Chapter 22

202 5 1
                                    

Liam's POV

"Hey man, kanina pa malalim ang iniisip mo ah. Malulunod na kami." Evan tapped me shoulder. Simula pa kanina ng pagdating ko ay naging tahimik lang ako.

"May problema ka bro? Akala namin okay na kayo ni Reese?" napabaling na ang lahat ng kaibigan ko sa akin. Bent is just silent beside me.

"We're okay." Pero alam nila ang salitang okay ay hindi para sa akin.
It's been months since that incident happen. I regretted that day.

"Your wife cried, and still you choose Tatiana? You are an asshole Liam." Galit na galit si mama ng umuwi ako ng gabing 'yon. I can't go home to our unit, guilt will eat me up seeing that Reese will not be there.

I received a slap from Laila that night. Muntikan na rin akong masuntok ni papa. Ate ignored me.

When my parents went to Reese', para humingi ng tawad, doon na ako mas lalong nagalit sa sarili ko. I saw how she fight for herself in front of his dad. Sinisi ko ang sarili ko when he received a slap she doesn't deserve. Ng umakyat siya sa kwarto niya, I had the urge to follow her but I want to talk to her parents.

"Mom, dad, can I talk to you?" I don't know if I should still call them that way. Alam kong gusto na ni Reese ng annulment.

"We don't need an apology or an explanation Liam. We just want you to know that our daughter is welcome here in our house anytime but we are giving you chance. Alam namin na kami ang may pakana nito, kami ang may kagustuhang ikasal kayo. Nagsisisi kami Liam, nagsisisi ako na pinilit ko ang anak ko na magpakasal. Nagsisisi ako na hindi ko siya pinagbigyan ng magmakaawa siya sa amin na 'wag na lang ituloy. She begged us Liam. But during your wedding day, when we asked her to leave, hindi niya ginawa. Hindi siya umalis dahil ayaw niyang mapahiya kami, ang parents mo, at ikaw mismo. Ayaw niyang iwan ka sa altar Liam, because she knows that you are also a victim, hindi dapat iniiwan. Mas gusto niya pang ikaw ang umalis at iwan siya kesa sa siya ang mang-iwan. She is like that Liam. She always think of others first before her self." Parang natauhan ako sa sinabi ng mommy niya. Ng umuwi siya sa akin the next week, hindi ko na inaksaya ang oras ko. I tried to reach out to her, pero hindi na siya maabot. Ilang beses akong nagreach out sa kanya, showing sweet gestures when we were in school pero parang napipilitan lang siya. Ilang buwan muna bago siya unti-unting nag give in sa akin.

"Huwag mo nang ihinto pa 'yan Liam. I'm true to my words, you know that." Napabaling ako kay Brent ng magsalita siya. Kahit napakaingay dahil sa sayawan, naririnig pa rin namin ang isa't isa.

"Magkaibigan tayo Suarez, pero handa akong sirain 'yon para kay Therese." Binantaan ako ni Brent dahil sa pangyayaring 'yon. Tatiana is his sister. Pero hindi niya ito pinagbibigyan.

"No need, Brent. Hindi ko siya sasaktan." He just smirk at me. Naging casual na din agad ang mga pinag-usapan namin. Tanging si Brent lang ang tahimik sa amin.

Napabaling ako sa katabing mesa namin, they are all standing already, hinihila si Reese.

"Fuck." Nautas ko na lang ng nahila na nga siya ng mga kaibigan niya papunta sa dancefloor.

"Let her, minsan lang naman 'yan. Si Ashleah ang palaging kasama niyan pero laging wala 'yon." napabaling ako kay Brent ng magsalita siya. Minsan nagdududa na ako na may namamagitan sa kanila ni Ash pero minsan nahihimigan ko rin na may gusto siya sa asawa ko.

"Evan, kapatid mo oh, may humahawak na." napabaling ulit kami sa dancefloor. Yohan is dancing with a guy but that guy is familiar.

"Tanga ka ba? Boyfriend niya 'yan. Kaya gising na Neil, wala ka ng pag-asa pa." nailing na lang kami sa kanilang dalawa. Hindi na sekreto sa amin na may gusto si Neil kay Yohan pero natotorpe.

Hinanap ko si Reese sa dagat ng mananayaw. Nakita ko agad siya dahil magkakasama lang sila ni Sally. Pilit siyang isinasayaw ng mga ito.

"Shit, Liam kalma." Nakuyom ko ang mga palad ko ng biglang may lumapit na lalaki sa kanya. Bumulong pa talaga ito sa tenga niya. Hinawakan naman agad nina Brent ang balikat ko para pigilan akong sugurin ang lalaki. Nakita ko naman na umiwas si Reese at lumayo ang grupo nila sa grupo ng mga lalaki.

"We're done with this." Inilapag ko ang baso ko sa table at tumayo na agad para kunin siya sa dancefloor.

Nabigla pa siya ng pumulupot ang braso ko sa baywang niya.

"Let's go home. You broke the rules." I whispered on her ears. Namumula na siya, siguro ay dahil sa init at ininom na alak.

I pulled her from her friends after she bid them goodbye. Tinanguan ko lang ang mga kaibigan ko na nakatingin sa amin. Kinuha ko ang dala niya clutch at iginiya na siya palabas.

Nakapikit na agad siya ng maupo sa frontseat ng sasakyan ko. Napagawi ang tingin ko sa mga labi niya. I have this urge of kissing her but I am stopping myself, Hindi ko alam kong mapipigilan ko pa ang sarili ko kapag nagpapaubaya na siya.

Ikinabit ko ang seatbelt kaya napalapit ako sa kanya.

"Liam, I'm dizzy." Napamura ako ng bigla siyang kumapit sa batok ko at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. My Margareth won't do this if she is sober. For sure, tahimik lang ito at naiilang kung hindi ito nakainom.
Pinabayaan ko muna siya ng ilang minuto para kumalma. Baka masuka siya kapag umalis na agad kami.

"Drink water." Kinuha ko ang bottled water na nasa dashboard at tinulungan siyang uminom mula dito. Sumubsob na ulit siya sa akin ng matapos uminom. Paano ba kami uuwi nito.

"Hon, alis na tayo? Para makapagpahinga ka na." nakita ko naman ang pagkagulat niya ulit, para siyang nahimasmasan ng magsalita ako. Lumayo agad siya sa akin at sumandal na. I chuckled and kiss her. Iniwas niya agad ang mukha niya matapos ko siya halikan.

"Sometimes, gusto kong lasing ka." She glanced at me for a while. Isinarado ko na agad ang pinto at umikot na para makapasok.

Nang nasa parking lot na kami ay nagmadali na agad siyang makalabas ng sasakyan. Natatawa lang akong sumunod sa kanya. Napamura ako ng muntik na siya matumba, buti na lang ay nasambot ko agad.

"Damn woman, wait for me." kumawala agad siya ng mabalanse niya na ang kanyang sarili. Nang nasa elevator na kami ay napansin kong panay ang tingin ng kasabayan naming mga lalaki sa kanya. Damn. I want to throw a punch on their faces.
Pagkabukas pa lang ng elevator ay naglakad na agad si Reese, hindi na ako hinintay pa. Ano bang problema nito?

"Hey, anong problema mo?" I held her waist when we are already inside the unit. Pilit siyang kumakawala sa hawak ko pero hindi ko siya pinagbigyan.

"Let me go." Paangil na saad niya sa akin.

"No. Tell me what's your problem first." I drag her towards the living room at umupo ako sa sofa. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko, hindi makaalis dahil hawak ko ang kanyang kamay.

"Wala nga?" namumula pa rin siya pero alam kong hindi na dahil sa nainom niya. Kinabig ko siya paupo sa kandungan ko.

"Liam! Magshoshower muna ako." pilit siyang kumakawala sa yakap ko.

"No need." I whispered. She stiffened when I did that. Naiilang nga siyang talaga.

"Let me go please." Mahinang anas niya.

"No." Damn, hinding hindi ko gagawin ang pakawalan siya.

Not anymore, now that I think I'm falling for her. I mean, damn. I fell. Deeply.

~
Sorry for the lame guy POV, hindi po talaga ako marunong huhuez. I'm just a frustrated romance author haha hope you'd like it. Lovelots 💖 please leave a comment and hit vote 😊

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now