Chapter 29

225 6 4
                                    

“Doc, good afternoon. Hinihintay ka na po doon.” Isang nurse ang sumalubong sa akin at tinulungan akong maghakot ng mga boxes. Hindi pa naman ako late pero sadyang maaga lang sila.

“Ang dami naman yatang mga tao? Marami bang doctor ang dadalo?” napalibot ang tingin ko sa kabuoan ng lugar.

“May mga legal council din po kasi doc. Hindi lang po medical consultations ang meron. May business sectors din po.” Napatango na lang ako ng sabihin niya iyon.

“Reese!” napalingon ako sa likod ng may tumawag sa akin. Bumungad ang mukha ni Brent. Alam kong isa ang company nila na sumusuporta nito but I did not expect na pupunta siya mismo.

“What are you doing here?” tinaasan ko siya ng kilay.

“Moral support sa mga lablab ko?” gumalaw ang mga mata niya papunta sa grupo ng mga lalaking papasok pa lang sa covered court. Pinigilan ko ang magpakita ng reaction ng makita si Liam na isa sa mga pumasok doon.

“Asshole.” Inirapan ko si Brent ng ngising-ngisi niya ako binalingan.

“Ako? O siya?” humagalpak siya ng tawa ng lagpasan ko siya. Naglakad ako palabas, masasalubong ko ang grupo ng mga legal council yata pero wala akong pakialam. Alangan namang iwasan ko na lang sila, hindi ko na kunin ang mga gamit ko sa sasakyan.

“Liam my friend!” narinig ko pa ang pagmura sa kanya ni Liam. Kilala niya talaga ang kaibigan niya. Bwesit din kasi itong si Brent. Gusto kong bumalik ‘yong siya noon, ‘yong si Ash lang ang iniinis. Ngayon kasi, ako na ang favorite niyang inisin.

Lalagpasan ko na sana ng tuluyan ang mga taga legal council ng tawagin naman ako ng barangay captain yata kaya’t napatigil ako mismo sa tapat lang ng mga lawyers na ito.

“Doctora Suarez! Good afternoon, doc.” Ilang beses ko nang sinabi na Reese na lang ang itawag nila sa akin but still they addressed me as Suarez. Narinig ko pa ang bulongan ng mga kasama ni Liam lalo nan g mga babae.

“Suarez? Diba doctor din ang asawa ni Attorney?” bulong ng isang babaeng nasa likuran ko lang.

“Good afternoon, kap. Kunin ko lang po ang mga gamit sa sasakyan. Are we going to start na?” akala ko ay aalis na ang mga tagalegal council ngunit ng kausapin din ng kapitan ng barangay si Liam, nanatili naman ang mga ito.

“Attorney Suarez, buti at nandito kayong dalawa. Kasi po mayroon pong short talk muna. Kayo pong dalawa ang nakalagay sa program.” Nagulat ako dahil di naman ako sinabihan ng hospital na magsasalita ako.

“What will be the topic, cap?” naguguluhan kong saad. Ramdam ko naman ang paglapit ni Liam sa tabi ko.

“Family planning doc.” Natatawang saad ng kapitan. Really?

“Oh, okay. I’m just not informed but yes I will. Excuse me.” napansin ko ang paninitig ng Liam sa tabi ko ngunit umalis na ako. Narinig ko naman ang pangangantiyaw ni Brent sa isang banda ngunit hindi ko na siya hinanap.

Naging madali lang din naman ang mini-symposium namin dahil naging cooperative naman ang mga tao ngunit isang tanong lang talaga ang hindi ko naiwasan at kung hindi pa sinagot ni Liam ay hindi ko talaga sasagutin. Hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako sa sagot niya o ano dahil doon, naging kami na ang laman ng bulong-bulongan ng mga kasama niya.

“Doc, kung hindi po ako nagkakamali ay may singsing na po kayo. Mag-asawa po ba kayo ni Attorney?” halata ang pagpipigil ng tawa ng nagtanong na ginang. Siya ang napakajolly simula pa kanina. Narinig ko naman ang marahang tawa ni Brent na nasa table habang ako ay nandito sa harapan.

Napabaling ako kay Liam na nasa tabi naman ni Brent. May hawak siyang mic tulad ng mga nasa table, pinaglalaruan niya ito at bahagya siyang nakangiti. Asshole.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now