Chapter 31

234 4 0
                                    

(Liam’s POV)

“Pare, she’s back.” Saad ni Evan. Nandito kami ngayon sa condo at nag-iinuman lang sila. Umiinom rin naman ako pero mas nakatuon ang atensyon ko sa isang article na sinend ni Tatiana sa akin galing sa isang sikat na gossip site.

Therese Margareth Gozon-Suarez is back! She is spotted with a cute little girl in the airport but we heard that the baby is Ashleah’s.

Alam kong anak nina Brent and dala niya.

The famous doctor/model was spotted in NAIA. Is she here for good? Is it true that she and Liam are back together? She still wears the same rings on her finger. The engagement and the wedding ring years ago.

Model, doctor. I'm so proud of her. Pero ayaw ko na nagmomodel siya.

Napatingin ako sa nakaattach na mga pictures sa post na ‘yon ng isang media personnel.

“Bakit ba kasi ako na naman Trent! Nadadamay na talaga ako sa inyo ni Tatiana eh.” Inis na saad ko ng ako ang tawagan ni Trent para puntahan ang mag-ina niya sa hospital. Therese Margaux, that’s Tatiana’s daughter na ipinangalan nila kay Reese para daw maalala ko lage, is admitted at Makati District Hospital.

And yes, hindi ko siya anak. Sobra ang naging away namin noon ni Tatiana pero naintindihan ko naman siya kalaunan. Ayaw siya ng pamilya ni Trent dahil sa mga issue niya kaya’t sa akin siya unang nagsabi ngunit si Reese ang nakabasa ng mga text niya. But yes, we had an affair before. Totoo lahat ng paratang sa akin ni Reese kaya’t wala akong mukhang maiharap sa kanya ng nakapagdesisyon na talaga siyang umalis na ng bansa.

“Good evening. This is Doctora Suarez, our general med doctor here.” Natigilan ako sa pagpasok ng marinig ang sinabi ng doctorang nasa 50s niya na yata.

Napabaling ako sa isa pang doctor na nakatalikod sa amin ngunit para akong naistatwa ng makita ko kung sino siya.

Damn, why is she so hot in a doctor’s coat. Nakita ko ang pagkakatulala ng mga tao sa loob at ang gulat na rumehestro sa mukha ni Reese ng mapagtanto kung sino ang nasa paligid niya.

“Wag naman haharang-harang sa pinto- Oh shit!” napahinto si Brent ng makita din kung sino ang nasa loob.

“I just have to ask for insights from Doc Suarez, is it okay with you?” naguguluhan tanong ng matandang doctora sa amin.

Suarez, I am so proud of her. Ang sarap pakinggan na pagmamay-ari ko siya. Pero sa pangalan na lang talaga yata.

“Papa Liam! You’re here!” rinig na rinig ko ang pagmumura ni Brent sa likod ko.

“Fuck bro, baka isipin niyang-“ hindi ko na narinig pa ang mga sinabi ni Brent dahil pumasok na ako ng dahandahan.

“Yes, Doc. It’s okay.” Ang mama ni Tatiana at Brent ang nagsalita. Naglakad na din agad ako palapit sa kama.

“Fuck.” Narinig ko pa ang pagmumura ni Brent pero hindi ko na ito pinansin, natuon na ang pansin ko sa dalawang doctor na nag-uusap ng kung ano.

“Doc Reese, pwede bang ikaw na lang muna maghandle-“ hindi na natapos ni doc Abellana ang sasabihin dahil tumunog ang phone ni Reese.

“I’m sorry doc pero di ko na ito masisingit eh. I still have to do rounds in the common ward. Hindi din ako tumatanggap ng private cases.” Napatango si doc Abellana.

I look at her intently. She is so damn hot. I missed her, so much.

“Well, ikaw na lang muna magsabi ng assessment mo and prescription. Kahit ito na lang.” Hirit nito ulit. Nakitaan ko nang kaonting inis ang mukha ni Reese pero ginawa niya pa rin ang pagcheck kay Margaux.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now