Chapter 39

231 4 1
                                    

4:30 AM and I'm already on the road.

"Anak, mag-ingat ka. Bakit ba kasi di ka na lang sumabay kina Ash kagabi. Liam is also here na. Akala niya nandito ka na." I can't wait for this call to end. Ang ingay ni mommy.

"I can drive my way there at duty ko nga kagabi. My leave will start now, until Saturday kaya't marami akong trabaho na tinapos muna." Inis kong saad. Ang aga-aga naman gumising nito.

"Drive safely please."  Alangan namang ibangga ko ang sasakyan ko 'no tss.

"Yes mom, I'll hung up na. Bye." Pinatay ko na agad ang tawag. Batangas is far, it'll took hours for me to arrive. I'm used to long drives anyway, lalo na dahil ng nasa New York pa ako, malalayo ang mga pinupuntahan namin for outreach programs at laging ako ang nagdadrive sa amin ni Nathalie.

A business conference will be held in a resort in Batangas. Isang araw lang naman 'yon pero sinamantala na ng pamilya ko na magbakasyon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kasama pa sina Liam sa bakasyon na 'yon.

After hours of driving, nakarating din ako sa resort. Maraming sasakyan ang nasa carpark at pahirapan pa sa paghanap ng space. Marami na ring tao at ang iba'y nakilala ko.

"Reese! Hi!" Tawag sa akin ng isang grupo ng mga kaedad namin ni Ash. They are daughters of some businessmen and politicians, probably attending the business conference.

Kinawayan ko sila at isinarado na ang kotse matapos kunin ang duffel bag na may lamang mga damit ko at ang shoulder bag na naglalaman ng mga importanteng gamit ko.

I walked towards the main bulding of the resort, all the establishments are one-storey and are made of hardwood.

Ilang beses akong napatigil dahil sa mga bumabati. May mga kakilala ang pamilya na nakasalubong ko at ngayon pa lang ako nila nakita ulit.

"You're so dazzling darling. How's being a doctor?" Masiglang bati sa akin ng amiga ni mommy. Nakipagbeso naman ako sa kanila dahil isang grupo sila na nakaupo sa isang round table malapit lang sa lobby ng resort.

"Fulfilling tita. Nakakapagod physically pero masaya. How's Bethany, she's taking med right?" I know her daughter wants to be a doctor.

"She's struggling now." She chuckled.

"But I know she'll do good tita." I assured her. Nagpaalam na rin ako sa kanila dahil nagugutom na ako. It's already 8 AM at wala pa akong kinain simula kanina.

When I turned towards the lobby, I saw Liam talking to some men just his age. Pero ng nakitang naglalakad ako palapit ay bumaling na siya sa akin. He eyed me from head to foot. Naconscious tuloy ako sa paglalakad ko.

I am just wearing a denim short and a flowy spaghetti strapped top and a slipper. Okay lang naman kasi nakikita ko nga ang iba na nakabikini na lang dito. It's a resort anyway at sa pagkakaalam ko ay mamaya pang hapon ang start ng conference. Hindi ko rin alam kung kasama pa ba ako. Hindi naman siguro required ang mga anak umattend.

"Good morning." Sinalubong niya ako at hinalikan sa pisngi. Kinuha niya rin ang bag na dala ko.

Aalma pa sana ako ngunit binati na ako ng mga nakakita sa akin na kakilala.

"Asawa ni attorney 'yan. Doctor." Narinig ko pang bulong ng isang babae sa kasama niya na kanina ko pa napansin na panay ang pakikipag-usap kay Liam.

"They're done right? Noon pa. Nagkabalikan ba?" Tanong naman ng isa. Really? Ba't ang tatapang nilang pag-usapan ang mga taong may sariling buhay.

I felt Liam's arm snaked around my waist and pulled me close to him.

"Ipakilala mo naman sa amin attorney." Tukso ng isang lalaki sa grupo na kausap ni Liam kanina.

"Gago." He chuckled. Nagtawanan naman ang mga kasama nila.

"Ang damot ni attorney. Hi doc, I am Michael Ledesma." He offered his hand for a shake pero hindi ko matanggap kasi ginapos ni Liam ang mga kamay ko. Nakapulot ang braso niya sa katawan ko.

Tumawa ang mga lalaki at napaismid ang ibang babae.

"Stop hitting on my wife, Ledesma." Matigas na saad ni Liam. Siniko ko siya at natawa pang muli ang mga kasama namin.

"This is my wife, Therese Margareth Suarez. Love, mga gago 'yan." Humagalpak na talaga ng tawa ang mga kausap namin. I smiled at them just to not be rude.

Ayaw ko ring itanggi ang pinagsasabi ni Liam dahil totoo nga namang asawa niya ako pero the truth is, we're not really still okay. Nag-away pa nga kami ng nakaraan dahil sa hindi niya pakikipagcooperate sa annulment appeal ko.

"I'll just check-in first. Excuse me gentlemen." Lumuwag naman agad ang hawak ni Liam sa akin. Naglakad na ako palayo sa kanila at sumunod naman siya.

"We're on the same room. They're fully booked." Saad niya. Napatigil ako dahil doon.

"I can be with my parents then." Malamig kong saad.

"Alexa's with them."

"Then I'll stay with tita Beth and tito's room."

"Magkasama lang sila ni Ash at Brent sa isang family cabin." The hell.

"How about Laila?"

"Kasama sina mama." Gusto ko siyang sabunotan pero tiyak na makakakuha kami ng atensyon kaya't pasimple ko lang siya kinurot ng napakalakas sa braso niya.

"Aray, masusugatan na naman 'yan." He jumped a bit when he felt my nails dug into his skin.

"Pagod na ako kaya't di ako makikipag-away pa. Lead the way please. Pero hindi talaga ako agree kaya't don't try me." Banta ko sa kanya. Natawa lang siya at ininda na lang ang pagkakabaon ng kuko ko sa kanyang braso. Nakita kong namula ito kaya't naguilty tuloy ako.

"No worries ma'am." He playfully said.

Napakalaki ng pagbabago sa kanya, lalo na't kapag kami lang ang magkasama. He seems playful now. Ibang-iba noon.

It's been months and he's still trying to pursue me. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw kong bumigay, nalaman ko naman na hindi pala alam ng mga tao dito na naghiwalay kami dahil lininis ni Tatiana ang mga pangalan namin at ikakasal na din ito.

I just can't afford another heartbreak, maybe because hindi pa ako makarecover kaya't as much as possible, lumalayo kay Liam.

Takot akong masaktan.

It Started Without LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt