." Liam's husky voice filled my ears. Sumabay ito sa banayad na tunog ng hampas ng mga alon sa dagat.

"Good morning." I smiled at him sweetly. I turned around to face him. He's just looking at me intently, seems to figure out something.

"You're here..." He trailed off. I encircled my arms on his neck. I kissed his cheeks.

"You're really here." He said as if convincing himself.

"Let's have a walk?" He hugged me tight before letting me go at bumangon na siya.

Nagpunta siya sa closet at paglabas ay nakapagbihis na ng isang sweatpants at white tshirt. May dala siyang hoodie na ibinigay niya sa akin.

"Just wear this." Tinanggap ko naman ito. Pagtingin ko sa salamin ay tsaka ko pa nakita ang nakaprint sa hoodie niya.

ATTORNEY'S

It's like he's marking me with his hoodie huh.

He intertwined our fingers when we were out of our room. May iilang guests kaming nakasalubong. May iilang media din na umagang umaga pa ay nangangalap na ng maaring gawing scope. I even saw others taking stolen shots of us. Hindi na namin ito pinansin pa.

"Hey, Reese. Long time no see, darling." Napabaling ako ng tingin sa mga sofang nasa lobby ng resort. Ang sikat na baklang columnist pala na nagfeature sa akin noon ang bumati. I felt Liam's arm encircled my waist.

"Hi Tita, long time no see." Nakipagbeso ako sa kanya. Ang hawak ni Liam ay hindi niya man lang tinanggal. Nakipagkamay din siya sa kausap ko.

"You're here for vacation? Tapos na ang conference." Saad nito.

"Yes tita. I'm here with my family." I smiled at him.

"Oh. And the Suarezes are here too." Saad nito, wari'y nangangalap ng sagot sa mga issue na narinig for sure.

"Yes, they are my family too. We decided to stay here for a while." Napasinghap ito at kulang na lang ay tumili. Hindi naman na agad kami nagtagal, pero humingi pa ito ulit ng favor na magpakuha kami ng litrato.

"You're famous." Biglang saad ni Liam.

"And you're not?"

"You're a model at the same time a doctor. You're hot, as they all said." He bitterly said.

"And you're an attorney, fantasized by many." I smirked at him.

"But I only fantasize you." He whispered into my ears. Making me shut up.

He chuckled because of my silence.

Matapos naming maglakad lakad sa dalampasigan ay bumalik na kami sa kwarto. Nasa harap na nito si Akilah at Brent na kakatok na yata sana.

"Mama Reese!" Akilah happily called me. She's still wearing his pajamas and her hair is not yet combed. Ang cute.

"Too early, sorry. Pero si Akilah kasi eh. Ang kulit, gusto pumunta sayo Reese." Kinarga ko si Akilah at binuksan naman ni Liam ang pinto. Pumasok kami doon. Sumunod naman ang dalawang lalaki sa amin.

"Breakfast at the beach daw. Mauna na lang ako. Iwan ko na lang ba dito si Akilah?" Narinig kong sabi ni Brent. Si Liam na ang kinausap niya.

"Kami na magdadala." Saad ni Liam. He accepted the cute small backpack na dala pala ni Brent, marahil ay laman ang gamit ni Akilah.

Umalis na din ito kaagad dahil maliligo pa daw siya.

"Mauna ka nang maligo." I said when he approached us. Nakadapa kaming pareho ni Akilah sa kama, busy na ito sa panonood ng disney videos sa phone ko. I got Liam's phone and snapped a pic of us. Naramdaman kong lumubog ang parte sa kabilang gilid ko ng umupo si Liam. I turned to him. Naupo na lang din ako sa kama.

"You're so ready to be a mom." He said.

"We'll talk about that." I kissed him on his cheeks. Itinapat ko sa amin ang camera ng phone niya and I snapped a picture of us. Hindi man lang ito ngumiti sa mga kuha kong litrato.

"Smile." I cupped his chin with my left hand and squeezed it. He chuckled because of that. I continue to snap pictures.

"Maligo ka na nga!" Tumayo na rin agad siya at nagtungo na sa banyo.

Matapos niya ay ako naman ang naligo at nag-ayos. I just wore a simple one piece black bikini at pinatungan ko ito ng maxi dress.

Paglabas ko ng closet ay parehong busy ang dalawa sa mga phone. Akilah is lying above Liam who is also lying on the bed.

"Senyorito, senyorita. Let's go?" Pagtataray ko sa kanila. Nagtinginan lang ang dalawa at nagkibit ng balikat bago tumayo. Binihisan muna namin si Akilah ng pangbeach dahil tiyak na maliligo ito mamaya.

I got my phone from Akilah after it.

Liam Ezekiel Suarez tagged you in a post.

I immediately checked my facebook when I saw that notification.

"My medicine."

He uploaded four picture of us. Iyong nakangiti ako habang siya'y matamang nakatitig sa akin, iyong pinisil ko siya, iyong pareho kaming nakatawa, at iyong nagkatinginan kami.

Madami na agad ang comments nito. Even Tatiana commented.

Tatiana Juarbal: Sending Margaux's hugs and kisses to Doc Pretty and you, papa Liam 💗

Lindsy Ann Suarez-Lavigne: I love you both 😘

Laila Suarez: Breakfast na!

Marami pa ang nagcomment at ang karamihan ay di ko na kilala. Maybe they're my fans, some are his colleagues.

Mapanuksong mga tingin ang nag-aantay sa amin ng papalapit na kami ni Liam. Agad na kumawala si Akilah sa pagkakarga niya at nagtatakbo na papunta sa kanila.

"Good morning." Bati ko sa kanilang lahat. Nakangisi sila na parang nanalo sa isanag pustahan.

"Good morning lovebirds." I glared at Ash.

"Ashleah." Banta sa kanya ni tita Beth ngunit nakangisi pa rin naman.

Naging masaya ang breakfast namin. Puro tawanan at tuksuhan lang ang nangyari. Paminsan-minsan ay napag-uusapan ang tungkol sa mga trabaho.

"My God Liam, so smitten by Reese?" Napalingon ako kay Liam. His chin is on my shoulder, kanina pa siya halik ng halik sa braso ko. Minsan ay inaamoy-amoy niya lang.

Nagtawanan ang nga kasama namin. Hindi ko na ito pinansin pa kanina dahil nag-uusap kami ni Tita Beth tungkol sa photoshoot na gaganapin. Hindi ko napansin na kanina pa pala nakatingin sina Ashleah sa amin. Ny eyes widened when a notification popped up on my phone and it's a tag from her.

"Morning sweetness from Doctora and Attorney 💗"

It's a video of us. Liam nuzzling my arm, resting his chin on my shoulder, kissing my hair and such.

"We're so happy for the both of you." I almost tear up when our parents said that. I just smiled at them and Liam hugged me.

I also didn't expect for this to happen. I thought it's really the end of us but ngayong nandito na kami, magkasamang muli, issues solved, problems solved, it's heaven.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now