Chapter 37

228 3 0
                                    

(Liam's POV)

"We're not mad at you anymore anak. Just please don't hurt her again." Saad ng mommy ni Reese. I begged them to give me another chance. After that incident in Tagaytay where Maureen suddenly arrived, I realized that I can't get near her anymore if I will not make a way of getting her again. Having Maureen near me will give her thoughts that I already have someone else. It's almost 5 years at ngayon lang ako naging desidido na mapalapit sa kanya muli.

"I won't mom." I said. Her dad tapped my shoulder.

Galit na galit sila noon sa akin. They almost loathe me because of what I did but Tatiana talked to them. She explained everything. She told them the reason why I can't turn my back to her.

Tatiana, Brent and I are childhood friends. One vacation before, we are at the beach. Napagtripan ko si Tatiana and that caused trauma to her. Nagkaroon siya ng phobia towards the beach and she needs treatment. I thought she's okay, but when we're already in college, nagbago na naman ang ugali niya. I found out that it's because of the effect of her psychological trauma and she's taking drugs to ease it pero mas lumalala lang.

That's the reason why I can't leave her. I'm so guilty. Kahit sinabihan na ako ng parents niya at ng kuya niya na kaya nilang alagaan siya, di ko pa rin maiwasan ang mag-alala. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon na rin kami ng relasyon but it's a no strings attached relationship. We agreed to that and she had her boyfriend. I know I am an asshole because pumatol ako sa isang taken.

But when she said that she's pregnant, doon na ako natakot. I already love my wife but I can't run from the responsibility of being Tatiana's baby's father. My mind was in chaos, especially when Reese left.

Now that she's back, I won't give her any reason to leave again.

I know she's planning to pursue the annulment. That's what Brent told me last night. Damn, hindi 'yon mangyayari.

"Ang ganda no? Bagay na talaga maging mommy." Siniko ako ni Kuya Franco ng makita naming naglalakad si Reese karga si Kisha at Akilah. She's one hell of a hot momma.

"Don't let her go. Not again Liam." I smiled at Ash. Sa lahat ng malapit sa kanya, si Ash ang pinakanagalit sa akin. She loathe me, before.

"I won't." Maiksi kong saad. I smiled when she stopped walking when she saw the people near the pool.

Damn baby, pamilya natin 'yan.

I want to go near her, baka nabibigatan na siya sa mga bata pero parang hindi naman. Akilah and Kisha are laughing while she carried them both.

Nakasunod sa kanila ang yaya ni Akilah.

"She suffered a lot but she still blooms like never been hurt." Saad ni Ate. Laila is in the pool with Alexa. Until now, she doesn't talk to me. Galit na galit din siya sa akin. She even slapped Tatiana that time sa harapan ng mga tao sa hospital ng magpacheck kami sa OB. She became the headline of every gossip sites but she just cursed them.

"Laila will be happy if you will be together again, Liam." Saad ni ate Lindsy. Napatingin ako kay Laila na nakangiting nakatingin kay Reese.

"I know ate. I will be the happiest if they will both accept me again." Natatawa si Kuya Franco na umiling.

"Be visible now, attorney. Don't be the invisible 'heart emoji' stalker of her." Natawa na silang lahat ng gulat na itinuro ako ni Ash.

"Yes babe, siya lang naman ang invisible 'heart emoji' stalker ni Reese. Hindi fan ha, stalker talaga. He's always there kasi, nagtatago para di makita." Gulat pa ring nakatingin sa akin si Ash. Hindi makapaniwala sa nalaman.

"The hell Liam, ikaw pala 'yon? Muntik ka na naming ireport sa police ah. Para matrace kung sino kasi you're so creepy na kahit photoshoot lang ay alam mo na agad. Nagpapadala ka agad ng assorted colors of roses. Pati si Nathalie ay natatakot na sayo. Pinapasundan niya na si Reese sa boyfriend niya every duty nito. Nadadamay na nga 'yon eh." Bakas pa rin ang gulat sa pagsasalita ni Ash.

"Nathalie?" Takang tanong ko.

"She's Reese' bestfriend in NYU. Pupunta 'yon dito during mom's gala night. Invited ang bruha. Wait until she sees you, sasabihin ko sa kanya na ikaw 'yong secret admirer ni Reese para sapakin ka." Oh the American girl. Nakikita ko nga ito na kasakasama ni Reese noon.

"Just don't tell her now. Not yet please." I asked Ash.

"Of course. Bahala kang magpaliwanag sa asawa mo." Natatawa niyang saad.

I just watched Reese play with the two little girls. Nang mapagpasyahan nilang maligo ay nagbihis si Reese para masamahan ang dalawa. Sayang-saya naman ang mga ito ng suotan sila ni Reese ng kanikanilang damit pangligo na kakulay pa ng kay Reese. She so hot with her pink one piece swimming attire.

"'Wag naman titigan masyado, baka matunaw." Nanunuksong saad ni Ash.

"Attorney, hindi 'yan makukuha sa patingin-tingin lang. Galaw na." Natatawa ako sa mga panunukso nila. Not yet. Hindi ko siya bibiglain. Baka iwan pa ako niyan kung mabigla siya.

"Slowly. Slowly but surely." Kinindatan ko sila. Nagsitayuan naman na kami at nagtungo sa pool. Tawa ng tawa si Reese sa ginagawa ng dalawang bata na nakasuot na ngayon ng floater. Hindi siya nahihirapan kaya't silang tatlo lang ang magkasama.

"Mama Reese, when will you have your own baby?" Napaubo si ate ng itanong 'yon ni Kisha. Para namang nakakaintindi si Akilah dahil tumango-tango pa ito.

"Nanghihingi na ng baby ang mga panganay mo Reese." Nanunuksong saad ni Ash.

"And I really wanna be called Mama Ash na." Dugtong pa nito.

"You are my babies. So I already have na." Saad naman nito matapos makabawi sa tanong ni Kisha.

"But you and Papa Liam don't have your own." Saad naman nitong muli. Kaming lahat na halos ang naubo dahil sa sinabi nito. Napalingon pa si Reese sa akin, parang inaakusahan ako na tinuruan ang bata. Inaakusahan niya ako? Might as well ride with the waves then.

"Soon." Saad ko. Napabaling naman muli siya sa akin. She's glaring at me.

"'Yon oh! Lumalaban na ang manok ko!" Tumawa silang lahat, pati sina mama ay napabaling na sa amin.

"Enjoy your mama Reese now, hindi niya na kayo makakarga sa susunod dahil may baby na siya sa tummy niya." Saad ko pa and I smirked at her.

The war is over baby. We will soon make our own babies.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now