Chapter 13

177 6 0
                                    

“Okay ka lang?” tapos na ang presscon pero ‘yong kaba ko, still nandito pa.

“Yeah. Uwi na tayo?”  nagyaya na agad ako dahil baka mahirapan pa kaming lumabas kapag nakalabas na din ang mga reporters. Tiyak dudumugin pa rin nila ako.

“Hindi ka uuwi sa inyo? May pasok na bukas.” Ash said. May pasok na nga bukas pero ayaw kong umuwi doon. I’m afraid what his reaction will be? Magagalit kaya siya sa mga pinagsasabi ko?

“Hapon pa ang klase ko. During TTh lang ang may morning. Uuwi na lang ako doon para kunin mga gamit ko.” Iyon nga ang ginawa ko.

Kinabukasan, nagbihis na ako sa bahay pa lang. 10 AM na ako umalis, dadaan lang naman ako sa unit ni Liam to get my books.

Naglalakad na ako papuntang elevator ng magkasalubong kami. He’s already in his gray suit. Daladala niya sa isang kamay ang bag ng laptop niya, sa isang kamay naman ay ang bag na marahil ay laman ang mga libro niya.

Ramdam ko ang tinginan ng mga tao na nasa lobby pa.

“Ingat.” I shortly said and kissed him on his cheeks. He did not responded, maybe he is angry because of what I did yesterday. Hindi na rin ako naghintay pa ng sasabihin niya at baka mapahiya na naman ako sa harapan ng marami.

Pumasok na agad ako sa elevator at nagtungo sa unit niya. Nakita ko naman siyang naglakad palapit sa receptionist at may sinabi dito bago pa man magsara ang pinto ng elevator.

Nagmadali na ako sa pagbaba dahil malapit nang mag12. 1 PM talaga magsisimula ang klase ko every Monday, Wednesday, and Friday. Hanggang 8:30 ito ng gabi. Nasa lobby na ako at nagmamadaling umalis pero tinawag ako ng receptionist.

“Mrs. Suarez, ma’am.” Hindi pa agad ako nakalingon dahil nakalimutan kong Suarez na nga pala ako. I’m still used to being a Gozon.

“Yes?” wala akong choice but to approach her. Nagmamadali na ako pero baka importante ito. Dito pa naman na nakaaddress ang mga mails ko, baka galing ito sa school.

“Sabi po ni Sir Liam na ibigay daw po ito sa inyo. Siya po ang nag-order niyan kanina bago siya umalis. Sinabi niya pong ibigay sa inyo pagbaba niyo.” The receptionist handed me a plastic food container, probably taken out from the nearest restaurant.

“Thank you.” I just smiled at them shortly and dumeretso na sa school. Malapit lang naman ang school sa unit ni Liam, mga 30 minutes drive but traffic made it 45 minutes for me kaya nagmadali na ako sa pagpasok. Med building is at the center of Law building and grad school for Business. Mas nauunang madaanan ang law. I saw students on the kiosks in front of their building, probably studying. Sa pagkakaalam ko, 3 PM ang earliest class ng mga law students. Baka nga wala pa din si Liam kaya’t confident ako na naglakad sa corridor ng building nila. Pero mali pala ako. Nasa kalagitnaan na ako ng mapansin ang kumpol ng mga studyante na nasa corridor. Parang mga highschool student lang kung makatambay ang mga ito. Akala ko ba puro mga matured na ang nandito, eh ba’t merong mga ganito. I thought they will all be in their rooms, subsob sa libro at nagmememorya ng sandamakmak na probitions.

“Reese, hi!” lalampasan ko na sana sila pero tinawag ako ng isa sa kanila. Hindi ko sila sinulyapan kanina kaya’t di ko agad nakilala. Some of them were Liam’s friends na umattend ng kasal namin. The hell, ba’t ba kasi dito pa ang daan papuntang med building.

“Hi.” I smiled at them, pero doon lang ako nakatingin sa lalaking bumati sa akin. If I’m not mistaken, this is Evan. Pinasada ko ang tingin ko sa kanila ng isa-isang maglahad sa akin ng kamay ang mga ito para magpakilala. They’re all in all 5 in the group. Evan, Vince, Neil, Shun, and Drake. Napalingon ako sa likod ng lahat sila ay tumingin dito.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now