Chapter 15

192 4 0
                                    

“God damn it! Kakaayos lang ng issue ninyo, may bago na naman? What the hell is with Liam? Wala ba siyang pag-iisip.” Inis na inis si Ash habang nasa living area kami ng pamilya namin. Mom and dad are just there, silent since I arrived here. I did not expect na kompleto sila dito at ang issue na naman tungkol kagabi ang pinag-uusapan.

“I thought he is a good man.” Dismayadong saad ni Tita. I know they pity me. Alam nilang di ako katulad ni Ash na kahit ipabillboard pa ang pangalan sa EDSA at lagyan ng kung ano-ano, eh hindi tatablan. Ash is a social butterfly and I am not. I’ve been to some magazines but not having a controversy. I already saw the article trending online.

The famous couple before, Tatiana Juarbal and Liam Suarez, were spotted together in a bar together with their friends. Are they together again? How about Liam’s wife, Therese Margareth Gozon? Is she there? But she’s not seen together with the group? Are they still together? Does Tatiana and Liam having an affair behind her back? Or is it true that the Gozon-Suarez Nuptial is an arranged one?

Iilan lang ang mga ito sa mga haka-hakang binabato nila sa amin. Why are they so stupid to meet in public? Tahimik lang ang mga magulang ko, parang hindi rin alam kung ano ang gagawin.

“Magpapapresscon na naman ba si Reese nito? Maaring-“ hindi na natapos ni Tita ang sasabihin niya.

“No. Walang magpapapresscon.” Mariin na saad ni dad. Ayaw ko na ring linisin ang mga kalat na ito. ayaw ko nang gumawa na naman ng kasinungalingan.

Naagaw naman ang atensyon namin ng may pumasok. Liam’s parents.

“Anton, Lisa.” Bati ni dad sa kanila. Halatang stress din ang mga ito.

“Oh Reese, we’re so sorry iha.” Naiiyak na saad ni tita Lisa.

“It’s okay, ma.” I kissed them both. Naupo na ang mga ito ng magpasya akong magpaalam na aakyat na sa taas. Ano pang gagawin ko? May klase pa bukas kaya’t mas mabuting ‘yon na lang ang pagtuonan ko ng pansin.

“Aakyat na po ako. I have things to do for school.” Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila pero huminto ako ng malapit na ako sa hagdanan.

“I don’t want another presscon, I don’t want to lie again. I will talk to Liam tomorrow. Hindi ko sila pipigilan ni Tat sa pagkikita, but at least I want them not to be like that in public. Sana isipin niyang nadadamay ako.”
Walang sumagot o tumutol sa sinabi ko kaya’t nagpatuloy na agad ako sa kwarto. Instead of sulking in my bed, I managed to finish my homeworks.
Maaga akong nagising kahit hapon pa ang klase ko. May naiwan akong libro sa unit ni Liam. Maybe I can talk to him too if nandoon pa siya.

I drove my way to the unit and expected no one in it pero napahinto ako sa pagpasok dahil napabaling ang lahat ng bumukas ang pinto. Liam is with his friends. Evan and Neil are on the floor while while busy looking at the book in the coffee table. Nasa harapan nito si Liam na nakasalampak din sa sahig. Shun and Drake are on the sofa, also reading books.

“Uy Liam, himala may mga pagkain na dito sa condo mo. Sana all may-“ Napatigil naman si Vince sa pagsasalita dahil nakita niyang nakatingin lahat ng kaibigan niya sa akin. Galing ito sa kitchen at may dalang sliced bread. Madaldal din naman pala 'to kung mga kaibigan niya lang ang kasama eh.

“Ah. Hi Reese, sorry ha. Dito na kami nagkalat. We have a group work kasi eh.” Si Evan ang unang nakabawi sa kanila.

“No, it’s okay. This is Liam’s place anyways.” I smiled at them. Tumayo naman si Liam ng nagtungo ako sa kitchen para uminom at ipaghanda na rin sila ng makakain. It’s almost lunch time but I’ll just make sandwiches for them. Papasok na rin kasi ako. Nanatili akong nakatalikod at nakaharap sa counter top kahit alam kong nasa dining table na si Liam nakaupo. Tahimik lang ito habang gumagawa ako ng pagkain nila. Pagkatapos ay naglabas na lang din ako ng juice sa ref para sa inumin nila.

“Don’t spoil them too much. Dito na ang mga ‘yan titira.” He casually said.

“No worries, ngayon lang naman ‘to. I won’t be here always.” I answered still busy placing the food and the glass filled with juice on a tray. Hindi niya naman kinuha ito para dalhin sa mga kaibigan niya. Hindi din siya tumayo kaya linapag ko na lang sa harap niya ang para sa kanya at dinala na ang mga pagkain sa labas.

“Kain muna kayo. Malapit na ang lunch time.” Inagaw ko ang mga atensyon nila mula sa pagbabasa and I smiled at them. Naghiyawan pa ang mga ito dahil simula pa daw kanina, di talaga sila inofferan ni Liam ng pagkain.

“Alam mo Reese, hindi talaga kami niyaya ni Liam, kahit tubig man lang.” pagsusumbong ni Drake. Nagsitanguan naman ang iba.

“Shut up assholes!” sinigawan naman sila ni Liam at nagtawanan ang mga ito.

Bumalik na agad ako sa dining para kunin ang bag ko. I saw Liam playing with its sling. Napatingin siya sa akin ng nakalapit na ako.

“Saan ka uuwi mamaya?” nag-aalangan siya sa pagtanong.

“Dito siguro.” Tumango ito at ibinigay ang bag ko. Aalis na sana ako ng maalala ko ang dapat sana ay sasabihin ko kanina pa.

“Uhm Liam.” I called his attention. He is already eating the sandwich. Inangat niya ang tingin sa akin. “Can I have a favour?”

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya, he is not expecting me to ask a favour from him.

“I told you to just use my cards. It is already updated and di na kailangan pumirma ka pa for authorization.” Napailing agad ako sa tinuran niya. Nakatayo na siya at akmang lalabas na para siguro kunin ang card niya.

“No Liam. I don’t need that. Just give me my new cards kung okay na ang mga ‘yon. Hindi rin iyon ang gusto kong hinging pabor sa iyo.” Napabaling siya agad sa akin at naupo na rin ulit.

“It’s about those issues. Liam, please. I’m tired of cleaning names. I won’t stop you in seeing Tatiana, I don’t mind that. But please, ‘wag naman in public. I’m okay with the issues thrown at me pero nadadamay din pamilya ko Liam, nadadamay mga pamilya natin. If you want, pwede kayong magkita dito. I won’t be here always. I’ll come here during like this time. You can have weekends here. Just please, be discreet of your relationship. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko Liam, it’s still early to file an annulment and I know our parents won’t agree with that. They’ll be hurt for sure.”

“Annulment? You’re planning to have one?” malamig na saad niya sa akin.

“Yes Liam. In the first place, alam kong ayaw mo ring matali sa akin. Maybe totoo nga na ako ang may dala ng lahat ng mga kaguluhang ito. I was given a chance na tumakbo, sana ginawa ko na ‘yon. At least, just one scandal and it’s all done. Pero heto na tayo eh. Wala na tayong magagawa. Please Liam, if you don’t respect me as your wife, respect me as a woman. Or if you don’t want to respect me at all, respect our families.” Tinalikuran ko na siya agad at nagtungo na ako sa kwarto. Kinuha ko ang lahat ng mga gamit ko para sa school. Paglabas ko ay nasa pang-isahang sofa na si Liam, nakapangalumbaba habang ang mga kaibigan niya ay nasa sahig at nagpapatuloy lang sa mga ginagawa. Napaangat siya ng tingin ng kausapin ako ni Shun.

“Reese, alis ka na?” tanong nito.

“Ah yes.” I smiled at them. “It’s almost 12, baka traffic at matagalan ako.” Nagsitinginan naman sila sa kanilang mga orasan.

“Shit, ipapasa pa natin to ngayong 2. Order na lang tayo pagkain.” Natatarantang saad ni Evan.

“I already ordered foods for you guys. Hindi ko na naitanong kung anong gusto niyo.” Nawala ang pagkakataranta nilang lahat.

“Dito na talaga ako titira. Ang thoughtful naman ni Reese. Di tulad ng isa diyan, kahit tubig di kami mabigyan.” Pagpaparinig ni Drake kay Liam. Binato naman siya nito ng ballpen.

“I’ve got to go guys.” I waved them goodbye and went out of the unit. Narinig ko pa ang mga panunukso nila kay Liam. Na swerte raw ito dahil ako ang asawa. But what caught my attention before I closed the door is Vince’s statement. Minsanan lang ito kung marinig kong magsalita.

“Choose Liam. Don’t hold on to the both of them. Learn to let go. Make a wise choice. Baka sa panahon na makapili ka na, wala na ang gusto mong piliin.”

Is it really hard for him to choose between mo and Tat? Bakit kahit nga si Brent na talaga ang magsabi sa kanya na pabayaan na nito si Tat, hindi pa rin niya magawa? What with Tatiana?

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now